29. Daniella
Mahaba-haba rin ang nangyaring discussion, palitan ng opinion, hanggang sa nagkasundo kami sa huli. Nagprint ako ng two copies. Bago namin pirmahan, binasa ulit namin yung contract.
"O, nakapag-sign na ako. Ikaw naman."
"Teka, puwede bang wala na lang yung intimacy clause?"
"Tingin mo gusto ko yun?"
Gusto ko sanang sumagot ng Oo pero mapapahaba lang lalo ang usapan.
"Oo na, payag na."
May shake hands pang nalalaman 'tong si Bryan after ng signing. Parang business meeting lang, a! After that, we had dinner. Buti nagluto si Desi bago umalis.
"Sige, Dee, uwi na ako. Eight o'clock na pala." "Sige, hatid na kita sa labas."
Nag-cr lang siya sandali tapos nung palabas na kami ng gate, umuulan pala nang malakas!
"Bye, Bryan! Ingat na lang sa pagda-drive." "Bye, Dee!"
Ang kaso ayaw mag-start ng kotse niya! Mayamaya, nagbaba siya ng window.
"O, anong problema?"
"Di ko alam, e. Ayaw na lang mag-start." Bumaba na si Bryan sa sasakyan.
"So, anong gagawin natin?"
"Kaya mo bang tiisin na sumugod sa ulan ang isang Bryan Lim?"
Binuksan ko agad ang TV pagkapasok namin ng bahay. May bagyo nga raw, Signal No. 8.
IS THAT EVEN POSSIBLE????????????
"O, ayan, ha, news na ang nagsabi. Everyone is advised to stay indoors."
"Oo na, wala naman akong choice kundi patulugin ka rito, di ba? Wag na wag mo lang makukuwento ito sa iba kundi malalagot na naman tayo. Lalong-lalong di puwedeng makarating 'to kay Mama."
"Baka ikaw dyan ang magkuwento. Imagine, a celebrity spent the night in your house."
Isa pang hirit nito papalayasin ko na talaga!
"Uy, joke lang, ha. Mukhang napipikon ka na naman. Don't worry, wala akong masamang gagawin sa'yo. Kahit sa sofa na lang ako matulog."
E, baka nga ako ang may magawang masama sa'yo! Oh no, ano ba 'tong naiisip ko? E kasi naman, naghubad ng polo and his undershirt was a bit wet, kumapit lalo tuloy sa katawan niya. Ano ba yan, Daniella, tumigil ka nga!
"Ikaw bahala. Just a warning though, malamig dito sa baba pag maulan."
"Okay lang, kaya naman siguro."
"Sa room ka na lang ni Desi. Ay, wait, nagla-lock nga pala yun pag umaalis."
"Okay lang talaga, promise."
Na-guilty ako pero what can I do? Di naman kami puwedeng mag-share ng bed. Kukurutin ako ni Mama nang pinong-pino sa singit pag ginawa ko yun.
"Sure ka?"
"Oo. Sige na, umakyat ka na. Okay lang ako." "Sabi mo, e."
Umakyat na 'ko sa kuwarto ko para mag-shower. Pagkatapos, humanap ako ng damit ni Kuya Prince na puwedeng magamit ni Bryan.
"O, eto, magpalit ka ng damit."
Nagpasalamat siya sa akin at parang wala lang na naghubad ng shirt sa harapan ko.
"Hoy, ano ba!" sita ko sabay takip ng mata. "Problema mo?"
"Wag kang magbihis sa harap ko! Sa CR ka magbihis!"
Tumawa lang siya at pumasok na ng CR. Paglabas niya, muntik malaglag yung panga ko. Simpleng shirt at pajamas lang pero ang hot niyang tingnan!
"Dee?"
"Bakit?"
"Why are you staring at me?"
"Tse! Hindi kita tinititigan, no! Tinitingnan ko lang kung sakto ba sa'yo yung damit ni Kuya para kung hindi mahanapan kita ng iba! Magkaiba yung tinitingnan sa tinititigan. Dyan ka na nga, matutulog na ako. Good night."
Tinalikuran ko na siya at dali-daling umakyat. Habang paakyat ako, nagpahabol pa siya ng "Good night, Dee. Dream of me..."
Pinilit kong matulog kaagad. 15 minutes... 20...
30... 40... 1 hour! Hindi talaga ako makatulog! Inaatake na naman ako ng insomnia! Naisipan kong bumaba para uminom ng gatas. Baka sakaling makatulog na ako after. Pagbukas ko ng pinto, si Bryan ang bumungad sa akin.
"Bryan? Anong ginagawa mo rito?"
"Dee, di ko na kaya..."
"Anong sinasabi mo?"
Hinawakan niya yung kamay ko. Ang lamig-lamig ng kamay niya!
"Ang lamig sa baba. Puwede bang dito na lang ako matulog, please?"
"No way! Mapapagalitan ako!"
Pero mukha naman siyang hindi nagloloko. Nanginginig talaga siya.
"Please, Dee. I need you to keep me warm." Binatukan ko nga! Wrong choice of words. Kung di
lang ako naawa, naitulak ko na ito sa hagdan.
"Sige na, dito ka na. Pasalamat ka mabait ako." "Thanks, Dee."
Sabay kaming napatingin sa floor. Gets ko naman agad ang iniisip niya. Tutal naman dito na rin lang siya matutulog
sa room, nilubos ko na ang pagmamagandang-loob ko. "Sige na, share na tayo dito sa bed. Malaki naman 'to, kasya tayong dalawa."
"Ha? Wag na, nakakahiya." Umubo-ubo siya pagkatapos. Kahit inisip kong drama lang yun, natakot ako na baka totoo rin.
"Hoy, dito ka na. Wag ka nang mag-inarte dyan. I trust you naman."
"Sure ka?"
"Oo. Dali na, bago pa magbago ang isip ko."
Sabay kaming humiga. At pareho ring di makatulog so tahimik lang kaming nakatingin lang sa ceiling.
"Dee..."
"O?"
"Tulog na tayo."
"S-sige." Tumalikod ako sa kanya.
Mayamaya, naramdaman kong yumakap siya sa akin. "Uhm...Bryan...what are you doing?"
"Ssshhh. Pareho tayong nilalamig, di ba? Wala naman tayong gagawin more than this. Sleep na tayo?"
How could he say that in the most casual way? Argh. Samantalang ako mas lalo yatang nanigas sa kaba sa pagyakap niya.
Okay, Daniella, relax, it's just a hug.
"Good night, Dee." "G-good night, Bryan."