55. Daniella
Kanina pa ako tawag nang tawag kay Bryan pero di sumasagot. Nakakainis. Hindi man lang ako maalalang kumustahin.
"Daniella, hindi ka ba sasabay pauwi?"
"Mauna na kayo. Dadaan pa ako sa bookstore."
"Okay. See you tomorrow!"
Nakabalik na siya pero di pa rin nagpaparamdam. Dito na sa Pinas yung last shooting days ng movie. Nakaka-miss si Bryan. Pero bakit ganun, parang di niya ako nami-miss?
Tumawag uli ako pero di pa rin niya sinasagot. Nag-text ako pagkatapos. Away na talaga 'to! Parang wala siyang girlfriend kung umasta. Di man lang magpasabi kung buhay pa siya o ano.
Pagdating sa bookstore, hinanap ko agad yung young adult section. I miss the scent of books! It's been a year since I last finished one. Na-busy sa school at lately nga, kay Bryan.
May nakasabay akong lalaki who looks like my age na nagche-check din ng books. He seems familiar.
Pero dahil naka-shades, hindi ko rin sigurado. Bigla siyang tumingin sa direksyon ko. Nailang tuloy ako at nagbawi ng tingin. He caught me sort of checking him out!
I saw an interesting title, Waiting for You by Susane Colasanti. Wait, kaya ko ba napili yun dahil sakto sa nararamdaman ko ngayon? Oh well, na-catch ng book yung attention ko so I'm gonna buy it. Ang kaso, nasa taas ng shelf, problema para sa mga gaya kong vertically challenged. Sa kakapilit kong abutin yung taas, yung mga book na nasa ibaba, nagkandalaglagan. Nung na-realize ko na mahuhulog sa akin yung mga libro, na puro hardbound pa naman, tinakpan ko na lang yung ulo ko at prinepare ang sarili na matamaan. Napapikit ako. Pagmulat ko, nasa floor na lahat ng books pero walang kahit isang tumama sa akin.
I looked up and saw the guy na naka-shades na nakahawak sa may ulo niya. Sa kanya pala tumama yung mga libro kasi he covered me up.
"Oh my god!"
"Next time, Miss, magpa-assist ka na lang." Sasabihin ko sana sa kanya na hindi ko naman
sinabing siya yung sumalo nung mga librong mahuhulog sana sa akin but I realized that's quite rude. Tinulungan pa rin naman ako nung tao. Nagsermon nga lang after.
Binayaran ko yung book at naglakad papuntang exit.
Bago ako makalabas, may kumalabit sa akin. Paglingon ko, yung lalaki na namang naka-shades.
"Yes?"
"Di ka man lang ba magso-sorry? Or magte-thank you? I just saved you. Eto nga nagka-bukol pa yata ako."
Oo nga naman.
"Okay. Thank you for saving me. Now, what do you want me to do?"
"Can you buy me an ice pack? Kung wala kahit cold soda in can na lang. Anything na puwede ko ilagay dito sa bukol."
"Okay, wait for me dun sa couch." "Thanks, Daniella."
"How did you know my name?"
"Puwede ba muna nating i-first aid ito bago ko sagutin yan?"
"Okay."
Habang bumibili ng malamig na soda, inisip ko nang inisip kung saan ko na nakita yung lalaking yun. He really looks familiar. At alam niya yung pangalan ko! Nung may nakasalubong akong guy na naka-jersey, that's when I realized, taga-Xander High siya, yung team captain nila! Siya yung muntik makaaway ni Bryan.
And come to think of it, medyo hawig pa sila.