Chapter 16. [Photographer]

380K 7.3K 835
                                    

16. Daniella

One week na ang nagdaan pero inaasar pa rin ako ni Bryan. Today is Friday at matatapos na yung Physics class namin. Club time na pagkatapos.

"Okay, class dismissed." Kanya-kanya na kaming ayos ng gamit at labasan sa classroom.

"Bes, sa anong club ka?" tanong ni Andie sa akin.

 "Writer's club. Ikaw? Home Economics pa rin ba?" 

"Magta-tryout ako sa cheerleading team."

"Wow, cheerleading! Break a leg, bes! Kayang-kaya mo yan!"

Magaling sumayaw si Andie, unlike me na parehong kaliwa ang paa.

"Mag-a-apply ka pa ba sa writer's club?"

"Hindi na. Member na ako since first year, e. Renewal na lang."

"Daya!" Nalungkot siya kunwari. Nafi-feel kong kabado 'tong si Andie.

"Ano kayang club ni Bryan?" 

"Malay ko. Sige mauna na 'ko. Bye!"

Etong si Andie obsessed na yata kay Bryan.

Puro si Bryan ang bukambibig, e.

O, e, bakit ka naiinis, Daniella?

Ano ba kasing meron kay Bryan? Oo nga, guwapo siya, lean and muscular, sikat, talented, tapos rich pa, pero ang hangin naman!

"Ouch!"

Bumangga ako sa wall sa lakas ng impact ng pagkabangga sa akin...ni Bryan?!?

"Uy, Dee, sorry. Nagmamadali kasi ako, e." Tinulungan niya akong pulutin yung mga gamit ko na nalaglag sa floor.

Nananadya talaga 'to, e! Kunwari pa!

"Ano ba kasing problema mo? Alam ko namang sinadya mong banggain ako, e! Lagi mo na lang akong inaasar!" Natawa naman siya sa sinabi ko.

"Sige, tumawa ka pa!"

Lumapit siya sakin at kinurot yung pisngi ko. "Ang cute mo pag napipikon!"

Namula ako sa sinabi niya. Tinabig ko yung kamay niya at inirapan siya.

"Lubayan mo nga ako, Bryan Lim!"

Nilagpasan ko na siya at naglakad papunta sa room ng writer's club. Umiwas na lang ako ng tingin sa mga nakakita sa pagsusungit ko kay Bryan. Dinatnan ko sa classroom sina Lars at Yoma, friends ko rin.

"Hi, guys!" bati ko sa kanila.

"Hi, Dani! Gumaganda ka yata, a!"

"Napansin ko nga rin yan. May inspirasyon yata kasi." 

"Tumigil nga kayo!" Umupo ako sa tabi ni Yoma. "Uy, narinig ko yung nangyari sa inyo ni Erick. Okay ka lang?"

"Hindi pa rin, Lars. Pero I'm trying to be okay. Salamat." Ngumiti si Yoma sa akin.

Ano kayang club ni Erick? Sa basketball kaya siya ulit?

"Hi, fellow writers! I'm glad to see a lot of familiar faces here." Dumating si Madam Cheng, moderator ng writer's club.

"Okay, let's start. Natatandaan n'yo ba 'to?" Pinakita niya sa'min yung old newspaper namin.

"Opo," we said in chorus.

"Look at the photos. Ang pangit ng quality, right? We got feedbacks saying na maganda yung articles natin pero nakakasira yung mga photo. So, napagdesisyunan ng academic coordinator na pagsamahin ang writer's club at photography club. So, they're here to join us. Let's welcome our new members!"

Isa-isang pumasok ang mga member ng photography club. Kasama si Bryan.

What? He does photography din?

"OMG, si Bryan!" 

"Nagpho-photography pala siya!" 

"I wanna faint!"

"Ka-club na natin siya!" 

"I can't believe this!"

Nagkagulo na naman. Ano ba naman 'to!

"Okay, let me introduce them to you. Meet Darcy, Edlive, Treena, Shee, Claire, Dianne, Sahdy, Cedrick, Bea, Yna, Cess, Fiona, and Bryan."

Nag-hi silang lahat. Si Bryan, nakatingin lang sa'kin.

"Photographers, please sit down."

Naunang umupo yung iba. Si Bryan ang naiwang nakatayo, babagal-bagal kasi. Sa kamalas-malasan, yung upuan sa tabi ko na lang ang natirang bakante. Dun tuloy siya umupo. Pagkaupong-pagkaupo pa lang, sinimulan na niya akong kulitin.

"I'm not a good photographer but I could picture us together," bulong niya sabay kindat.

Can someone please kill me now?

Ang Boyfriend Kong Artista. [Published book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon