26. Daniella
Pagpasok namin sa loob ng school, dumiretso kami sa may mini garden at naghanap ng matatambayan habang di pa nagbe-bell for flag ceremony. Noon lang naming napansin na holding hands pa rin kami. Kumalas naman agad kami pareho.
Awkward moment again.
Tahimik kaming pareho. Siguro kasi dahil ang aga-aga at Monday na Monday ganun na ang bumungad sa amin.
"Hoy, bakit mo sinabing girlfriend mo ako? At saka, ano yung babe-babe na yun?"
"Kapag hindi ko sinabing girlfriend kita, sasabihin nilang flirt ka. Buti nga prinotektahan pa kita. Kasi hindi mo sila masisisi, may photo na puwede nilang bigyan ng ibang meaning."
Tama si Bryan. Nalungkot ako. Pano ka naman magpapaliwanag kung lahat na may judgment sa'yo?
"Paano na tayo, Bryan? Magpapanggap ba talaga tayong magboyfriend-girlfriend? For how long? Parang ayoko yata."
110 111
Ngumiti naman siya at sinabing, "Ayaw mong maging boyfriend ang pinakaguwapo at most talked about hunk sa buong mundo?"
Ay grabe. Ang hangin talaga.
"Hunk? Nagbago na meaning ng hunk? Di ako nainform, ha!"
"Baka bulag ka lang. Or in denial. Strategy mo yan para mapansin kita, no?"
Konti na lang talaga masasakal ko na 'tong si Bryan! "Timeout! Let's be serious, Dee. Magiging
girlfriend na kita sa gusto mo at sa gusto mo."
Wow, ibang klase talaga 'to. Sapilitan na.
"Di kita gusto, uy."
"Sus, kunwari ka pa. Anyway, naisip kong gumawa na lang tayo ng contract para sa arrangement nating ito."
"Contract? Para saan? Hindi ba tayo puwedeng magpaliwanag na lang?
"Ang kulit mo naman, Dee, e! Gusto mo ba talagang flirt ang tingin nila sa'yo? You think may maniniwala kung sasabihin nating wala lang yun? Makipag-cooperate ka na para patahimikin na nila tayo. Hindi naman tayo magpapakasal, e!"
Ha? Paano napunta sa kasal ang usapan?
"Wag mo akong sigawan! Hindi ako bingi. O, sige, i-explain mo sa akin yan."
"Well, may rules tayo. Gagawin natin yung contract pag-uwi later, okay? Pasok na muna tayo, baka ma-detain pa tayo."
"Mabuti pa nga yun para di natin kelangang harapin ang mga tsismoso't tsismosa sa paligid."
"Sshh. I know you're having a bad time. Sorry. Let's just do what we can to get out of this."
"Kung sana hindi ka artista, hindi lalaki yung issue..."
"A, so kasalanan ko?" Medyo pikon na si Bryan. "Okay, fine, hindi na. Sorry."
"Tara na sa classroom." "Sige."
Sabay kaming tumayo at naglakad papunta sa classroom. Walang paa-paalam, kinuha niya yung kamay ko.
Holding hands while walking?
Namula ako. Ang daming tao sa hallway, lahat halos nakatingin sa amin!
Pasimple ko siyang binulungan, "Bryan, bitawan mo yung kamay ko."
"Girlfriend na kita, masanay ka na," he whispered
back.