Chapter Two: HorribleCassy Lindrea Gonzales
"Cassy isuot mo na itong kwintas ng mama mo." Kinuha ko naman ito at sinuot agad.
"Magtago ka sa ilalim ng upuan mo at gumulong ka papunta sa may compartment ng sasakyan natin. Umalis ka ng walang makakapansin sayo." Hinawakan ni Daddy ang kamay ko at tinitigan ako sa aking mata.
"Bumalik ka sa bahay natin, kunin mo ang mga librong ibinigay ko sayo. Mayroon din akong libro sa kwarto kunin mo ito okay?" Tumango ako bilang pagtugon.
"Cassy, huwag mong tatanggalin ang kwintas na iyan ha? Dahil 'yan ang poprotekta sayo, naintindihan mo ba?" Matigas na may halong pag-aalala ang boses na ginamit ni mama. Tumango ulit ako. Hindi ako makapagsalita, parang umurong ang dila ko kaya hanggang tango nalang ako.
They kissed me in my forehead, after that they entwined their fingers and go out of the car. I felt a tear rolled down in my cheeks. I can feel it. The air is telling me that something bad will happen, katulad ngayon.
Gusto kong sumunod sa kanila sa labas at tulungan sila pero may binilin sila. Kailangan kong gawin ang pinapagawa ni Dad. Kailangan ko. Gumulong ako papunta sa compartment at dahan-dahang binuksan ito nang walang ginagawang igay. Nang makalabas, I quickly run to the nearest narra tree at doon muna nagtago.
Sumilip ako at nakita kong marami ang mga taong nakapalibot sa kanila. Ang tangi ko lang nakikita mula kinalalagyan ko ay ang likod ng mga taong nakasuot ng itim na damit.
I need to do this! Naramdaman ko ang aking sarili na tumatakbo na papalayo sa kanila. Papalayo sa aking magulang.
Bago pa man ako makaalis sa lugar na yun narinig ko ang impit na sigaw ni mama. Ang sigaw ng sakit, naramdaman kong tila nanghihina ang tuhod ko. Pero pinilit kong tumayo, kailangan kong bumalik sa bahay yun ang sabi ni Daddy.
Alam kong malayo na ang binyahe namin kanina, kaya malayo layo ang tatakbuhin ko. Nandito na ako ngayon sa gubat na dinaanan namin kanina at kasalukuyan ko itong tinatakbo. Nararamdaman ko rin na malapit na ako sa highway, kaya lang parang mayroong pinahihiwatig ang hangin. Tipong naririnig ko na may mga yabag na paparating.
Napatigil ako sa pagtakbo at agad na nagtago sa isa sa pinakamalapit na mga puno. Tama nga ako, nakita kong may dumaan na dalawang lalaki. Pareho silang may full authority na aura, hindi ko naman makita ang mga mukha nila dahil sa suot nila, may mga hood ito.
Nang makadaan at makalayo sila ay nagpatuloy na ako sa pagtakbo at tinahak ang opposite direction na pinuntahan ng dalawang lalake kanina.
Ilang oras na ang nakalipas nang makarating ako sa bahay namin, agad akong pumunta sa kwarto ko at kinuha ang mga nasabing libro na ibinigay ni daddy. Inilagay ko ito sa isang bag, sunod na pinuntahan ko ang kwarto ni daddy, hinahanap ko ang mga librong sinabi niya kaso hindi ko ito makita.
Ilang oras na rin akong naghahalungkat sa mga gamit ni Daddy, tinignan ko na ang bawat sulok ng kwarto. Ang hindi ko na lang nahahalungkat ay iyong malaking walk in closet niya.
Napabuntong hininga ako. Pagod na pagod na ako dahil tumakbo ako kanina ng ilang kilometro, at pagdating ko dito diretso halungkat agad ako.
Tinuloy ko na ang paghahanap ko at ang binuksan ko na ang walk in closet. Napapitlag ako sa gulat noong nagring ang telepono ni daddy. Nakaramdam ako ng takot. Hindi ko alam pero sinasabi ng utak, puso at katawan ko na nasa panganib ako. Ngunit hindi ko nalang ito pinansin.
Pinindot ko lang ang loud speaker button at nagsimula na ulit maghanap. Hindi pa nagsasalita 'yong tumawag, baka siguro katrabaho ni daddy o kaya yung sekretarya nya. Maya maya pa ay narinig ko na ang boses niya.
"Binibing Cassy," Tumindig ang balahibo ko nang marinig ang sobrang baritono na boses.
"Magtago kana munting binibini," Nakakatakot ito. Halos hindi na ko makagalaw ng marinig ko ito, parang unti-unti nitong hinigop ang lakas ko.
"Natatakot ka na ba?" Tumawa ito, isang malademonyong tawa.
"Sige lang matakot ka. Yan ang nagpapalakas saamin." Tumawa nanaman siya.
Naramdaman ko ang marahas na pagbukas ng main door ng bahay namin. Nararamdaman ko na din ang pagpasok ng mga yabag nila.
Nagmamadali kong hinalungkat ang gamit ni Daddy. Hanggang sa nakita ko na rin sa wakas ang libro, kinuha ko lahat ang mga ito at ang dalawang box na nasa ilalim ng mga ito. Ang mga yabag nila, paakyat na sila dito. Agad kong nilagay ang mga ito sa bag ko.
Papalapit na sila sa kwarto na ito. Hindi ko alam ang gagawin ko. Pwedeng pwede na akong himatayin dito sa sitwasyon ko. God help me! I gathered all my strenght para kumalma ako.
Huminga muna ako ng malalim at tumayo kahit nanginginig na ako sa takot. Nagulat nalang ako nang biglang may nagtakip ng bibig ko. Sisigaw na sana ako ng bigla siyang nagsalita.
"Finally, I found you!" isang pamiyar na boses.
Tinignan ko siya ng dahan dahan kahit na sobra na akong nangangatal sa takot.
***
Hello :) Salamat sa pagbabasa.
BINABASA MO ANG
My Secret Fairytale
FantasyThis is a story of a girl who discovered something unexpected about herself and eventually her life...