Chapter 68. [Runaway with me]

294K 5K 706
                                    

68. Daniella

Dahil weekend at walang magawa, napilit ako ni Bryan maglaro ng basketball. Ayoko nung una kasi hindi naman ako marunong. Pero makulit talaga 'tong boyfriend ko. Hindi ako tinigilan hangga't di ako pumapayag. Shooting lang naman, hindi yung tunay na basketball game. Kaso itong si Bryan, may pakana. Kapag hindi ako naka-shoot, kelangan ko siyang i-kiss. E hindi pa nga ako marunong so makakarami siya for sure. Para nga raw ma-challenge ako at galingan ko. Naku, para-paraan din itong isang 'to.

Nagkukulitan pa rin kami nung biglang makatanggap siya ng tawag sa Dad niya.

"Hello, Dad?"

Lumayo siya saglit sa akin kaya di ko na narinig yung usapan nila. Two days had passed since we had dinner. Alam na rin nina Mama at Kuya Prince. Sabi nila, hayaan na lang. Hindi naman na raw maibabalik yung nangyari.

Nalulungkot pa rin ako pag naaalala si Papa. Pero naiisip ko, ganun siguro talaga, kelangang tanggapin na nauna na siya sa amin.

At ipagpasalamat na may nakilala akong taong magpapasaya uli sa akin.

"Dad wants us to go to their house now."

 "Ha? Bakit daw?"

"May i-a-announce raw. Hindi ko nga maintindihan, e. Ayaw naman sabihin."

"O, e, di tara na."

"Nakakainis. Kuma-quality time tayo rito, e."

"Ano ka ba, we've got a lifetime to spend together. Yung Mom at Dad mo hindi mo laging makakasama dahil hindi sila dito nakatira. So, let's go, baka importante yung announcement ng Dad mo, hindi na makapaghintay."

Pagpasok pa lang namin sa gate ng mga Lim, may naramdaman akong kakaiba. Bumilis bigla yung tibok ng puso ko sa di-malamang dahilan.

Ang yaman pala talaga nina Bryan. Maganda yung bahay nila, malaki, modern and classy. Pagpasok namin, naghihintay sa living room yung parents ni Bryan at si... Tyler?

"Good morning po, Mom, Dad, Tyler." "Good morning, hija. Maupo ka." "What's this all about, Dad?"

"We have something to announce."

"So, what is it?" Hindi na nakatiis si Bryan. "Bryan, we've decided to marry you off to the

daughter of a family friend. I'm sorry, hija, we're just

thinking of Bryan's future. I hope you understand. Hindi naman siya magse-stay dito permanently so mas mabuti kung ang makakasama niya in the future ay nasa US din. I've heard malapit kayo ni Tyler sa isa't isa, hija. Maybe he can help you move on. If you want, puwede naming i-arrange yung kasal ninyo in the future. We can talk to your Mom. I'm really sorry, but we have to do this for our son."

"This is unbelievable, Mom, Dad! Why are you suddenly manipulating my life? Mahal ko si Daniella at wala akong ibang pakakasalan kundi siya. Don't do this to us!"

"Maiintindihan mo rin kami, anak. We're leaving for the US tomorrow night. We're taking you with us."

"But, Dad..."

"No buts, Bryan. Aalis tayo bukas sa ayaw mo o sa hindi. Now, ihatid mo na si Daniella sa kanila. Or you might want to use the remaining time to say goodbye to each other. Sige na, hijo. You may go."

And just like that, gumuho lahat ng pangarap namin ni Bryan for the future. Parents na niya ang nagsalita. Ano pa ang magagawa namin? Bukas, aalis na sila, lahat-lahat ng plano namin mapupunta sa wala.

Walang umiimik sa amin on the way home. Bryan broke the silence.

"Dee, do you wanna run away with me?"

"What?"

"Run away with me. That's the only way para hindi nila tayo mapaghiwalay."

"Pero, Bryan, kaya na ba natin?"

"Kaya mo bang mawala ako sa'yo? Okay lang ba sa'yo yung sinabi ni Mom na si Tyler na lang for you?"

"No, iniisip ko pa lang parang mababaliw na ako." "Yun naman pala, e. So kakayanin natin kahit ano basta

magkasama tayo. I have enough money in my ATM to last for a few months. Pag naubos, saka na natin isipin. We can work. We can do anything. Basta hindi tayo maghihiwalay."

"Sige, Bry. Basta kasama kita."

Kumuha lang kami ng mga gamit sa bahay. Sabi ko kay Desi, overnight lang ako kina Andie, hindi naman na nagtanong. We headed down south. Sa Batangas yata kami napadpad. Nag-stop siya sa tapat ng isang beach resort. Naka-check-in naman kami nang walang hirap.

"Lika nga dito." Hinila niya ako papalapit sa kanya. Niyakap niya ako nang mahigpit.

"You just don't know how much I got scared thinking na mawawala ka sa akin. Thank you for choosing to be with me."

"Akala ko rin huling gabi na nating magkakasama. Thank you din for deciding for us. Kung hindi mo ito naisip, baka iiyak ko na lang yung pag-alis mo bukas."

"I won't let that happen, wifey."

"Hinding-hindi. Mahal na mahal kita."

"I love you, too. Salamat, hindi ka nag-give-up sa atin." Dahan-dahan niyang inilapit yung mukha niya sa'kin at hinalikan ako nang matagal, punung-puno ng

pagmamahal. "Dee..." "What?"

"Gawa tayo ng baby?" "What? Ano ka ba, Bryan!"

Kumuha ako ng unan at pinagpapalo siya.


Lumapit siya sa akin at niyakap niya ako nang sobrang higpit at pinaulanan ako ng halik. Tapos bigla na lang akong pinagkikiliti. Hindi tumigil hangga't hindi ako nagmamakaawa. Tumawa kami nang tumawa pagkatapos. And for the first time since we became together, we didn't give a damn about the world.

Ang Boyfriend Kong Artista. [Published book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon