Mabilis na iminulat ni Cassy ang kanyang mata at inilibot ang paningin. Nasa isang kweba siya. May iilan na torches na nakapaligid na siyang nagsisilbing ilaw sa paligid.Nakarinig si Cassy ng iyak ng isang sanggol kaya dali-dali niyang hinanap ang kinaroroonan nito. Nadatnan niya ang kanyang ina na may buhat na sanggol at hinehele ito, sa baba ay isa pang sanggol na mahimbing na natutulog.
"Totoo ngang may kakambal ako."
Nagtaas ng paningin ang kanyang ina at diretso sa mata siyang tinitigan nito. Halos himatayin sa kaba si Cassy, "Nakikita niya ba ako?!" ngunit sa kanyang likod ay mayroong mga paa na maingat na pumasok sa kweba.
"Cassandra." Lumapit ito at hinalikan ang noo ng kanyang ina. Napabuga ng hangin si Cassy dahil sa akalang nakikita siya ng kanyang ina.
"Kamusta ang nangyayari sa labas Lyndon?"
"Tinutugis parin nila tayo." Tumango lamang si Cassandra at inilapag ang sanggol sa tabi ng kakambal nito.
"Hindi parin nila nahahanap ang tunay na may kagagawan, kung sino ang pumatay sa prinsesang dapat pakakasalan mo?"
"Ikaw lang ang prinsesang gusto kong pakasalan Cassandra. Heto nanaman ba tayo?" Ngumiti lamang ito at pinagmasdan muli ang kanilang anak.
"Si Prinsesa Pirsila ay isa sa malakas na Black Sorcerer, matagal ng siyang may pagtingin sa iyo Lyndon. Nasaktan siya nang malaman na magkakaanak tayo." Tinitigan niya sa mata ang prinsipe.
"Sinumpa niya sa krystal ng kadiliman na sa oras na mamatay siya, isa sa anak natin ang magsasakripisyo. Mabubuhay siya sa katawan ng isa sa anak natin at sasakupin ang buong Magic World, ngunit kapag nalabanan ng anak natin ang kadiliman kailangan niyang isakripisyo ang kanyang buhay. Dahil buhay ang kapalit sa buo at matagal na kapayapaan ng mundo."
Lumapit si Lyndon sa kanyang asawa at niyakap ito.
"Hindi ko hahayaang mangyari iyon."
"Hindi natin mapipigilan ang nakasaad sa propesiya!" Tinitigan ni Cassy ang lalaki. Hindi ito ang kinagisnan niyang ama. Ngunit Lyndon din ang pangalan nito.
"Pamilyar ang mukha niya. Siya ba ang tunay kong ama?" Ani ni Cassy sa nanghihinang boses.
"Nalalapit na Lyndon, malalaman na natin kung sino ang pinili ayon sa propesiya. Kung sino sa kanila ang magtataglay ng kapayapaan na kapangyarihan at ang nag-iisang pinili para pagbayaran ang sumpa."
Wala ng nagawa si Cassy kundi pagmasdan ang lumuluha niyang ina. Unti-unti na niyang napagtatagpi-tagpi ang lahat. Ilan nalamang ang natitira niyang katanungan at nararamdaman niya na malapit narin itong masagot...
~*
Nakaupo lang si Cassy sa isang bato habang pinagmamasdan ang dalawang sanggol na nasa harap niya. Isa sa mga ito ay siya noon, at ang isa rito ay ang kambal niya. Kung titignan ay walang pinagkaiba ang kanilang mukha, maliban nalang sa kulay ng buhok. Ang kanya ay itim at ang sa kakambal niya ay pula.
Ilang minuto ang lumipas nang mayroong isang malakas na trumpeta ang dumagundong. Umilaw ang buong paligid kaya naman napamulagat si Cassy.
"Lyndon, oras na." Tumayo ang dalawa at nagtungo sa harap ng mga sanggol. Tinanggal ni Cassandra ang kwintas niya at itinaas ito.
Wala sa sariling napahawak si Cassy sakanyang leeg at doon niya naalala ang kwintas na nakasuot sakanya. Katulad ito noong hawak ng kanyang ina.
Nabalik lamang si Cassy sakanyang pag-iisip nang lumutang sa ere ang kwintas na hawak ng kanyang ina, kasabay ang paglutang ng isa sa kambal na sanggol.
"Two will be born. One is just an ordinary wizard and the other will be the chosen one who will either make peace or will start war. A knight will arise to protect her and one will chose to sacrifice the life to stop the darkness." Isang malamig at umeecho na boses ang nagsalita upang ipaalala ang propesiya.
Tuloy-tuloy na nagsibagsakan ang luha sa mga mata ni Cassandra nang malaman kung sino ang magbabayad sa sumpa.
"Cassy, you are the chosen one. You'll have a great power like a celestial wizard." Bulong ni Lyndon habang pinapatahan ang kanyang asawa.
"I am praying to the Almighty God that he will help you through out your journey. May God guide you to do the right thing and choose the right path."
Nanghihinang napaluhod si Cassy sa nalaman. Nasagot na ang kanyang mga tanong, ngunit hindi niya alam ang gagawin. Kahit alam na niya ang dapat mangyari, maaaring sa huli ay maling daan ang kanyang tahakin. Natatakot siya. Natatakot siya sa maaring mangyari. Natatakot siya sa maaaring kahinatnan ng mga iba't-ibang mundo. Natatakot siya para sa magic world at human world.
Napakaraming tanong ang pumasok sa utak niya at mga hindi niya alam na dapat na desisyon. Mga tanong na tulad ng; Paano kung tuluyan akong makontrol? Paano kung tuluyang mangyari ang awakening ng Dark Princess? Paano kung makuha nila ako dahil ako ang nagtataglay ng celestial power at buksan ang dark dimension? Paano na kung maghahari na sa lahat ang kadiliman? Anong dapat kong gawin? Anong dapat kong piliin?
"Hindi ko pa kayang mamatay... Hindi ako katulad sa mga palabas na handang ialay ang buhay. Takot ako, takot ako hindi dahil makasarili ako. Takot ako dahil ako ang pinili, takot ako sa magiging desisyon ko, hindi ko alam kung magiging masyado akong maaga para ialay ang aking buhay at sa huli hindi pa pala tapos ang lahat? Hindi ko alam ang dapat kong gawin."
"Bakit ganito? Bakit ako ang pinili? Mahina ako."
"Cassy..." Nag-angat ito tingin sa taong tumawag sa kanya.
"Y'sil.. Bakit? Bakit mo sakin pinapaalam to?" Wala ng nagawa si Cassy kung hindi ilabas ang kanyang emosyon dahil sa takot na kanyang nararamdaman.
"Sinabi ko na saiyo binibini, narito ako dahil sa isang misyon at iyon ay ang ipaalam saiyo ang iyong kapalaran."
Marahan itong naglakad palapit kay Cassy at lumuhod sa harapan nito. "Ikaw ang pinili at ikaw ang magdedesisyon sa huli. Hinirang ka dahil alam Niyang kaya mo. Huwag kang matakot dahil ang emosyon na iyan ay maaring gamitin ng kalaban laban sayo."
Natigil ito pag-iyak at napatulala sa mata nitong kulay dugo. "Halika na, bumalik na tayo." Naglahad ito ng kamay sakanya kaya hinawakan niya ito.
"Sandali. May isa pa akong gustong malaman bago mo ako ibalik sa kasalukuyan."
***
BINABASA MO ANG
My Secret Fairytale
FantezieThis is a story of a girl who discovered something unexpected about herself and eventually her life...