Chapter 15. [Dude]

385K 7.2K 746
                                    

15. Bryan

I'm sure nainis lalo sa akin si Dee sa pagbawi ko sa compliment na binigay ko sa kanya this morning. Well, she's really pretty, especially her eyes, deep and piercing. Pero I won't tell her that kasi natutuwa akong asarin siya.

Hmmm. Ano kayang magandang hinging kapalit ng pagtulong ko sa kanya? Cook my food for a week?

Iniisip ko pa lang natatawa na ako. Ang cute pa naman niya when she gets annoyed.

Speaking of annoying, pagdating ko sa parking lot kanina, there was Erick, standing beside my car.

"Bryan, puwede ba tayong mag-usap?" 

"What for?"

"Magte-thank you lang sana ako sa'yo."

 "Para saan?"

"Sa pagdala mo kay Dani sa clinic. Thanks, dude."

I looked at him straight in the eye. I made sure na makuha niyang hindi ako natuwa sa sinabi niya.

"Alam mo, normal lang na gawin ko yun kasi kaibigan niya ako. Ikaw, ba't ka nagpapasalamat for her, ano ka ba niya?" diretso kong tanong sa kanya.

Halatang nainis si Erick sa sinabi ko pero nagtimpi na lang. Well, he can always try me.

"Excuse me, dude," sabi ko kay Erick kasi nakaharang siya sa pintuan ng kotse, "I have to go." Tumabi naman siya.

Akala yata ng Erick na yun hindi ko alam ang ginawa niya kay Dee. Damn, bakit ba ako affected? Well, kaibigan ko kasi si Dee. Yun lang yun.

Pagdating ko sa bahay naharang pa ako ng mga reporter. They asked me lang naman about school. After a few minutes, pumasok na rin ako, nagbihis at nagbukas ng computer. Nag-check lang ako ng posts ng mga kaibigan and posted a status. In-add ko rin si Dee at pinagtripan sa chat. Saglit ko lang siya kinausap, hiniritan ko lang then nag-offline na ako bago pa siya makasagot. Solved na ako sa pang-aasar sa kanya for the day. Nag-logout na rin ako after a while.

As I was getting ready to sleep, biglang tumunog yung phone ko. Mom's calling. Here we go again.

"Hello, Mom?"

"Bryan! I've been calling you kanina pa. Why are you not answering?"

"Sorry, I didn't notice my phone ringing. Naka-silent mode, e."

"Okay. So, how are you doing?" "Okay lang."

"I hope you're learning your lesson. Tama yung desisyon naming dyan ka muna."

"Mom..."

"Listen to me, Bryan. You'll stay there for the whole school year. Puwede kang magka-projects pero dyan lang sa Pinas. Pag narinig kong you've accepted projects outside the country, lagot ka sa akin."

"Geez, Mom, andito na nga ako, di ba? I've already let you run my life, why do I have to hear any more of this?

"Tandaan mo, it's your way of saying sorry to the people you've hurt."

"Stop it. Ilang beses ko nang narinig yan, e. Isn't that enough? I know it's my fault pero tama na, please."

"Okay, Bryan. Basta, visit her some time, okay? Bye." The line went blank.

Humiga ako sa bed at kinuha yung framed picture na nasa side table ko. Picture namin yun ni Bettina three years ago. We were young, carefree, and unaware of all the worries in the world. And then in a snap, it was all gone. Tumulo yung luha ko nang di ko namamalayan.

Sorry. Kung hindi dahil sa akin, nandito ka pa sana. I miss you. God knows how much I'm hating myself until now. I'm really sorry, sis.

Ang Boyfriend Kong Artista. [Published book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon