Chapter 48. [Fireworks]

305K 5.4K 274
                                    

48. Bryan

Kabababa pa lang namin sa Space Shuttle. Namumutla yata ako. Simula pa lang hilong-hilo na ako. Nung natapos yung ride, nasusuka ako na ewan. Siya parang wala lang. Tawa pa nang tawa, pinagtatawanan ako. Nakakapikon.

"Okay ka lang, hubby?"

Tiningnan ko siya. Halatang nagpipigil matawa. "Ewan ko sa'yo. Sabi ko na kasing mahina ako sa

ganyan, e."

"Sorry na. Gusto ko lang namang ipa-experience sa'yo, e. Di na kita pipilitin next time. Sorry uli."

Naisipan kong maggalit-galitan. Tinalikuran ko siya at nagsimulang maglakad palayo.

Kaso, hinabol niya ako at niyakap mula sa likod. "Sorry na, hubby. Wag ka nang magtampo. I love you." Pagharap ko, ayun na, bumigay din ako. Paano mo

naman matitiis ang ganito kagandang nilalang?

"Okay, I forgive you. Kulit mo kasi! Buti na lang mahal kita."

I hugged her. Mayamaya, na-realize ko na may mga taong humihinto sa tapat namin. Nakikilala na yata

216 217

ako. Niyaya ko na lang si Dee na kumain para hindi kami masyadong mapansin.

After kumain, niyaya ko si Dee na pumasok ng horror house. Ayaw niya, natatakot daw.

Aha, it's time for revenge!

"Dee, hindi naman totoong mga multo ang nandyan sa loob, e. Saka kasama mo naman ako."

"Ayoko pa rin. Never talaga akong papasok dyan." "Wifey, para sa'kin, please? Pinagbigyan kita sa

Space Shuttle kanina. Can't you do the same for me?" "Ayoko. That's final."

"Please?"

Bumuntonghininga muna siya bago sumagot. "Sige na nga. Basta wag kang lalayo sa akin, ha?"

"Promise. Let's go?"

"Kapag may humawak sa paa ko, I swear, patay ka sa'kin."

Paglabas namin sa Horror House, umiiyak na si Dee. "I told you may humahawak ng paa dun!"

"Uhog mo, baby, tutulo na. . ."

"Wag ka nga! Nang-aasar ka pa, e. Nakakainis ka!" Hinampas niya ako sa braso. Natawa ako at niyakap siya. Nakaka-guilty rin pero dinaan ko na lang sa

lambing.

"Hush, wifey. Bili tayo ng ice cream? Sorry na, okay?"

Humarap siya sa akin at kinurot yung side ko. "Epal ka talaga. Di porket birthday mo—"

"Wifey, gusto mo ng ice cream or not? Ikaw rin, baka magbago ang isip ko..."

"Tara na nga sabi ko, e, di ba?"

Batang ito talaga! Basta pag sa ice cream di mauunahan!

After naming mag-ice cream, nag-rides uli kami. Nag-try din ako maglaro ng game at luckily, nanalo ako ng stuff toy. Kasama ko kasi ang lucky charm ko, e. Good vibes na sana except for one thing: tingin nang tingin kay Daniella yung guy who's manning the booth.

"Bryan, ba't ba ang sama ng tingin mo dun sa guy?" "Kasi naman tingin nang tingin sa'yo, e."

"Ang protective naman ng boyfriend ko. Don't worry, ikaw lang ang may appeal na lalaki sa akin."

Napangiti naman ako sa sinabi ni Dee. Bolera din 'tong girlfriend ko.

Niyaya ko siyang kumain ng dinner. Nakakatuwa talaga itong si Dee, sobrang takaw. Hindi gaya ng ibang babae na sobrang conscious sa kinakain. I like her that way, walang arte. After dinner, she asked me kung gusto kong manood ng fireworks. I said yes siyempre. Anything to make her happy.

218 219

While we were looking up the sky, she whispered to me, "I love you, Bryan. Thank you for coming into my life."

"I love you, too, Dee. This is my best birthday so far. And that's because there's you in it."

I looked at her and kissed her as the fireworks illuminated the sky.

Ang Boyfriend Kong Artista. [Published book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon