40. Daniella
Pesteng pag-ibig 'to. Mas mahirap pa sa Physics at Trigo.
September na. It's been a month since ma-realize kong may gusto ako kay Bryan. Exams, application for college, isama mo pa yung mga interview, statement, online chat, at guesting namin ni Bryan, nakakatuwa na nakakapagod at times.
Pero may isang bagay akong kailangang harapin: the clock is ticking.
Isang buwan na lang. Isa na lang.
"Huy, pahiram ng English notebook!"
Wrong timing na naman 'tong lalaking 'to! Nag-eemote ako, e!
Kinuha ko yung English notebook ko sa bag at inihampas ko sa ulo ni Bryan.
"O, ayan!"
"Bakit mo ko pinalo? Ang violent mo naman!" Hinimas niya yung ulo niya.
"Eh kasi po manghihiram ka lang ng notebook, manggugulat ka pa!"
"Ang lakas ng boses mo. Hinaan mo nga, nakakahiya."
184 185
"Hoy, wag mo ngang pakialaman yung boses ko. Mind your own boses, no!"
"Okay lang kasi sana kung maganda ang boses mo kaso hindi, e."
"Ayos ka manlait, a! Para namang ang ganda ng boses mo!"
"Well, sabi nila, oo."
"Naniwala ka naman!" sabi ko sabay irap at roll ng eyeballs.
Kinurot ni Bryan yung magkabilang pisngi ko. "Ang cute mo! Halikan kita dyan, e!"
"Tingin mo matatakot mo ako?" "A, wag mo akong hahamunin." Natakot ako bigla. At natameme.
And then in a snap, lumapit si Bryan and planted a kiss on my cheek.
Inhale, exhale.
Umakyat ang dugo sa mukha ko.
Nagsigawan yung mga classmate namin. Lalo lang tuloy akong nahiya.
"What's the commotion all about?"
Naku, si Mr. Marquez, bad mood yata. Umupo na ang lahat at humanda sa giyera. Good thing, hindi na uli nagtanong sa nangyari kanina. May announcement pala kasi.
"Class, I just want to inform you that you'll be having a retreat next week."
"Sir, saan po?" tanong ni Sharleen. "Sa Tagaytay."
"Kelan po?" tanong naman ni Rovic.
"Let me speak first para wala nang maraming tanong." Di halatang excited yung mga classmate ko, o! "This will be a three-day retreat. We'll be leaving
on Friday morning and staying in Tagaytay until Sunday afternoon. We'll be having a lot of activities so prepare yourselves. You have to attend this retreat so make sure you ask your parents' permission ahead of time."
May pinamigay na papel si Mr. Marquez.
"Those are the guidelines for the retreat. Please take time to read those. Nakalagay dyan yung appropriate clothes, mga kailangang dalhin, at mga bawal dalhin. We will be strict about the rules, okay? I'll be leaving early today. Please remain seated and wait for your next teacher."
Paglabas ni Mr. Marquez, kinalabit ako ni Bryan. "Dee..."
Humarap ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay. "Ano na naman?"
"Galit ka na naman? Wag na nga lang." "Okay, hindi na. Ano ba yun?"
"Sorry kung hinalikan kita." "Nasa contract naman yun, di ba?" "Oo, pero—"
"Wag na nating pag-usapan."
186 187
"Okay. Sabi mo, e. Sama ka sa retreat?" "Oo. Ikaw?"
"Oo."
"Sasama ka dahil sasama ako, no?"
"So hindi na ako ngayon ang overconfident, tinalo mo na ako, Dee?"
"Ikaw pa rin ang top one, Bry!" "Sa puso mo?"
Muntik ko mabitiwan yung hawak kong pen. Napa-Ay, ewan na lang ako. Hindi ko na alam ang sasabihin. Bull's eye, e!