70. Daniella
Nagmulat ako at pilit inalala kung anong nangyari.
Nasaan ako?
"Miss Daniella, buti naman po gising na kayo. Hinihintay na po kayo ng lahat."
"Sino ka?"
Ngumiti sa akin yung babae.
"I'm Marie, your wedding coordinator." Inalalayan niya akong tumayo at inilapit sa akin
ang isang life-sized mirror.
I saw myself wearing a beautiful wedding gown. I liked what I saw on the mirror and I would've been happy kung wala ako sa ganitong sitwasyon. Hindi ko napigilan. Tumulo yung luha ko.
Nag-sink in na sa akin ang lahat. Ginawa ng Mom at Dad ni Bryan yung sinabi nila. Ipapakasal ako kay Tyler para paghiwalayin kami ni Bryan.
"Ma'am, wag na po kayong umiyak. Masisira po ang make-up n'yo. Kung ready na po kayo, sasamahan ko po kayo sa paglabas."
Pinunasan ko yung luha ko.
292 293
Wala akong ibang naiisip ngayon kung hindi si Bryan...
Bryan, nasaan ka?
Nagpadala na lang ako sa agos. Inisip ko, hindi siguro talaga kami para sa isa't isa. Gaya ng pagkamatay ni Papa, kelangan ko na sigurong tanggapin yun. Ginawa na namin ang puwede naming gawin pero sila pa rin ang nasunod in the end.
Nagsimula akong maglakad papunta sa altar. Tumungo ako, I didn't want people to see me crying. Di gaya ng ibang brides na masaya, I felt like I'm walking towards my grave.
Out of the blue, I felt the urge to look up. Para akong nakakita ng multo nung mapadako yung mata ko sa end ng carpet. Standing there was not the man I thought I was marrying...
"Bryan?!"
Napako ako sa kinatatayuan ko. I looked around for the first time. Ang dami palang tao. Seeing that I stopped walking, lumapit sa akin yung Dad ni Bryan.
"Daniella, I know naguguluhan ka. Pero trust me, there's a reason why this is happening." Ngumiti siya sa'kin. "Pasensya na, nagmana sa'kin ang anak ko. Hayaan mo na, minsan lang 'to."
"Dad, hindi ko pa rin po naiintindihan."
"It's all that man's fault."
Tinuro ng dad niya si Bryan who's grinning from ear to ear.
"Plinano niya ang lahat ng ito. Simula sa announcement sa bahay hanggang sa araw na ito. Gusto raw niyang makasal kayo kahit wala pa munang papel. At lahat sila kakuntsaba niya."
Pagtingin ko, nasa right side ng altar sina Desi, Andie, Allison, Princess, at iba pa naming friends. Sa right side naman sina Kuya Prince, Erick, Kevin, Tyler, at iba pang guy friends.
My God, ako lang ba ang hindi nakakaalam nito?
Napatingin ako kay Bryan. He looked every bit a man in his tuxedo.
"Daniella, will you let me walk you down the aisle? I hope okay lang sa Papa mo."
"Opo naman, Dad."
I'm sure okay na okay din kay Papa na si Bryan ang napili ko.
Lumapit si Mama sa amin. Yumakap ako at humalik sa kanya.
"Let's not make the priest wait, Daniella." Huminga ako nang malalim at nagsimula na kaming
maglakad. Si Bryan talaga. Kung anu-anong naiisip. Pero aaminin ko, nalulunod ako ngayon sa kasiyahan.
He never fails to amaze me.
294 295
The strands in your eyes that color them wonderful Stop me and steal my breath
And emeralds from mountains thrust toward the sky Never revealing their depth
Napangiti ako nung marinig ko yung kanta. Kanta namin ni Bryan.
And tell me that we belong together
And dress it up with the trappings of love I'll be captivated, I'll hang from your lips
Instead of the gallows of heartache that hang from above
Nakatingin lang ako kay Bryan habang naglalakad ako. Here is my present and my future.
And I'll be your cryin' shoulder
I'll be love's suicide
And I'll be better when I'm older
I'll be the greatest fan of your life.
Pagdating namin sa dulo ng carpet, pinunasan agad ni Bryan yung luha ko.
"Don't cry. Nandito na ako, o."
I smiled. Humalik si Bryan kay Mama at ibinigay
naman ni Dad yung kamay ko kay Bryan.
And rain falls angry on the tin roof
As we lie awake in my bed
And you're my survival, you're my livin' proof
My love is alive and not dead.
"Rehearsals lang 'to, anak, ha? After graduation pa yung totohanan," pahabol na paalala ng Dad ni Bryan bago kami pumunta sa altar.
Natawa kaming pareho at sabay na tumango.
I'll be your cryin' shoulder
I'll be love's suicide
And I'll be better when I'm older
I'll be the greatest fan of your life.
Pagdating namin sa altar, kinausap ko si Father. Sabi ko, may kelangan lang akong i-settle sa groom ko. Pumayag naman siya. Napakamot naman ng ulo si Bryan.
"Ipaliwanag mo nga sa akin ang lahat ng ito, Bry." "E kasi..."
"Anong, e, kasi? Umayos ka. Tinakot mo ko, a!" "Totoong kelangan kong bumalik ng US. I have a
contract to finish. They'll sue me kapag hindi ako bumalik to fulfill my commitments. Kaya naisip ko na magkaroon
296 297
man lang ng ganitong ceremony kahit di totoo. Para lang may babaunin ako pag magkahiwalay tayo. Kung ayaw mo namang ituloy okay lang sa—"
"May sinabi ba akong ayaw ko?"
"So gusto mo rin naman pala, e. Anong problema?" "Oo, gusto ko pero may atraso ka sa'kin. Ginamitan mo ako ng acting skills mo, muntik na akong mamatay sa
sama ng loob!"
"Siyempre naman, dapat memorable ang mga pangyayari. I just want you to know na naniniwala akong magiging tayo pa rin in the end kahit matagal tayong di magsama. Alam mo naman na mahal na mahal kita, di ba? You're my first and last love."
I smiled at him and held his hands tight. "Yes, Bryan, we will beat the distance."
"So, I know it's too early or is it too late for this? But," he smiled and went down on his knees, "will you marry me, in advance?"
Natatawang naiyak ako sa sinabi niya. Lintek na Bryan 'to. Ibang klase kung dumiskarte.
"Yes! I will marry you, in advance. Sabihan mo na si Father na okay na tayo."
"Right away, Ma'am!"