Chapter Twenty Two: The Key
Cassy Lindrea Gonzales
Naramdaman ko nanaman ang sobrang pananakit ng buo kong katawan, ilang minuto ko itong tiniis hanggang sa maging manhid. What happened? Then it hit me. Nangyari nanaman ba yung dati? Yung ilang araw akong walang malay? Unti-unti kong minulat ang mata ko at nakita ko si Kent na malalim ang iniisip.
"Argh!" Sigaw niya at ginulo ang buhok niya. Problema nito? Tinapik ko siya sa balikat at noong tinignan niya ako ay bigla siyang namutla at nagpanic.
Pumikit siya at noong dumilat na yung mata niya bigla siyang tumayo at umalis. Anong nangyari dun? Iniwan lang ako mag-isa dito. Loko yun ah! Napasimangot ako. Umupo ako at napatungo. Kung di ko kilala yung mokong na yun baka akalain kong nag-alala yun saakin yieee :')
Pero nakakainis siya hmmp! Nagulat ako nung biglang may nagsalita.
"Here drink this." Uy bumalik siya mga kababayan! Napangiti ako. Kinuha ko yung tubig na binigay niya at ininom. Humingi pa ako kaya kumuha ulit siya. After niyang kumuha, umupo siya sa sofa malapit sa kama ko.
"Kent, nasaan sila Jessy?" Tanong ko, ang tahimik kasi, ang awkward tuloy ng atmosphere.
"Busy." mahaba niyang sagot. Bigla kong naalala yung nangyari sa gubat.
"Ah Kent ano nga palang nangyari saakin sa gubat? Bakit ako inatake ni Cee?" Tumingin saakin si Kent na parang nagtataka.
"You step into the grass, meaning you enter the forest of illusion. No one dares to enter it except those persons who can tolerate the delusions. All the things or person you saw there, was just your illusion." Sagot niya.
Ganoon? Kaya pala wala akong mga sugat. Napatingin naman ako sa kamay ko at nandoon yung bracelet na may mga susi. Eh? Akala ko ba illusion, bakit nandito parin yung bracelet na binigay noong matanda?
Bigla ring napatingin si Kent sa tinitignan ko. Kumunot ang noo niya nan makita ang bracelet na nakasabit sa kamay ko.
"Where did you get that?"
"Ah e-eh, may matanda kasing nagpakita saakin sa may gubat. Binigay niya saakin 'to tapos bigla siyang naging abo. Kaya nagtataka ako sa sinabi mo tungkol sa forest of illusion."
"There is only one person I know that owns a bracelet like that." Humawak siya sa baba niya na tila nag-iisip. Nanlaki ang mata niya,
"Lulu Ani! You said she turned into ash?" Tanong niya kaya tumango naman ako. Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok si Jessy. Nagulat siya ng makita niya akong gising na. Niyakap niya agad ako at tinanong kung kamusta ako.
"Cass? How are you?" Kita ko sa mukha nya na nag-aalala talaga siya ng sobra.
"I'm fine now Jess. Don't worry." Sagot ko. Feeling ko nga hindi ako natulog ng ilang araw eh. Parang natulog lang ako kahapon ganun.
"Hindi mo ba alam na sobra akong nag-alala?! Sabi mo may kukunin ka lang sa locker tapos hindi kana bumalik?!" Medyo galit nyang tanong. Napakamot nalang ako sa ulo ko at napatawa sakanya. Kaya love na love ko 'to si Jess eh.
Niyakap ko nalang siya at sinabing okay na talaga ako. Yakap-yakap parin ako ni Jessy nang biglang magsalita si Kent, na nakalimutan kong kasama pala namin.
"Lulu Ani was dead." Napatigil si Jess. Bumitaw siya saakin at seryosong napatingin kay Kent. Tumingin ako sakanila na nagtataka.
"Can you tell me kung anung meron kay lola at ganyan ang mga reaksiyon niyo?" Tanong ko.
"Lulu Ani, isa siyang keeper. Siya lang ang may alam, kung sino ang may hawak sa dark key. Ngayong wala na siya, kailangan nating hanapin ang Key na yun bago pa makuha ng Black Sorcerer." Paliwanag ni Jess
"Wait, ano yung dark key?" Tanong ko ulit, naguguluhan ako sa sinasabi niya.
"Ang dark key at ang celestial guardian ang siyang makakapagbukas ng dark dimension. Pero kapag hindi magkasama ang dalawang iyon hindi nila mabubuksan ang dimension. Ang dark dimension naman na iyon ay naglalaman ng iba't-ibang uri ng malalakas na halimaw. Kasama na ang mga Dark Reapers, na kanang kamay ng Dark King. Nakakulong din ang iba't-ibang masasamang halimaw rito. Kinulong sila sa dimensiyong ito, dahil kapag nandito sila magugulo ang ibang mundo. Mawawala ang balanse ng human world, magic world at dark world. At kapag nabuksan ito, tiyak tapos ang buhay ng mga White Sorcerer. Sisirain din nito ang Magic World. Kapag nangyari yun ang Dark World ang mamumuno sa buong dimensyon pati na sa human world."
Nagsitayuan ang balahibo ka sa sinabi niya. This is not good.
"Kailangan natin tong ireport kay Miss Kryz." Saktong pagkasabi noon ni Jess biglang dumating ang Saints.
Noong nakita nila ako pare-parehas sila ng reaksiyon mga gulat. At noong nalaman nila yung tungkol sa balita about kay Lulu Ani mga parehas din ng reaksiyon katulad kay Kent at Jess. Mga natulala at halos magpanic.
***
Sorry for the typos ang grammatical errors. Sorry kung eto lang yung naupdate ko ^__^ Busy po kasi ako lalo na at mahal na araw.
Salamat sa pagbabasa. Pasensya na talaga ha? Babawi po ako next chapter. Magvote at magcomment.
BINABASA MO ANG
My Secret Fairytale
FantasyThis is a story of a girl who discovered something unexpected about herself and eventually her life...