Chapter 17 - Alondra versus Rebecca

72 5 0
                                    


Chapter Seventeen: Alondra versus Rebecca

"Mr. Castino and Mr. Rodriguez good job, you will recieve a nice grade to me. Okay next is Ms. Ferrer and Ms. Bautista" Nagsigawan yung mga lalaki at ichineer ang kanilang bet na babae.

Si Alondra at si Rebecca ang maglalaban. Naunang umakyat sa arena si Rebecca habang si Alondra ay kumaway pa at nagflying kiss sa mga kaklase naming lalaki. Noong makatapak na siya sa arena ay nagsimula ng magbago ang kapaligiran nila at napunta rin sila sa kagubatan.

Biglang nawala si Becca sa aming paningin, naging alerto naman si Alon. Mabilis ang pangyayari nang bigla nalang may sumuntok kay Alon sa tiyan kaya napasigaw ito. Umaatake na siguro si Becca.

Nagsimula ng umulan ng napakalakas sa arena nila kaya medyo nakikita na ang anino ni Rebecca. May spikes na umatake kay Alon pero tumagos lang ito sa katawan niya. Paano nangyari yun? Bumalik sa dating anyo si Rebecca at pinatamaan nanaman niya ng spikes si Alon kaso tumatagos lang lahat ng atake niya.

Walang nagawa si Becca kundi magphysical attacks na lamang. Mayroong lumabas na armas sa kanyang kamay na dagger at nagsimulang umatake.

Kanina ko pa napapansin na panay lang ang ilag ni Alon, hindi pa siya lumalaban. Sa bawat pagsugod ni Becca puro ilag lang ginawa nito. Napuruhan sa tagiliran si Alon at nagsimulang umagos ang dugo rito, mukhang napalalim ata.

Napangiwi siya sa sakit at naging dahilan ito upang sunod sunod na umatake si Rebecca. Ilang beses din siyang nadaplisan at napaupo. Unti unti na din humihina ang ulan kaya nawala nanaman sa paningin si Rebecca. Tumayo si Alon at maglalakad sana kaso hindi niya maigalaw ang katawan niya.

Bumalik si Becca sa anyo at umalis sa likod ni Alon. Hawak-hawak nito ang isang anino. Nagsimulang atakihin ni Becca ang anino at bawat atake niya sa anino ay si Alon ang napupuruhan. Hindi parin siya makagalaw sa kinalalagyan niya pero puro dugo at galos ang makikita sakanya. Panay din ang pagngiwi nito dahil sa pag-atake ni Becca sa anino niya.

Mayroong tubig na unti-unting lumapit at kumapit sa paa at kamay ni Becca kaya nabitawan nito ang anino dahilan para agad na lumipad ito sa kinalalagyan ni Alon. Nagpupumiglas si Becca para makawala kaso hindi niya magawa. Gumawa ng latigo na gawa sa tubig si Alon at inihampas ito kay Becca. Halatang bumabawi siya dahil sa ginawa ni Becca kaya malalakas din ang mga atake niya.

Patuloy lang sa paghampas ng latigong tubig si Alon kay Rebecca. Makikita mo ang gigil sa bawat paghampas niya.

Ngunit nakawala si Becca pero inatake nanaman siya ni Alon ng tubig. Lumakas ang ulan at parang matatalas itong kutsilyo na dumadaplis kay Becca. Mas lalong napangiwi si Rebecca ng dumaplis ang rain spikes rito. Agad na gumawa ng mga anino si Becca at inatake nito si Alon pero tumagos na naman ang mga atake nito.

Patuloy parin ang matatalas na ulan sa pag-atake kay Becca at hindi na siya makaiwas.

Gumawa ng mga malalaking water ball si Alon at pinagbabato kay Rebecca. Pero bigla itong bumalik sa kinaroroonan ni Alon at sumabog ito. Tumalsik ang katawan ni Alon pero nagawa niya paring tumayo. May sinabi siya kay Becca bago siya sumugod kaso inapakan ni Becca ang anino ni Alon kaya hindi nanaman siya makagalaw. Pinag aatake na naman ni Becca si Alon at dahil kanina pa napupuruhan si Alon, napaluhod ito at nawalan ng malay.

Si Rebecca ang nanalo. Mukhang dismayado naman ang mga panig kay Alon, pero natuwa ako sa ipakita nila. Ang galing nilang makipaglaban.

Tumayo si Cain at Lawrence para tulungan ang dalawang sugatan sa training.

"Okay good job guys. We'll continue the training tomorrow." Nagsimula ng umalis ang teacher at pinapagaling na rin ng healers sila Rebecca at Alon.

Nung matapos, binuhat ni Cain si Alon at naglakad. Di ko alam kung saan niya dadalhin siguro sa dorm ni Alon.

Napansin kong wala rin sa paligid si Jessy, lumabas ako ng Training Grounds para hanapin ito.

***

HAPPY NEW YEAR GUYS ☺

Salamat sa pagbabasa. Votes and comments?

My Secret FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon