Chapter 67. [Together Again]

281K 4.7K 432
                                    

67. Daniella

Nakatayo ako ngayon sa harap ng puntod ni Papa. Mag-isa lang ako sa sementeryo pero wala akong nararamdamang takot. Siguro kasi punung-puno ang dibdib ko ng sakit.

"Dad, miss na miss na kita. Alam ko masaya ka na dyan, tahimik na. Dalawang taon na rin pala simula nung iniwan mo kami. Hanggang ngayon iniisip ko, sana hindi ka na lang pumasok nung time na yun. Hindi ka naman dapat nag-report nun, di ba? Sana hindi mo na lang pinilit pumasok sa bahay nina Bryan. Si Bryan, Pa, boyfriend ko. Minahal ko yung taong dahilan kung bakit may party sa bahay na yun two years ago, yung party kung saan nagkaroon ng sunog. Pa, tell me, tama bang magalit ako sa kanila? Kasi, kung hindi dahil sa party na yun, hindi ka mawawala sa amin. Ang sakit-sakit, Pa, pero hindi ko alam kung sinong dapat sisihin o kung may masisisi nga ba ako."

Nagpunas ako ng luha at hinawakan yung lapida ni Papa.

"Walang may gusto ng nangyari, Dee." Lumingon ako. Si Bryan.

"Hindi nga siguro tamang manisi ako, Bry, pero hindi rin masamang maramdaman ko ito."

"Hindi naman kita pinagbabawalang maramdaman yan, Dee. Kaya nga ako nandito. Gusto kong malaman mo that I share your pain."

"I think hindi na dapat pang ituloy ang relasyon na ito."

"Dee, please don't say that. Hindi solusyon ang paghihiwalay."

"What then?"

"Let's help each other move on and let go of the past. Kelangan nating tanggapin na may mga mangyayari out of our control. Alam kong hindi madali. Pero kaya nga nandito tayo para sa isa't isa. Tingin mo ba, matutuwa sila kung masisira tayo dahil sa nangyari? Gusto mo bang itapon nang ganun-ganun na lang yung pinagsamahan natin? Wag mong sarilinin yung sakit na nararamdaman mo, gusto kong kasama mo akong harapin yan."

Yumakap ako kay Bryan at umiyak nang umiyak. Tama siya, hindi namin makokontrol ang lahat ng bagay sa buhay. At mali na makipag-break ako sa kanya dahil sa nalaman ko kanina.

"I'm sorry, hubby. Hindi ako dapat nagalit."

"So hindi ka na makikipag-break sa akin, ha? Tayo pa rin?"

"Hindi na. Sorry ulit."

"Sabagay hindi rin naman ako papayag na makipaghiwalay ka sa akin. Nasa akin na ang prinsesa, pakakawalan ko pa ba?"

Napangiti naman ako dun.

"Salamat sa pag-intindi. At oo, hinding-hindi tayo maghihiwalay, I promise. I love you, Bryan."

"I love you, too, Dee. Don't ever forget that." He leaned down, cupped my face, and kissed me.

Ang Boyfriend Kong Artista. [Published book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon