13. Bryan
Hindi ako mapakali. Yes, she isn't my girlfriend but knowing that something might be wrong with her makes me uneasy. Kaya lumabas muna ako ng clinic para mabawasan ang kaba. Paglabas ko, naghihintay si Erick, mukhang worried din.
"Okay na ba siya? Ano bang nangyari?"
"Anong nangyari sa kanya? Di ba sinaktan mo nga? And why do you care, pare? Respeto na lang, o. Leave her alone for Christ's sake!"
I gave him a warning look just so he knows kung anong puwedeng mangyari sa kanya kung sakaling magpumilit pa siyang makita si Dee. Saka ako pumasok uli sa clinic.
Dinatnan ko si Dee still lying in bed, awake... And angry.
She shouted at me. Apparently, narinig niya yung sinabi ko kay Erick.
"Hoy, bakit mo ginawa yun kay Erick?" "What?"
"Nagtatanong siya nang maayos tapos sinagot mo siya ng ganun!"
"Paano mo narinig? Akala ko ba hinimatay ka?"
"I'm already awake, hindi ba obvious? And I have ears if you haven't noticed. So sagutin mo ako. Why do you have to be so rude sa taong nagmamalasakit lang naman?"
"Nagmamalasakit? Pinuntahan ka lang dito nakalimutan mo na agad yung ginawa sa'yo? Wag ka ngang martir, Dee. Ipapaalala ko sa'yo, in case you forgot, that jerk dumped you a couple of days ago."
"Bryan, tama na." Napayuko na lang siya, parang iiyak na.
"Sorry. Wag mo na kasing ipagtanggol si Erick."
"Wag na natin siyang pag-usapan," she said, ending the conversation.
My phone buzzed. Si Mommy.
Bryan, how are you, anak? I'll talk to you later, okay? I miss you.
Tinitigan ko lang yung screen ng phone ko then returned it to my pocket. I turned to Dee. Nakapikit na uli siya. I looked at her at di ko napigilang matawa nung maalala ko yung Dee na parang tigre kanina. Ngayon, she looks so peaceful. Ewan ko ba, magaan talaga ang loob ko sa kanya kahit laging mainit ang ulo niya sa akin.
I have to admit, naaalala ko si Bettina sa kanya.