47. Bryan
Today is September 24. Ang bilis ng araw. Lagpas one week na kami ni Dee. Birthday ko rin pala. But I don't feel like celebrating. Dahil na rin siguro sa nangyari kay Bettina. My sister died on my birthday. She's no longer here because of me. I was filled with sadness and guilt once again.
Naisip ko si Dee. Siya na lang ang makakapagpasaya sa akin sa araw na ito.
Ewan ko ba. Simula nung dumating siya sa buhay ko, nag-iba na ako. Nung una naaaliw lang ako sa kanya hanggang sa unit-unti akong na-fall sa kanya. Idinaan ko pa kunwari sa contract. And then, to my surprise, mutual pala yung nararamdaman namin.
I'm thinking of taking her out for dinner later. Gusto ko simple lang ang celebration, kaming dalawa lang. I was about to call her nung biglang may incoming call from my Mom.
I miss them. Pero mabuti na nga yung ganito na malayo ako sa kanila. Mas magiging madali sigurong mag-move on si Dad kung hindi siya nare-remind everyday
212 213
of Bettina's death. Minsan nga naiisip ko, kung ako kaya yung namatay, ganun din siya?
"Hello, Ma?"
"Hello, anak. How are you?"
I told her na pupuntahan ko si Dee. She reminded me of my sister's death anniversary. Sinabi ko naman na dadaan ako ng chapel later to pray for her soul. Akala ko matatapos yung conversation namin nang hindi man lang niya naalalang birthday ko. And then I got the biggest surprise of my life.
"Happy birthday, anak. Dad asked me to greet you for him. He says he loves you, too, and wishes you enjoy your day. Say hi to Daniella for me, okay? I'm looking forward to meeting her. I miss you, anak! Wait for our gift, it's on its way. I love you. Ingat ka dyan."
Naluha ako sa narinig from my mom. Hindi ko inaasahan na babatiin ako ni Dad after all that has happened. Tatawagan ko sana si Dee para ibalita sa kanya yung nangyari nung biglang tumunog ang doorbell.
Pagbukas ko ng gate, nagsipasukan ang buong barkada. Ang gugulo!
"Anong ginagawa n'yo rito?"
"May house party ka raw, e. Mali ba ang balita?" "Wala! Go home, may pupuntahan pa ako. Nasaan
nga pala si Dee?"
"Kami yung nandito si Dee ang hinahanap mo.
That hurts, man!" sabi ni Erick.
Natawa ako sa kanya. Umarte pa na hurt na hurt. Si Allison yung sumagot nang seryoso.
"Saan pa, e, di sa Papa niya." "Ah, oo nga pala."
Nagkuwentuhan at nagkulitan lang kami tapos umalis na sila. Tinawagan ko si Dee.
"Hello?" "Hello, wifey..."
"Hubby, bakit? Ay, happy birthday pala." Ang lungkot ng boses niya.
"How are you?"
"Eto malungkot na naman. Nandito ako sa puntod ni Papa. Alam mo na, nami-miss ko siya lalo."
"Sunduin kita dyan, ha? Miss na kita, e. Saka kasi may date tayo ngayon."
Tumawa siya.
God, I miss her laugh.
"Ako na lang pupunta dyan mamaya." "Okay. What time?"
"Around 1 pm. Sige na. See you later. I love you. Happy birthday."
"I love you, too. See you."
Gusto ko nang hilahin yung oras para makita na si Dee. 3 hours pa. Nag-nap na lang muna ako. Pagkagising ko, nandun na si Dee, sitting beside me sa bed.
214 215
"Glad you're awake, sleepyhead. Get up and let's get going."
Hay, itong girlfriend ko talaga, minsan napaka-demanding. I got up and started walking towards the bathroom. Hinabol ako ni Dee at may iniabot.
"What's this?"
"That's what you'll wear today."
Pagbukas ko ng plastic bag, may lamang blue shirt. Pareho ng design sa suot ni Dee, may half na heart sa harap at may naka-print na "Bryan" sa likod.
"Couple shirt?"
"Yup! At bawal tumanggi, magtatampo ako." "Ang corny naman nito, wifey!"
"Isusuot mo yan o hahanap ka ng ka-date na iba?" "Okay, okay."
Papalabas na kami ng subdivision nung maalala kong tanungin si Dee kung saan kami pupunta. Sabi kasi niya siya ang magde-decide kung saan.
"So saan tayo?" "Enchanted Kingdom."
Enchanted Kingdom it is. Kahit naman siguro saan papayag ako. As long as I'm with Dee.