Chapter Twenty Nine: Behind the Cloak
Masyado akong natetense sa nangyayari. Sure akong hindi niya napansin ang punong iyon, dahil nakafocus siya sa ibang kasapi ng Saints pero nakakapagtaka dahil nailagan niya ang tira ko. Mabuti nalang at naitulak ni Lawrence si Alon para hindi siya matamaan ng punong iyon.
Tinignan ko ang mga kasama ko, lahat sila bihasa sa pakikipaglaban dahil matagal na silang nag-aaral sa Titania. Malamang naensayo na nila ang paggamit at pagkontrol sa kanilang mga abilidad. Hindi katulad ko na kahapon ko lang nailabas ang kakayahan ko, at hindi ko masasabing kontrolado ko na ito.
Pero hindi, kailangan tulungan ko sila. Hindi lang dapat ako nakatunganga rito at masyadong dinadamdam na nakaiwas ang taong ito sa una kong tira. Inangat ko ang paningin ko bago ko napagtanto na nakafocus saakin ang kalaban. Shit! Balak niya rin akong kontrolin!
Hindi ko na nagawa pang igalaw ang katawan ko, alam kong mayamaya ay malulunod ako sa ilusyon pero mabuti na lamang at naitulak ako ni Kent. Inatake n'ya ito gamit ang Lightning bolts kaya nawala ako sa paningin noong nakacloak. Nagulat naman ako noong may mga nagsulputan na black dwarfs at goblins. Napakarami nila at sila ay nakatingin sakin bago nagsimulang umatake.
Mabibilis silang tumakbo patungo saakin kaya naman naghanda ako. Sinipa ko sila at tumitilapon naman ngunit sa tuwing mayroong tatalon ay agad ko itong sinusuntok. Salamat kay Daddy dahil inenroll niya ako sa isang judo class. Nang mas lalo na silang dumami ay wala na akong magawa kundi gamitin ang aking kapangyarihan. "Lord please guide me."
Ginamit ko ang Air blades para patamaan sila. Ngunit may isang black dwarf ang lumapit sa isang paa ko at kinagat ito. Dahil sa ginawa niyang iyon, nagsimulang namanhid ito kaya hindi ko na maigalaw. Ginamit ko ang isa kong paa para sipain ang ibang malapit. Naglabas narin ako ng apoy at itinira sakanila. Bakit ako lang ang inaatake nila?
May tumalon na goblin sa may parte ng balikat ko at nagsimulang bumulong sa tainga ko. Nagchachant siya ng spell! Napapitlag ako noong mayrong isang linya ng kidlat ang dumaan sa gilid ko. Natamaan nito ang goblin dahilan para bumagsak ito sa lupa na nangingisay.
"Salamat Kent!" Tinry kong iangat ang sarili ko para lumipad at nagawa ko naman. Medyo hindi pa balance ang pagkakalipad ko dahil namamanhid pa rin ang binti ko, pero nawawala na rin naman.
Ikinumpas ko ang kamay ko at magkasabay na inatake ang mga ito gamit ang Air spikes at fireballs. Si Kent ang tumutulong sakin na patumbahin ang mga black dwarfs at goblins.
Habang ang ibang mga kasamahan ko ay ang lalaking nakacloak ang pinupuntirya. Naging invicible si Becca at inatake nito ang nakacloak ng mga physical attacks. Si Cain ay pinatatamaan din ito gamit ng fireballs, si Lawrence ginamit ang mga ugat para hindi ito makaalis sa pwesto niya. Si Jessy ay gumagawa ng paraan para protektahan si Alon at hindi sila matamaan.
Kami ni Kent ay patuloy lang sa pag-atake sa mga malilit na nilalang. Gamit ni Kent ang kaniyang lightning bolts at lightning strikes habang ako ay pinapaulanan ito ng apoy. Natigil ako ng may maisip akong isang technique. Unti-unti kong pinikit ang mata ko at nagconcentrate. Hanggang sa naramdaman ko na ang sobrang bigat ng hangin at talas nito. Iginiya ko ito kung saan ang direksiyon ng mga goblins at dwarfs na iyon.
Nagsimula ng gumalaw ang whirlwind at nagtungo sa direksiyon nila. Nang makalapit ito ay isa-isang nagsiliparan ang mga maliliit at putol na parte ng katawan ng black dwarfs at goblins hanggang sa maubos na ang mga ito. Nanghihinang bumagsak ako mula sa pagkakalipad, mabuti na lamang ay nasalo ako ni Kent.
BINABASA MO ANG
My Secret Fairytale
FantasyThis is a story of a girl who discovered something unexpected about herself and eventually her life...