Chapter Nine: Surprise!
Ilang araw na ang nakakalipas noong magising ako. Sa dormitory room ako ni Jessy nagsstay at ilang araw na rin akong hindi lumalabas. Hindi ko alam kung ano ang dahilan niya kung bakit hindi niya ko pinapalabas. Ang palagi niyang idinadahilan sa akin ay baka kung ano raw ang mangyari sa akin. Naalala ko pa ang mga katagang palagi niyang sinabi saakin.
'Huwag kang lalabas ng kwartong ito kung hindi mo ako kasama. Masyado pang delikado sa'yo, lalo na at hindi pa natin alam kung anong meron sayo at hindi mo pa ito kontrolado.'
Masyadong makahulugan ang binitawan nitong salita kaya nagtaka ako ng sobra. Pero ngayon ay aalis ako ng bahay at syempre kasama ko si Jessy. Pupunta raw kami ng office at ireregister niya na ako as official student. Ang dorm ni Jessy ay nasa loob ng paaralan nila at kaya ako nakapasok noong araw na makalabas ako sa hospital, ay mayroong klase ang mga estudyante at busy din ang mga teachers kaya walang nakapansin saamin.
"Ready ka na?" Makahulugang tanong ni Jessy ngunut hindi ko ito pinansin. Excited na tumango ako at ikinawit ko ang kamay ko sa kanyang braso. Nagtungo na kami sa office na sinasabi niya. Syempre bago ka makapunta doon kailangan mong madaanan ang ilan sa mga classroom na nasa first floor at kakailanganin mo maghagdan dahil nasa fourth floor daw ng building na ito ang office.
Hindi pa ako nakakapunta sa building na ito, kaya manghang-mangha ako sa nakikita ko. Maraming estudyante ang nagkalat sa paligid at minsan ay tumitigil ang tingin nila sa amin. Pagpasok ko palang sinalubong na agad ako ng red carpet na hindi ko alam ang pinakadulo at ang makikintab na chandeliers. Seriously? School to o palasyo? Narinig ko ang ibang bulungan ng mga estudyante sa paligid ko.
'Hey? Sino siya? Kapatid ni Ms. Jessy?'
'Ewan? Parang hindi naman sila magkamukha, pero parang may kilala ako na kahawig siya?'
'Oo nga eh, familiar talaga ang mukha niya kaso di ko maalala.'
Familiar ang face ko sakanila? How come? E ngayon palang ako nakapunta dito?
Hindi ko nalang pinansin ang mga sinabi nila, mga tsismis nga naman. Nagsimula na kaming umakyat ng hagdan hanggang sa dumating kami sa fourth floor. Maraming mga silid dito pero sa tingin ko ay lahat nakalock. Nagtungo kami sa pinakabukanang pinto. Pagbukas ng pinto ay pumasok kami sa isang silid.
Simple lamang ito na parang isang normal na study room. May bookshelf, may upuan at table. Lalapit sana ako sa may sofa dahil medyo napagod ako sa pag-akyat ng hagdan, pero nauntog ako. Napahawak ako sa noo kong nauntog.
Hala? Anong nangyari? Narinig ko namang tumawa si Jessy. Tatanungin ko sana siya kaso nagulat ako nang maging kulay puti ang buong paligid, at nakasakay na kami sa isang salamin na transparent substance. Transparent na cylinder, to be exact. Malawak naman ito siguro kasya ang limang katao.
"Be ready Cassy," She said and smiled mischievously, kaya nagtaka ako.
Napasigaw ako ng bumulusok ito pataas. Tumawa naman ng tumawa si Jessy sa reaksyon ko. Ayoko ng sumakay dito! Mas malala to kesa sa mga rides ng amusement park, ang bilis ng galaw niya! Buti pa nga ang iyong ibang rides e mabagal kapag pataas eh!
Medyo naging average speed na yung galaw niya, kaya medyo kumalma na ako.
Napatingin ako sa baba at parang hihimatayin na ako. Diyos ko po, kahit na medyo mabagal na ang pag-akyat nito nakikita ko parin lahat. Nakalimutan kong transparent nga pala ito, pati na yung inaapakan namin.
Harujusko po Lord! Gusto ko pa pong mabuhay! Kung ano-ano ng pumapasok sa utak ko. Paano kung malaglag ako dito? Naku po, ayaw ko pa talagang mamatay.
Tawa parin ng tawa si Jessy, kapag ako nakalabas dito patay talaga to saakin. Wala sa sariling tumingin nanaman ako sa paanan ko. Nasa mataas na mataas na part na kami at kita ko na ang mga makakapal ulap.
Pumikit nalang ako at nagdasal na sana makapunta na kami sa pupuntahan namin. Ilang minuto rin ang lumipas nang unti-unti ng bumagal ito at tumigil na rin sa wakas.
Agad akong nakahinga ng maluwag noonh dumating na kami. Pagdating namin sumigaw pa ng nakakaloko si Jess ng...
"Surprise!" Nabatukan ko nga, halos atakihin na ako sa puso dahil sa sinakyan namin nagawa niya pa akong asarin.
Sino bang imbentor ang nakaisip non at gagawa talaga ako ng paraan para makapunta sa nakaraan. Papasabugin ko ang utak niya dahil sa kalokohang naimbento niya! Anong klase hay.
Ngayon ko lang napansin na nasa loob na kami ng isang mansion. Mayroon lamang itong dalawang palapag at napakagarbo talaga ng mga kagamitan dito compare sa school kanina. Halos puro kulay ginto at pilak na mga makikitab ang makikita mo sa lugar na ito.
Pumunta kaming hapagkainan at may mga nakahanda ng pagkain, sosyal dito. Aba! Pati mga pagkain mga ginto! Ay joke lang.
Kumain muna kami bago pumunta sa isang kwarto sa itaas. Napansin kong mayroon pang dalawang kwarto roon. Pumasok na kami sa loob at makikita ko na sa wakas ang head master ng school.
***
Any Reactions? Comment naman po kayo please. I'm expecting po :)
Vote din po kayo :)
BINABASA MO ANG
My Secret Fairytale
FantasyThis is a story of a girl who discovered something unexpected about herself and eventually her life...