This chapter is dedicated to WERP18
Chapter Seven: Dream
'Anak gumising kana.'
Naramdaman ko ang marahang pagyugyog ng isang kamay sa aking balikat, kaya naman unti-unti kong iminulat ang mata ko. Tumambad sa akin ang mukha ng isang magandang nilalang. Napalibot ako ng tingin sa buong paligid at napansing tila nasa isa akong paraiso, napakagandang lugar.
'Anak,'
Napako ang tingin ko sa babaeng kaharap ko. Ngumiti ito sa akin, ngunit nagtaka ako kung bakit niya ako tinatawag na anak.
"Anak? Bakit niyo po ako tinatawag na anak?" Tanong ko.
'Ako to Cassy.' Lumapit siya saakin at niyakap ako.
"M-mom?" Ngumiti ito saakin kaya niyakap ko naman siya ng mahigpit.
"Mom, I missed you! Bakit mo kami iniwan?" She kissed my forehead.
'Kailangan kong gawin iyon para sainyo anak, para maligtas kayo ng kapatid mo, ginawa namin iyon ng daddy mo kaso..' Naging malungkot naman ang tono ng boses niya.
"Po? Bakit po?" Natatakot ako na baka may nagawa akong masama kaya nalungkot siya. Ngumiti lang siya saakin at di na nagsalita. Bigla kong naalala yung sinabi niya na may kapatid ako.
"Kapatid? May kapatid po ako?" Tumango siya saakin. May kapatid ako, pero bakit hindi ko siya nakita o nakilala manlang?
'Malapit mo na siyang makilala.' Ngumiti ako sakanya.
Pinahiga niya ako sa lap niya at nagsimula siyang maghum ng paborito kong lullaby habang hinahaplos ng marahan ang aking buhok. Nabalik sa aking alaala ang senaryong ito, noong mga panahong bata pa ako. Iyan rin ang tono ng kantang kinakanta niya saakin. Sa tuwing kinakanta niya ito, hihiga din ako sa lap niya at hahaplusin niya ng marahan ang buhok ko hanggang sa makatulog ako.
Bago pa siya mamatay ginawa niya din ito saakin, pero paggising ko isang umaga wala na siya at hindi na siya bumalik noon.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako, nagising lang ako nang maramdaman kong wala na si mommy dahil hindi ko na nararamdaman ang lap niya. Nangyari nanaman yung nangyari dati.
'Bitawan mo ako!' narinig ko ang boses niya kaya napabalikwas ako at napatayo agad.
Nakita kong may lalaking nakaitim, nakacloak ito at nakahood kaya di ko maaninag ang mukha niya. May nakatutok ding espada sa leeg ni mommy. Hindi ko nakikita na natatakot si mom sa lalaki, but I can see pain in her eyes. Nagpanic ako noong diniin ng nakacloak ang espada, kaya nakita kong dumugo ang leeg ni mommy.
"Bitawan mo siya!" Sigaw ko, alam kong wala akong laban pero kailangan kong tulungan si mommy. Hindi siya pwedeng mawala ulit lalo na at magkasama kami. Pagkasigaw ko nun bigla siyang napatingin sa akin. Ngumiti siya na parang may binabalak na masama.
"Oh! My dear, dear beautiful Cassy." Unti- unti niyang binitawan si mommy at lumapit saakin. Nang makalapit siya, mabilis na nakapunta siya sa likod ko at balak na itututok sa leeg ko ang espada. Bago pa man niya maitutok ito sa aking leeg, agad kong sinipa ang kamay niya kaya nabitawan niya ito. Mabuti nalang at inenroll ako ni daddy sa isang taekwondo at judo class.
Narinig ko ang mahinang pagtawa niya kaya napaatras ako. Lumapit siya saakin, tumindig ang balahibo ko at parang napako ako sa aking kinatatayuan. Hinawakan niya ako sa aking leeg at sinakal ako.
"Tulon-ack.." Naramdaman ko na unti-unting umaangat ang mga paa ko sa kinaaapakan ko, at nararamdaman ko narin na hindi na ako makahinga ng ayos. Nagpupumiglas ako at sa di inaasahang pangyayari nadanggi ko ang hood niya kaya medyo umangat ito.
Nakita ko ang mukha niya. Ang bibig, ang ilong, ang mapupulang labi , ang hugis ng mukha, at ang mga mata niya. Nagulat ako ng may sunod-sunod na panang tumusok sa dibdib niya. Napatingin ako sa direksiyon kung saan ito nagmula at nakita ko ang isang lalaking may red na cloak ang pumana sakanya. Nabitawan ako nito at napatingin siya sa dibdib niya.
Habang hinahabol ko ang hininga ko, napatingin siya saakin. Ngumiti siya, totoong ngiti walang bahid na may binabalak na masama. A sincere one, hindi ko alam kung bakit pero biglang bumigat ang nararamdaman ko. Sa una at sa huling pagkakataon, ngumiti ng totoo ang estrangherong ito sa akin bago pa siya tuluyang bumagsak sa sahig at nawalan ng hininga.
Hindi ko alam kung bakit, pero napaupo ako sa harap niya at napaiyak. At mas lalong hindi ko alam, kung bakit ko nararamdaman to. Sino ba siya? Bakit ko siya iniiyakan?
Namalayan na ko nalamang na lumalapit na pala ako sa lalaking nakacloak. Sinakal ko ito, hindi ko rin alam kung bakit ko to ginagawa, pero ang nararamdaman ko ay galit at gustong gusto ko siyang patayin. Nag-iinit din ang mata ko pero siguro ay dahil sa pag-iyak ko iyon. Nabitawan niya ang hawak niyang crossbow at napahawak siya sa kamay ko, na tila hindi niya kaya ang lakas ko at nauubusan na siya ng hininga.
Pero bago ko pa siya mapatay naramdaman ko ang sarili kong nanghina at nagdilim na ang paningin ko.
***
Salamat sa pagbabasa. Votes and Comments?
BINABASA MO ANG
My Secret Fairytale
FantasyThis is a story of a girl who discovered something unexpected about herself and eventually her life...