36. Bryan
I arrived a few hours ago. Ilang days lang akong nawala pero na-miss ko rin dito. Hindi pa pala alam ni Dee na nakabalik na ako. Nami-miss na ako nun for sure. Pero makikipagkita muna ako kay Allison. Sa plane pa lang kasi di na ako mapakali.
We agreed to meet at Starbucks. Saglit pa lang ako nakakaupo nung dumating siya. Nakangiti siyang lumapit sa akin at umupo sa tapat ko.
Ayos, to, a. May atraso siya kay Dee pero kung makangiti sa akin parang close na close kami.
"Hi."
"So what brings us here?"
Diniretso ko na si Allison. Baka kasi isipin pa nito na gusto kong makipagkaibigan sa kanya.
"Relax, Bryan. Galit ka naman agad, e."
"So ano na nga? Let's make this quick, may pupuntahan pa ako."
"Sige, I'll go straight to the point, if that's what you want. Kelangan nating bigyan ng chance sina Erick at
Daniella na mag-usap para magkaroon sila ng closure."
"What for? Matagal na silang hiwalay."
"Yes, pero si Erick hindi pa maka-move on. Hindi ko alam si Daniella."
"Ito ba ang paraan mo para masiguro na hindi aagawin ni Daniella si Erick sa'yo? Because if that's the case, I think di na nila kelangang mag-usap. As far as I know, naka-move on na si Daniella because she's happy with me."
"It's not what you're thinking. Ikakasal na kami ni Erick. Arranged marriage. And it won't do us any good kung may mga bagay na hindi maaayos bago mangyari yun."
"What?"
"It's a long story. It concerns our family businesses." Hindi man nag-explain si Allison, medyo gets ko
naman.
"So, anong gagawin natin?"
Inexplain ni Allison yung naisip niya. Hindi ko pinakinggan bawat detalye pero naintindihan ko naman. May isang bagay kasi akong ipinagwo-worry.
Paano kung instead of magkaroon ng closure yung dalawa, e, ma-realize nila na mahal pa nila ang isa't isa?
Na-paranoid ako bigla. Paano pag nawala si Dee sa
akin?
"Allison, sa tingin mo ba mahal pa ni Erick si Daniella? E si Daniella kaya?"
"Si Erick? Siguro. Di ko rin alam, e. Pero si Daniella I think hindi na."
Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi ni Allison. Napangiti pa ako at napansin yun siyempre ni Allison.
"Wag masyadong kiligin, uy." "Uy, hindi, a!."
"Sige, i-deny mo pa. Halatang in love ka na sa kaibigan ko, e."
"Kaibigan?"
"Yeah, nagkaayos na kami ni Dee nung nasa Japan ka." "Paano mo naman nasabing in love na ako kay Dee?." "Paano naman, ang saya mo nung sinabi kong tingin
ko hindi na inlove si Daniella kay Erick, e."
Damn, am I that transparent? No, nagfi-fish lang itong si Allison.
"Baka ikaw dyan ang in love."
Biglang nagseryoso si Allison kaya nagulat ako.
"I don't know. I'm afraid I'm starting to fall for him." "Wala namang masama kung maramdaman mo yan.
Lalo kung matutuloy ang kasal ninyo."
"Tanong lang, sa tingin mo, magagawa natin yung plano ko?."
"Siyempre naman, si Bryan Lim yata ang ka-partner mo." "Naku, bawas-bawasan mo yang kayabangan mo,
Bryan! Mamaya niyan magsawa sa'yo si Daniella."
Baka magsawa si Dee sa'kin? Who cares? After 3 months expired na yung contract.
"Hindi mangyayari yun.."
"Wag mong sasaktan si Daniella, ha? Lagot ka sa'kin.
"I'll be the last person to do that, Allison." "So, friends na tayo, ha?."
"Of course! Basta invited kami ni Dee sa kasal. Kailan ba?"
"Hindi pa sure kung kelan. Yung groom nga parang di pa rin sure, e."
"Mahal ka rin nun.."
"Hay, si Daniella pa rin naman yata, e." "Wag mong isipin yun. Think positive."
"I will. Thanks, Bry. Basta tuloy yung plano, ha? "Yes, sa Friday. Una na 'ko, Allison. I need plenty of
rest, may jetlag pa." "Alright. Bye!"
On the way home, hindi ko pa rin maiwasang mag-worry.
Paano nga kung magkabalikan sina Erick at Dee? Paano na yung kasunduan ng mga pamilya nina Allison? Paano na yung contract?
Paano na ako?