33. Bryan
Kumain muna kami sa Conti's. Sabi ko kay Dee madami ang kainin niya. Baka sa gutom niya makalimutan yung mga pinag-usapan naming sasabihin sa interview.
I must admit sobra akong nagagandahan sa kanya ngayon. Bagay sa kanya yung dress. I've never seen her this beautiful. I feel so proud siya ang "girlfriend" ko.
"Uy, kain ka pa."
"Tataba ako nito, e!"
I'm enjoying Dee's company. She's really fun to be with. Ang sarap niyang asarin. Cute niya kasing mainis. Pero nagtataka pa rin ako sa ginawa niya kanina.
"Bakit mo pala ako niyakap kanina? May problema ba?" Parang wala siyang narinig. Tapos iniwas niya yung tingin niya sa akin.
"Dee, what's wrong? Sabihin mo naman sa akin, o." Ngumiti siya sa akin. "Wala lang yun. Natuwa lang ako."
I know that she's hiding something from me. And damn, it bothers me. A lot.
"Ano nga kasi yun? You can tell me anything, Dee."
Tumingin siya sa'kin at biglang hinawakan yung kamay ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
"I'm sorry..."
"Huh? What's that for?"
She covered her face with her hands.
"I learned about what happened to Bettina. And why you're here."
My mood quickly turned sour. Ang daldal talaga ni Tita Jeanie. I looked at Dee, pity was all over her face. Ito ang ayaw ko, e, yung kinakaawaan.
"So? Ano naman?"
Nagulat si Dee sa sinabi ko. Ako rin nagulat na ganun ang naging reaction ko sa pagiging concerned niya.
"If you need anything, I'm just here, okay?"
"I don't need anything or anyone, Dee. Tapos na yun, what's lost is lost, di na maibabalik."
"Pero I know nahihirapan ka. Hindi mo lang pinapakita."
"Let's stop talking about it. You don't know how it feels."
"Dyan ka nagkakamali, Bryan. I feel your pain dahil nawalan na rin ako. I lost my Dad, too. So don't you tell me I don't know how it feels." Napataas nang konti ang boses ko dahil sa inis.
"S-sorry."
"Kumain na lang tayo."
We ate in silence. I didn't want to snap at her pero sensitive lang talaga ako sa topic. Hanggang paglabas sa restaurant wala pa ring imikan.
"Dee, wait!" Di na ako nakatiis.
"Sorry for being a jerk. I didn't mean to hurt you." I took her in my arms and kissed her in the forehead.
"Sorry din. Baka masyado na akong nakikialam sa personal life mo."
"No, don't say that. It's my fault. Ssshhh, don't cry." Pinagtitinginan na kami ng mga dumadaan pero di
namin sila pinansin. Bigla akong may naisip. "Dee, alam mo bang this is our first fight?"
Tumingin siya sa'kin at nagpunas ng luha. "Nagpapatawa ka ba? Lagi nga tayong nag-aaway, e."
"I mean, as a couple."
Bumulong siya. "Kahit fake lang 'to?"
That didn't sound right. For the first time nainis ako na ginagamit namin yung salitang fake to describe our relationship.
"Oo."
She smiled at me. Maganda pa rin siya kahit bagong-iyak. "Halika na, labas na tayo."
"Teka, aayusin ko make-up ko."
"Hindi naman nasira. You're still beautiful. Let's go."
"Kapag ako mukhang raccoon dahil sa nag-smudge na mascara, I swear, Bryan, this would be the last day na guwapo ka."
Natawa siya sa sinabi ko. Natawa rin ako. Ganun na ba ako ka-violent?
"So inamin mo rin na guwapo ako?"
I rolled my eyeballs. Hindi talaga napapalampas ni Bryan yung mga nasasabi kong ganun.
"Ewan ko sa'yo! Tara na nga!"
At hinila niya na ako papunta sa event hall. Nakarating naman kami sa backstage nang walang humaharang na fans. Hinanap namin agad si Tita K.
"Bagay talaga kayo. Hindi halatang you're just faking it."
Aside from the two of us, si Tita K lang ang may alam tungkol sa set-up na ito. At least pag nagka-problema, alam namin kung sino ang tatakbuhan.
"Tita, what time will the interview start?"
"You'll be onstage in thirty minutes. I'll call you when it's time. Just make yourselves comfortable here."
Nagkuwentuhan lang kami ni Dee while waiting. It's obvious she's nervous.
"Kaya mo yan. Ikaw pa."
"I know right! Kinaya nga kita, e. Sila pa kaya?" she retorted, halatang nagpapalakas ng loob.
Nakakaaliw talaga 'tong babaeng ito. Masarap kasama, makulit, maganda. I'm really starting to like her a lot.