Chapter 21. [Interview]

371K 6.7K 1.1K
                                    

21. Daniella

It's Sunday today. Nag-text si Bryan na magkita na lang kami sa Starbucks, Morato nang 2:00 p.m. Parang nananadya lang ang pagkakataon. Alam ko namang hindi niya alam na dun kami nag-break ni Erick.

Dumating ako sa Starbucks nang quarter to two. Sana naman hindi na ako indyanin ni Bryan for the second time. Diretso ako sa counter.

"Hi, I'm Frances, what would you like to have?" "1 Java Chip please, grande."

While I was waiting for my frappe, napansin kong tingin nang tingin sa'kin yung katabi ko. Weird lang kasi hindi ko naman kilala. Naka-cap siya tapos naka-black rimmed glasses.

Umupo ako sa isang corner, malayo nang konti sa mga occupied nang seat para mas may privacy. Tinext ko na rin si Bryan na magmadali dahil kailangan kong umuwi nang maaga. Pag-angat ko ng tingin ko from my phone, nakaupo na sa harap ko yung lalaking naka-cap na tingin nang tingin kanina.

"Uhm, excuse me, do I know you?"

Ano ba 'to, basta-basta na lang nakikiupo!

"Wala na kasing vacant table, e."

I looked around. E wala ngang katao-tao bukod sa isang group sa kabilang dulo ng room!

Niloloko ba ako nito? O baka naman stalker 'to? Or yung sinasabi nilang nangingidnap tapos binebenta yung laman loob ng victim? Bagong modus operandi ba 'to? Lord, help me!

Tumayo na ako at nagmamadaling naglakad palayo. "Uy, Dee, sandali!"

Napatigil ako sa paglalakad at napatingin sa kanya.

He knows my name?

Lumapit siya sa akin at bumulong.

"Si Bryan 'to! Nag-disguise lang ako. Effective, no? At teka, anong akala mo sa'kin, stalker mo?"

Tumawa siya nang tumawa. Binatukan ko na naman tuloy. Kinabahan kaya ako!

"Tara, balik na tayo sa table, para maumpisahan na yung interview."

Umupo na kami ulit sa table. Napatingin ako sa drink niya, Java Chip din.

"Gaya-gaya!" Tinawanan lang niya ako.

"Ako? Gaya-gaya? Hindi, a. Tingnan mo yun." Tinuro niya sa'kin yung poster na nasa wall ng Starbucks.

Andun siya, nakangiti, holding a cup of Java Chip. Endorser pala siya ng Starbucks. Inismidan ko lang siya at ni-ready ko na yung notebook at ballpen ko.

"Bakit ka nga pala naka-disguise?"

"Anong gusto mo, pagkaguluhan na naman ako? Buti sana kung di ka ganyan pumorma."

"Ang yabang mo! Tapusin na nga natin 'to." "Joke lang. Ano ka ba! Ang sensitive mo naman." "Ang yabang mo kasi."

"Pikon ka kasi, binibiro ka lang naman."

 "Full name mo?"

"Bryan Lim." 

"Birthday mo?" 

"September 24, 1993."

"Parents mo? Buhay pa sila?"

"Oo naman! Para namang gusto mo silang mamatay." Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Hindi naman. Sorry." 

"Teka, may kapatid ka?"

Biglang lumungkot yung mukha niya. 

Ang Boyfriend Kong Artista. [Published book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon