Chapter 30. [Abs-tinence]

345K 7.1K 1.4K
                                    

30. Daniella

Pagkagising ko lang naalalang hindi nga pala ako mag-isang natulog.

"B-bryan?" Wala na siya sa tabi ko. Baka bumaba na.

Ay, bakit ako na-sad bigla? Weird.

Nagsuklay ako and checked myself in the mirror. Nakakahiya naman kay Bryan, e. Pagbukas ko ng pinto, may naamoy akong mabango galing sa baba.

Si Bryan nagluluto ng breakfast?

At naka-boxer shorts lang?

  "Good morning, Dee!"  

I gulped at iniwas ko sa katawan niya yung mata ko."Anong good sa morning, e, ikaw kaagad nakita ko?" 

Ngumuso siya. "Ayos ka, a! Nagising na nga ako nang maaga para maipagluto ka ng breakfast tapos ganyan sasabihin mo sa'kin?"

"'To naman, di na mabiro. Makikikain ako, ha?" Tumawa lang siya at ginulo yung buhok ko.

"Opo, Ma'am. Malapit na 'to."

Pinanood ko si Bryan habang nagluluto. Ang haba ng hair ko, pinagluluto ako ng isang artista. Aminin ko man o hindi natutuwa na talaga ako sa kanya. He knows how to treat a girl well.

Mayamaya, hinain niya na yung niluto niya—fried rice, hotdogs, omelet, at bacon.

"C'mon, dig in!"

 "Alright!"

Galit-galit na nung nagsimulang kumain. Walang usap-usap! Ganun ba kami ka-gutom? Naubos ko na yung unang plate nung naalala kong di pa nga pala ako nagpapasalamat kay Bryan.

"Uy, Bryan, salamat sa pagluluto."

"Wala yun. Thank you din for letting me stay here." Tumunog ang phone ko. Message galing kay Desi, hindi na raw siya dadaan ng bahay dahil may dala naman daw siyang uniform. Naki-tsismis pa ang bruha. Totoo raw bang nag-kiss kami ni Bryan kahapon. Baliw talaga yun! Di

ko na lang pinansin. Nireplyan ko lang ng "Okay. " 

"Sasabay na ako sa'yo, okay lang? Diretso na raw si Desi sa school, e."

"Okay. But I need to drop by my house, ha? Wala akong dalang damit, e. Quick bath lang naman."

"Okay."

I'm glad that we're starting to get comfortable with each other. Mahirap magpanggap na mag-boyfriend kung naiilang pa rin kami sa isa't isa. Pagdating sa bahay nila, I decided to stay in the car (na buti naman at nag-start na) at nag-check na lang ng Twitter and Facebook to kill time. Thank God for mobile internet!

Trends #TwoThingsThatDontMixWell Bryan and Daniella #ThankYouJesusFor

Bryan Lim #IfYouKnowMeYouKnowThat Daniella Alvarez #tweetliketheoppositegender #KathNielTheBestLoveTeam

Huh? Ano 'to? Bakit trending kami?

"Syeeeeeeeeeeeettt!"

Saktong pabalik na si Bryan sa kotse nung sumigaw ako dahil sa inis.

"O, ano na namang problema mo?" "E kasi..."

Di ko natuloy yung sasabihin ko dahil pagtingin ko sa kanya, shemay, ang guwapo niya, bagong paligo!

"Ano nga?"

Napalunok muna ako bago ako nakasagot. "E kasi trending tayo sa Twitter."

"Akala ko naman kung ano! Ikaw talaga. Masanay ka na. Boyfriend mo na ang hottest bachelor in town."

"Hay, di ko naman pinangarap 'to, no!"

"Wag mo na lang tingnan para di ka maapektuhan."

E dahil matigas ang ulo ko at curious din, chineck ko pa rin yung mga tweet.

@mynameisellaine: Oh my god! @ BryanLimOfficial is so sweet! @daniella_ alvarez you're the luckiest girl!

Bryan Cedric Lim

@BryanLimOfficial

1, 213 tweets | 24 following | 13,703,902 followers

What the hell! 13 million! That's crazy! Okay, sige na, ikaw na ang sikat, Bryan Lim.

Magsa-signout na sana ako nung nahagip ng mata ko ang most recent tweet niya.

@BryanLimOfficial: Cooked breakfast

for @daniella_alvarez Eat well, baby. :*

Oh my God! Kaya naman pala kami trending! Ano bang pinaggagagawa nitong si Bryan?

I scrolled down and read his old tweets.

@BryanLimOfficial: Hahaha! @daniella_alvarez just told me to shut the hell up! Are you getting annoyed with me, baby? Sorry :( I love you!

@BryanLimOfficial: Here at @daniella_alvarez' house! Doing some paperworks ;)

@BryanLimOfficial: A moment, a love, a dream. A kiss, a smile, our rights, our wrongs.

@daniella_alvarez I love you!

@BryanLimOfficial: @daniella_alvarez

I'm yours and you are mine.

@BryanLimOfficial: Call me Dee.

Hindi ko alam kung anong magiging reaction sa mga nabasa ko. Nagulat ako nung biglang agawin ni Bryan yung phone ko.

"Hey, give me back my phone!"

"Sabi nang wag ka nang mag-Twitter, e!"

"E kung di ako nag-check, hindi ko pa makikita yung mga post mo dun! Baka gusto mo na ring mag-explain. Ano yung mga tweet na yun, ha?"

Binawi ko yung phone ko kay Bryan and checked my own account. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

"40, 370 follower requests? Ako?! Ifa-follow ng ganun karami?"

He scratched his head. "First of all, tinweet ko yung mga bagay na yun para maging convincing yung relationship

natin. The fact that you have a private profile makes it safe." "Di mo naman kailangan i-accept 'yang mga 'yan."

"Sorry, hindi lang talaga siguro ako sanay."

He smiled. "Okay lang yan. I'll make sure you won't get harassed naman."

"By the way, today na lalabas yung newsletter, right?" "Yep. Nabasa mo na ba yung article ko about you?" "Oo. Sobrang build-up ginawa mo dun, a. Thanks, babe!"

Ano daw? Babe?

"Yan ka na naman, e! Babe? Ayoko nun!"

Tawagan namin ni Erick yun so ayokong maalala siya everytime tatawagin ko si Bryan.

"Ano gusto mo?"

"Hindi ba puwedeng Bryan at Daniella na lang?" "Tingin mo ba maniniwala sila sa atin kung ganun lang?"

"Iba na lang, basta wag babe. Ang common masyado. Mag-isip ka pa."

"Sige na nga. Ano ba, honey, sweetheart, baby, boo, bebe?"

"Ambaduy mo!"

"Ano ba kasing gusto mo?" Nag-isip siya saglit. "A, alam ko na!"

"Ano?"

"I'll call you wifey...and you'll call me hubby."

Ang Boyfriend Kong Artista. [Published book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon