Chapter Eleven: Andrea FeliceNakalabas naman ako ng hindi nawawalan ng malay sa loob ng flying cylinder na iyon. Kasalukuyang pababa na kami ng hagdan noong makasalubong namin sina Lawrence at Kent.
"Bakit namumutla ka?" Bungad na tanong sa akin ni Rence noong makita nila kami.
"Ahh, nagpunta kasi kami sa office." Si Jessy ang sumagot ng tanong at napatungo naman ako sa kahihiyan.
"Ah, nakasakay kana pala sa transpo.." Tinitigan ko si Jessy ng masama, tumawa lang siya at si Rence naman ay halatang nagpipigil ng tawa.
"Let's go Rence," Napatingin naman ako sa nagsalita, si supladong Kent. Tss, naiinis talaga ako sa mukha niyang nakasimangot. Parang ang laki-laki ng galit niya sa mundo eh.
"Alright, see you Jess and Cass." Kumaway saamin si Lawrence bago ngsimula na silang maglakad. Nagsimula narin kaming maglakad patungo sa dorm namin.
"Cassy may kailangan lang akong puntahan. Kung gusto mong libutin ang buong school, maglibot ka muna." Tumango nalang ako.
Sumabay siya sa akin palabas ng building na ito at pagkalabas namin nagtungo na kaagad siya sa kabilang direksiyon.
Habang naglalakad si Jessy ay sinusundan ko lang siya ng tingin, hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Napalibot ako ng mata sa paligid, doon ko lang napansin na napakalaki pala ng eskuwelahan na ito at pwedeng-pwede akong maligaw.
Kahit hindi ko alam kung saan ako paparoon ay nagsimula na akong maglakad. Medyo malayo na rin ang nalakad ko at kung saan-saan nalang ako lumiliko sinusundan yung ibang mga estudyante.
Noong napagod na ako umupo ako sa isa sa mga bench. Nasa garden ako, siguro dito madalas tumambay ang mga estudyante, dahil napakaganda dito at napakapeaceful. Kaso ang problema ko ngayon ay kung paano ako makakabalik sa dorm dahil gutom na ako. Di pa ako nag-aalmusal at nagtatanghalian.
*Kruuuuuuuuuuuuuuuh*
Yung mga alaga ko sa tiyan nagwawala na, dahil gutom na gutom nako. Kakapalan ko na nga ang mukha ko para may lakas ako ng loob na makapagtanong. Tinignan ko ang ang paligid pero wala na akong makita na kahit isang estudyante. Naglakad-lakad ako hanggang sa may namataan akong lalaking nakaupo sa isa sa mga bench. Nakaheadset ito at nakapikit ang mata, bakas din sa aura niya ang authority. Kahit na nag-aalinlangan ay kinulbit ko siya.
"Ahm, kuya? Excuse po?" Tumingin siya saakin gamit ang malamig na mata at tinanggal ang headset niya.
"Go on, pwede kang maglakad dito. This garden is wide open," nakasimangot nitong pahayag.
"No I mean, pwede bang magtanong?" Sagot ko.
"You're already asking right?" He said while rolling his cold eyes.
Patience Cass, tiis nalang muna. Kailangan mo ng makauwi dahil gutom kana.
"Saan po ba yung girls dorm? Naliligaw kasi ako,"
May itinuro naman siyang direksiyon sa akin. Nagpasalamat naman ako at dahil nga dakilang pilosopo siya, pilosopo rin ang sagot niya noong nagthank you ako. Kahit papaano ay nawala ang takot ko nung sinagot niya ako ng kapilosopohan. Medyo nararamdaman ko kasi yung sobrang authority niya eh. Kaya medyo nakakatakot.
Nagsimula na akong tumakbo patungo sa dorm namin. Dahil gutom na gutom na ako, hindi ko napansin na may mababangga ako at dahil doon ay napaupo siya kasabay ng pagtapon sa kanya ng hawak niyang inumin.
Agad kong kinuha ang panyo ko at pinunas sakanya, tinulungan ko rin siyang tumayo kaso tinulak lang niya ako.
Nang tumayo siya, pinunasan niya ang mukha at damit niya na natapunan nung hawak niyang inumin. Tinignan niya ako ng sobrang talim.
"Sorry, hndi ko sinasadya." Sabi ko, nakakatakot siya. Parang may itim na aura ang bumabalot sa kanya.
"Tsk, stupid sa tingin mo mapapatawad kita ng ganoon lang? Pagbabayaran mo to." Napatungo naman ako.
Hinawakan niya ang baba ko at inangat ang ulo ko para mapatingin ako sakanya. Napansin ko na sobrang naging dark na ang aura niya. Sobrang nakakatakot na rin ang mga tingin niyang walang emosiyon, nagsimula na akong kabahan.
"You'll pay for this." And with that umalis na siya. Walang emosiyon ang boses niya, at sa sobrang pagkakalmado niya natakot ako kaya nanglamig ang buo kong katawan.
Nakatulala lang ako habang naglalakad, parang nawala ang gutom ko dahil sa nangyari. Hindi ko rin napansin ang paglapit saakin ni Jess at pawis na pawis siya.
"Cassy, kanina pa kita hinahanap. Saan ka ba nanggaling?"
"Kilala mo ba yung babaeng may blonde at kulot ang dulo ng buhok? Tapos mukhang manika at napakasopistikada kung manamit?" Tanong ko kay Jess.
"Si Andrea Felice? Siya lang ang kilala kong tao na napakasopistikada manamit, Bakit?" Hindi ko na sinagot ang tanong niya at nanatiling tahimik nalang.
***
Pasensiya po sa typos and errors. Votes and Comments?
BINABASA MO ANG
My Secret Fairytale
FantasyThis is a story of a girl who discovered something unexpected about herself and eventually her life...