Chapter 51. [Competition]

290K 5.1K 421
                                    

51. Daniella

Fr: Hubby

Ready na ba yung banner, wifey? Para sa'yo yung game ko later. I love you.

To: Hubby

Opkors, ready na! Galingan mo, ha? Pag natalo kayo, walang kiss. :p

Fr: Hubby

Lalo akong ginanahan maglaro dun, a. Ihanda mo na rin yang lips mo. Bleh. Labyu! <3

Ang sutil talaga nun! Pero sana nga talaga manalo sila.

To: Hubby

Goodluck, hubby! Labyutu!

Magagaling din daw yung mga taga-Xander. Pero I'm sure mas magaling sina Bryan dun. Mag-isa lang akong manonood sa gym mamaya. Lahat ng boys sa

226 227

barkada maglalaro. Sina Andie at Allison cheerleaders. Ako tagahawak ng banner. Ano ba yan! Dakilang taga-suporta ang drama.

Bago pumunta sa gym, naisipan kong dumaan ng canteen para bumili ng sandwich at juice. Gutom na ako, hindi ako nakapag-breakfast kanina.

"Araaay!"

Nabitawan ko yung hawak kong banner at wallet. Tinamaan ako ng bola ng basketball.

"Uy, pare, ingat, may tinamaan ka, o! Miss, sorry. Okay ka lang ba?"

Napatingin ako sa nagsalita. Hindi ko kilala. Hindi siya taga-Montenegro High.

"Miss, okay ka lang?" "A, yeah. I'm good."

Nakaka-distract naman yung kaguwapuhan ng lalaking ito. And I don't know why, he looks familiar.

"Thank God. Akala ko kung napano ka na. Sorry uli." Ibinalik niya sa akin yung banner and wallet ko na

nalaglag sa floor.

"By the way, I'm Tyler from Xander High."

"Oh, kalaban pala kayo. Ba't ba kayo nagba-basketball dito sa hallway? Nakatama pa tuloy kayo."

"Sorry, katuwaan lang, nag-practice ng pass." "Okay. Sige, I'll go ahead."

"Okay. See you around."

Pagdating ko sa gym, hindi pa nagsisimula yung game. Umupo ako kasama yung ibang classmates namin.

"Hindi pa raw ba magsa-start?" tanong ko.

"Di ko alam. Sana nga magsimula na. Excited na akong makita si Tyler!"

"Huy, maka-Tyler ka dyan! Kalaban kaya natin yun!" sabi ko kay Ara.

"So? Ang hot niya, e. Can't resist!"

Well, guwapo siya, pero mas malakas pa rin ang dating ni Bryan.

Pinagtanggol ko talaga yung boyfriend ko, no?

"Miss Alvarez?"

Napatingin ako sa tumawag sa akin, si Mr. Villanueva, yung principal.

"Bakit po?"

"Nikki is sick and we need a replacement. Will you lead us in singing the national anthem?"

Yung principal na ang nag-ask sa akin, makakatanggi ba naman ako? I said yes kahit ayoko sana.

"S-sige po." "Follow me."

Chineer pa ako nina Ara. Lintek, napasubo na. Bahala na si Batman.

Ang Boyfriend Kong Artista. [Published book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon