Chapter 1. [Kiss from a Stranger]

1.2M 19.8K 3.3K
                                    

1. Daniella

Alam n'yo ba yung salitang tadhana?

Natural alam n'yo yun, e, halos lahat ng love stories nagaganap dahil sa tadhana. Yun bang si Kupido na ang gumawa ng paraan para magtagpo ang mga landas n'yo.

Pero, hindi naman lahat ng itinadhanang magkita, e, nagkakatuluyan. Tingnan n'yo kami ni Erick. Sabi nila, itinadhana raw kami. Pero bakit ganun, iniwan niya pa rin ako? Iniwan pa rin ako ng two-timer na yun. Ipinagpalit na ako, dun pa sa bestfriend ko.

Tinext ako ni Erick na magkita raw kami sa Starbucks malapit sa'min. 6 months na kami nang araw na yun kaya nag-ayos pa talaga ako. Dala ko yung regalo ko sa kanya. Yung cap na gusto niya, na kahit di ko alam kung bakit niya nagustuhan, e, basta binili ko na lang. Gusto niya, e. Tapos, alam n'yo kung anong nadatnan ko?

Si Erick at si Allison. Magka-holding hands.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko nung time na yun. Nabitiwan ko yung regalo ko sa kanya pati yung cellphone ko. Kulang yung salitang shocked para i-describe yung naramdaman ko.

Pagkakita nila sa akin, binitiwan nila ang kamay ng isa't isa. Ayokong umiyak. Ayokong ipakita kay Erick na naapektuhan ako. Gusto ko siyang sigawan, awayin, sapakin. Pero ma-pride akong tao, e. Kaya nilakasan ko ang loob ko at sinabi sa kanya, "Uy, ano 'to? Joke ba 'to? Tatawa na ba ako?" Mangiyak-ngiyak na 'ko nun, pero si Erick nakatungo lang, parang hindi ako pinapansin. Sakit sa ego. Sakit sa puso. Para matapos na, sinabi ko kay Erick, "Anong palabas 'to? Kayo na ba? Kung kayo na, congrats! Nakahanap ka na pala ng kapalit ko, mas maganda at sexy. Enjoy mo yan. Ay, oo nga pala, break na tayo. Bye."

Tumakbo ako palabas ng Starbucks. Narinig ko pa ngang tinatawag ako ni Erick. Pero hindi ako lumingon. Kasi pag lumingon ako, talo ako.

Hindi naman kasi ako maganda. Simple lang, may itsura kahit papaano. Si Erick, guwapo, sobrang sikat sa campus, varsity kasi. Kaya nga nagulat ako nung ligawan niya 'ko. Akala ko nung una, pustahan lang. Pero sabi niya, seryoso raw siya. Siya kaya yung unang minahal ko. Actually, siya ang maraming first ko—first boyfriend, first kiss, first love. Pero ano yung kanina? Hindi man lang siya nag-explain? Oo nga tinawag niya yung pangalan ko pero bakit di man lang niya ako hinabol?

Well, hindi naman kasi ako si Cinderella.

Hindi ko alam kung paano ako nakauwi. Napansin ko na lang na nandun na ako sa street namin nung makita ko yung abandoned house malapit sa'min. Abandoned house

yun, kaya nagulat ako nang may marinig akong tumutugtog galing sa loob.

OH MY GOD. Kinilabutan ako bigla. Jusko po, Lord, ano ba 'tong nangyayari?

Pero, ang nakakapagtaka, tinamaan ako dun sa tugtog, kahit instrumental lang. Hindi ko napigilan, pumasok ako ng bahay at sinundan kung saan nanggaling yung tunog. Nung paakyat na ako ng hagdan, biglang tumigil. Okay, dapat yata kumaripas na ako nang takbo.

Baka nga multo! O magnanakaw, mamamatay-tao? Mommy, ano ba 'to, oh my god, ayoko pang mamatay!

Pababa na ako ng hagdan nang may biglang humila sa'kin. "Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa! Wag n'yo po akong—!" Hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi bigla na lang niya akong hinalikan. Teka, HINALIKAN AKO NITONG GUWAPONG 'TO?

Ang Boyfriend Kong Artista. [Published book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon