11.2. Daniella.
"Erick!"
Bigla akong kinabahan. Magtatago na lang sana ako pero too late, nakita na niya ako.
"Uy, Daniella." Lumapit siya sa'kin.
Naging abnormal na naman yung tibok. I knew then nothing has changed sa nararamdaman ko para sa kanya.
"Papasok ka na rin?" "Uhm, yeah."
"Sabay na tayo."
"Sige."
Sabay kaming naglakad papuntang school. Walang nagsasalita sa umpisa. Sobrang awkward. From bestfriends we turned into lovers, tapos naging strangers na lang kami sa isa't isa.
"Ah..."
"Uhm..."
Natawa kami pareho. Sabay pa kaming nagsalita. Nag-smile siya sa akin. Na-miss ko yung smile na yun. Di ko alam kung bakit pero napaiyak ako. Humarap ako sa kanya.
"Bakit, Erick? Ba't mo nagawa yun sa'kin?" Hindi ko na napigilan ang sarili kong magtanong.
"Daniella, sorry. I'm really sorry." Tumigil siya sa paglalakad at humarap sa'kin. "Di ko sinasadya. Hindi mo pa siguro maiintindihan sa ngayon. Pero alam kong alam mo na minahal kita."
"Sus, minahal. So anong nagyari? Bigla na lang nawala? May pagkukulang ba ako? May problema ba sa'kin?"
"Wala kang pagkukulang, okay? Listen to me. Ako, ako ang mali. Ako ang may problema. It's not you, it's me." Bigla niya akong niyakap. Pero tinulak ko siya palayo.
"Gasgas na yang linya na yan, Erick! Ibahin mo naman! Yung totoo, minahal mo ba ako? Kahit konti lang?"
"S-sorry..."
Sinampal ko siya. Yung sobrang lakas. Yung mararamdaman niya kahit konti lang yung sakit na pinaramdam niya sa akin.
"Your sorry wouldn't change anything. It wouldn't change the fact na niloko mo ako."
Mukha na siguro akong baliw. Hinayaan ko na lang yung sarili kong umiyak, ilabas lahat-lahat. Ang sakit kasi. Ang sakit-sakit. Tumakbo na lang ako palayo kay Erick at umupo sa isang sulok. Dun ako nakita ni Bryan.
"Hindi man lang niya sinabi sa'yo yung dahilan?"
"Hindi, e."
"What a jerk! You want me to teach him a lesson?"
"Are you dumb? Pag ikaw nasaktan, ako na naman sisisihin mo."
Napangiti naman ang mokong.
"Concerned ka sa'kin?" Nag-smile ulit siya nang nakakaloko.
"In your dreams! Baliw ka talaga!"
Ayoko mang aminin, napangiti niya ako. I felt a comfortable silence between us and it felt good. I suddenly felt good with him around.
"Daniella..."
"Dee," I smiled, "call me Dee."
Nanlaki yung mata niya, then I saw them twinkle. "Okay," he smiled, a little wider this time, "Dee."
I tried hard not to notice the way he said my name. Di ko alam kung bakit pero medyo kinilabutan ako when
I heard him say the name Papa used to call me. Di ko nga alam kung bakit ko sinabi na yun ang itawag niya sa'kin, e.
"Dee?"
"Bakit?"
Biglang tumunog yung bell. Start na ng flag ceremony.
"Sasabihin ko sana sa'yo na magbe-bell na at tatanungin kita kung gusto mo nang pumila para sa flag ceremony, pero inunahan na 'ko ng bell." Ngumiti siya.
"Grabe, hindi mo man lang ako patapusin sa pag-eemote ko," drama ko kunwari pero napangiti rin ako.
Natawa siya. "Lika na! I'm sure gusto mong kasabay 'tong gwapo na 'to," sabay kindat.
"Kapal mo! Guwapo your face!" Tumayo na ako at tumayo na rin siya. Nagkatinginan kami at kinindatan na naman niya ako!
Problema nito? Tusukin ko mata nito, e!
Habang naglalakad, nagulat ako kasi bigla niya akong binulungan.
"Classmates nga pala tayo, no? Ibig sabihin, makakasama mo ako buong araw, Dee." Saka niya binilisan ang lakad at nauna na sa pila ng klase namin.
"Kapal mo talaga, Bryan Lim!" sigaw ko sa kanya. Lumingon siya at kinindatan uli ako!