Chapter Fourteen: Unknown Ability
Napagdesisyunan kong bumalik nalang sa classroom dahil first day na first day ay hindi ako pumasok. At saka baka hinahanap na ako ni Jessy, paniguradong nag-aalala na yun.
Habang naglalakad hindi ko talaga maiwasan na hindi kabahan. Ikaw ba naman gamitan ng kapangyarihan na ganoon diba? Tapos wala ka pang laban hay. Panigurado mayroon pang mas malakas na kapangyarihan o mahika ang naroon sa classroom. Kailangan kong mag-ingat.
Nagulat ako noong may naramdaman akong kasabay sa paglalakad, kaya napatingin ako sa gilid ko. Isa siguro siyang teacher, dahil nakasuot siya ng uniform na para sa mga teacher. Nakakapagtaka lang dahil hindi ko naramdaman ang presence niya kanina. Kung hindi ko lang narinig yung footsteps hindi ko siya mapapansin.
"You're Miss Gonzales right?" Tumango naman ako.
"You supposed to be in your classroom, why are you here?" Hindi ko alam ang aking sasabihin kaya medyo natakot ako. Baka kung anong parusa ang gawin saakin ni Ma'am.
"Hmm? She's with me," Biglang nagsalita si Ma'am. Lumingon siya saakin at tinitigan akong maigi, habang nakikinig sa kausap niya. Kaso hindi naman nakabukas 'yong relo niya at dapat may lalabas na hologram don. Wala rin naman siyang hawak na phone? Eh?
"Alright."
Siguro siya yung next teacher namin, dahil kasabay ko siya paakyat ng hagdan at papunta rin siya sa fourth floor. Hay. Pagkadating namin doon, lahat sila tumigil at noong makita nila si teacher ay agad na bumalik sila sa kanilang upuan. Maliban lang kay Mister pilosopong laging nakaheadset. Nakaupo siya sa desk habang nakikinig sa music niya. Siya yung pinagtananungan ko kahapon noong nasa garden ako at parang nawawalang bata..
"Mr. Castino." Kinulbit siya ng isa sa mga katabi niya kaya napatingin siya. Wala siyang sinabi at umupo nalang sa upuan niya.
"Senior Sapphire students, I want to introduce this girl beside me. She is Cassy Gonzales and she will be on your class for the whole year." Tumango naman ang iba habang mayroong nagtaas ng kamay at nagtanong.
"Ma'am, what is her ability?" Nagsang-ayon naman ang iba sa tanong nung isa. Hala? Anong sasabihin ko?
"Sample."
"Sample." Sigaw nila. Ayoko nito. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Bigla nalang bumalik sa akin ang pakiramdam sa tuwing binubully ako.
"Ano? Bakit ayaw mong ipakita? Kase wala? Kaya pala hindi ka lumaban kay Mab kanina eh."
"Oo nga, Paano ka nakapunta sa Sapphire kung hindi ka pa nakakapasok sa Emerald? "
Pinagtutulungan na nila ako at wala parin si Jessy. Nakatayo lamang ako sa harap ng klase na hindi alam kung ano ang gagawin. Mabuti na lamang ay nandito si Kent, mahigpit nitong hinawakan ang aking pulso bago tumingin sa buong klase at magsalita.
"Wala siyang dapat ipakita sainyo." Sagot nito, hihilahin na sana niya ako kaso napatigil siya sa sinabi noong isang babae, si Andrea Felice.
"Bakit mo siya pinagtatanggol? Baka wala naman talaga siyang kapangyarihan."
"Her power is dangerous." Sa sinabi niyang iyon ang dahilang kung bakit natahimik ang lahat. Hinila ako ni Kent sa papunta sa kanyang at pinaupo sa tabi. Tumingin ako sa paligid at napansin ang mga masasamang tingin nila.
"Don't mind them." Tumango ako pero hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi mag-alala. This is my first day at sa nangyari palang ngayon, ramdam ko na hindi magiging masaya at payapa ang buhay ko sa lugar na ito.
Nagsimulang magturo ang guro sa harapan namin ngunit walang pumapasok sa utak ko. Sinipat ko ang katabi kong si Kent, mataman itong nakikinig ngunit bigla itong lumingon kaya mabilis akong tumingin sa harap. Okay, awkward. Naramdaman ko ang paglapit ng mukha niya sa aking tenga. Nagsitaasan ang balahibo ko noong maramdaman ko ang hininga niya.
"By the way, this is the second time I saved you this day," Hinaplos nito ang dulo ng aking buhok bago pinagpatuloy ang kanyang bulong.
"You'll pay for this."
Nanglamig ako sa sinabi niya, hindi dahil sa natakot ako sakanya kundi naalala ko nanaman si Andrea. Hindi ko alam kung anong magic ang taglay niya, pero natatakot ako sa pwede niyang gawin lalo na at naghihinala siya na wala akong kapangyarihan.
***
Typos and Grammatical Error. Salamat sa pagbabasa :) Votes and Comments?
BINABASA MO ANG
My Secret Fairytale
FantasíaThis is a story of a girl who discovered something unexpected about herself and eventually her life...