Chapter Fifteen: Wizard Saints
Nandito ako sa may hall kung saan dapat lahat ng estudyante kumain at kasama ko si Kent. Sinamahan niya lang ako dahil pinakiusapan daw siya ni Jessy na bantayan muna ako habang wala pa siya.
Napapansin ko na magkakaiba ang table ng freshmen, sophomore, junior at senior ng Sapphire at Emerald. Nakakapagtaka pa, dahil ibang lamesa ang inuupuan namin ni Kent. Parang yung pwesto namin ay nasa unahan at center siya nung apat na mahahabang lamesa ng Sapphire, meron din sa may part ng Emerald kaso wala pang nakaupo. Medyo nahihiya na rin ako kase halos lahat ng mata nakatingin saakin.
"Bakit nakaupo siya sa dapat upuan ng mga Elemental Saints?"
"Elemental Saint din ba siya? Anong ability niya?"
"Diba kumpleto na ang Elemental Saints? May Fire, Water, Air, Earth, Lightning, White Shadow and Light na diba?"
"Ewan ko nga eh, pero kamukha niya si Cee. Kaso parang may iba sakanya e."
Mga naririnig ko sa bulungan nila. Hay, ako nalang lagi ang tampulan ng usapan at tukso. Nagsimula ng umingay ang dining hall dahil nagsisidatingan na ang ibang estudyante at nakikisama na din sa usapan.
Napatingin ako kay Kent na busy sa pagbabasa ng kung anong libro. Ilang minuto pa ay dumating si Jessy kasama si Lawrence, dalawang babae at si Mr. Pilosopo?
Magkakilala sila? Nag-uusap sila ni Jess at yung dalawang babae, agad akong tumayo para magpakilala sakanila pero pagkalapit nila napatulala silang dalawa. Ilang beses silang nagsalin ng tingin saakin at kay Kent. Tapos bigla nalang akong niyakap nung isang babae.
"Oh my Goooooosh! Cee, I missed you!" Sabi niya habang nakayakap saakin.
"Huh? Cee?" Tanong ko.
"Alon wait," Sabi ni Lawrence, at inilayo niya yung babae.
"She is Cassy Gonzales." Pagpapakilala ni Jessy.
"Ow I forgot, Hi I'm Alondra Ferrer." Nag-abot siya ng kamay, shakehands. Aabutin ko na sana kaso may naalala ako kaya napatigil ako.
"Don't worry my power isn't possession." Sabay ngiti niya. Inabot ko naman ito at nakipagshakehands. Pinakilala niya sakin yung babaeng katabi niya at si Mr. Pilosopo
"This is Rebecca Bautista," ngumiti lang siya saakin at umupo na. Tinuro niya si Mr. Pilosopo. "and Cain Castino." Hindi ito nagsalita at umupo lang din siya. Kumapit si Alon sa braso ko at binulungan.
"Masungit talaga yang si Leader, mas masama pa ugali niyan kesa kay Kent eh." Ani nito.
"Leader?" Inaya niya akong papunta sa upuan ko.
"Yep, siya yung leader ng Saints." Naguguluhan ko siyang tinignan.
"Saints?"
"We will explain, but we have to take a seat right now and eat." Ngumiti ito at umupo na.
Nang makaupo na kami agad na dumating yung mga pagkain namin. Pagkatapos kumain nagsalita naman si Alondra.
"Kami nga pala ang Elemental Saints at yung nasa kabilang table ay Hemetell Saints. Healer, Mentalist and Teller ang meaning. Apat sila dahil sila lang yung nagrank na matataas at kapag tumaas pa yung kakayahan nila makakapunta na sila sa Sapphire. Dalawang healer, isang mentalist at isang fortune teller." Napatango naman ako, gusto ko sanang magtanong kaso nahiya ako.
"May gusto ka bang itanong? Wag kang mahiya, magkakaibigan na tayong lahat dito." Kaibigan.. Natuwa naman ako doon.
"Erm a-anong kapangyarihan niyo?" Tanong ko. Tumingin saakin si Rebecca at ngumiti, siya na ang sumagot sa tanong ko
"You'll see later." At nagsimula na silang tumayo at naglakad.
***
Mistype and Grammatical Errors ang posibleng nandiyan so please pakiintindi nalang po. Vote and Comment din po kayo.
BINABASA MO ANG
My Secret Fairytale
FantasíaThis is a story of a girl who discovered something unexpected about herself and eventually her life...