Chapter 28 - Suddenly Attacked

75 5 0
                                    


Chapter Twenty Eight: Suddenly Attacked

Tahimik lamang akong nakasakay habang nakatingin sa labas ng bintana ng karwahe. Yung mga kasama ko kasi mga tulog na. Napatingin ako sa katabi kong si Cain at Kent. Medyo nahihirapan nga ako sa posisyon namin dahil napagigitnaan nila ako.

Napabuntong hininga nalang ako, siguro kanina pa ako bumubuga ng malalim na hininga. Hindi kasi talaga ako makatulog, ilang oras na rin ang nakalilipas mula noong umalis kami sa Azuma.

Papaakyat pa lang ang araw noon at ngayon ay papalubog na. Nagpapahinga kami paminsan minsan at tinitigil noong kutchero itong karwahe niya. Napapansin ko rin ang kakaibang direksiyon ng hangin, tipong may pinahihiwatig na mensahe. Ramdam ko rin ang mabigat na enerhiyang pilit na tinatago.

Kanina pa talaga ako nakakaramdam eh. Parang yung hangin na nalalanghap ko may pinahihiwatig na babala. Naramdaman ko na rin dati to eh. Yung mga panahong nasa may forbidden falls kami. Noong nasa kweba kami ni Jessy, ganitong-ganito rin ang direksiyon ng hangin na humahampas sa mukha ko na nagsasabing may danger na mangyayari.

Mas mabuti sigurong maging alerto. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakaramdam nito, o sadyang nakikiramdam lang din tong mga kasama ko kaya nanahimik. Halos masubsob kaming lahat ng marahas na tumigil ang sinasakyan naming karwahe.

"Manong, ano pong problema?" Naunang bumaba si Rebecca at pinuntahan ang kutchero. Sumunod naman kami at bumaba.

"Ow.. Shit happens!" Saktong pagkababa namin sumigaw si Rebecca. Itinaas niya ang dalawa niyang kamay at naglabas ng kapangyarihan.

"Shadow Barrier!" Mabilis na pumalibot at tumakip sa amin ang isang anino kasabay ng sunod-sunod na atake at pagsabog ng paligid. Hindi namin makita ang nangyayari sa labas dahil sa aninong pananggalang namin. Tanging pagsabog at tunog ng tumatamang bagay sa barrier lang ang naririnig namin.

"Guys, I need your support! Lechugas kayo, bakit 'di niyo ko tulungan?!" Sigaw ni Rebecca.

"Engot ka talaga Rebecca! Eh kung gawin mong transparent tong shield natin, nang makita namin at makalaban kami." Mataray na saad ni Jessy. Umirap lang si Rebecca at sinunod si Jess.

"White shadow barrier," Unti-unting naging transparent yung shield namin at nakita namin ang mga taong umaatake saamin. Mga nakablack cloak sila habang sunod-sunod na umatake. May apoy, rock bombs, ice spikes at marami pang iba ang ability na tumatama sa barrier. Halos nasa pitong tao sila na umaatake.

"Oooh, they are messing with us. I'll handle it." Amused na sabi ni Alon habang nakawicked grin siya. Bumuhos ang napakalakas na ulan, rain spikes. Lahat sila natamaan, at nagdugo ang parteng napuruhan. Ngunit hindi sila natinag at patuloy parin sa pag-atake ng hindi man lang dumadaing.

"It's showtime," Lumabas si Alon sa barrier at parang kapwa tubig rin, na sa tuwing papatak sa balat niya ang ulan ay nagbiblink lang siya. Gawa na sa tubig ngayon ang katawan niya at parang rain spikes ang mga titig na pinapakawalan nito sa mga black wizards.

Pinatatamaan na siya ng kung anu-anong ability pero wala lang sakanya ito. Lahat ng tumatama sa kanya ay tumatagos lang sa katawan niya.

"Yan lang ba ang kaya niyo? Tsk.." Nagsimula siyang ikumpas ang kamay niya, unti-unting nabuo ang isang napakalaking tubig.

"Water wave!" Isang napakalaking tubig ang rumagasa sa pitong black wizards. Nakakapagtaka lamang, bakit magpapadala ang black wizards nang mga tauhang kayang talunin ng isang estudyante? Tinanggal na ni Becca ang barrier dahil wala na ang pitong umatake.

My Secret FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon