Chapter 22. [Man of the Hour]

354K 6.6K 346
                                    

22. Daniella

Monday, pumasok ako nang maaga para maipasa ko na yung article. Sa Friday pa naman yung deadline pero ibibigay ko na tutal tapos na rin naman.

"Daniella!" Si Andie, hingal na hingal pero ngiting-ngiti pa rin.

"Anong nangyari sa'yo? At saka parang ang saya mo yata?"

"Lalabas na kasi yung results ng auditions sa cheerleading team. Sana makapasok ako!"

"Ay talaga? Goodluck, bes! I'm sure you're in. Sige, punta lang muna ako sa moderator namin. Kita na lang tayo mamaya."

"Thank you, bes. See you later."

Nagmadali akong maglakad papunta sa office ng writer's club. Nadatnan ko sa waiting area si Bryan.

"Uy! Ginagawa mo rito?"

"Ipapasa ko lang 'tong photos. Ikaw?"

"Magpapasa na rin ako ng article. Nandyan na si Madam?"

"Wala pa. Iiwan ko na lang siguro ito sa table niya." 

"Sige, ako rin."

Palabas na ako ng office nung mapansin kong wala pang balak umalis si Bryan.

"Hindi ka pa pupunta sa classroom?" 

"Hindi. Ang aga pa kaya."

"Ah."

Teka, ano bang pakialam ko kung mag-stay siya dun?

"Sige, Bryan, una na 'ko."

Nakaka-ilang steps pa lang ako nung marinig ko uli ang boses niya.

"Bryan Lim, The Man of the Hour.' He's popular and he's out to prove he's more than just good looks. Get to know this extremely talented guy—"

Nagmadali akong pumasok uli sa office. Hawak-hawak nga ni Bryan yung article.

"Akin na yan! Ano ba!"

"Chine-check ko lang, baka kung anu-ano sinulat mo dito, e!"

"Kelan ka pa naging editor-in-chief? Akin na sabi yan, e!" Pinilit kong agawin sa kanya yung papel. E kumusta naman yung height ko sa height niya. Itinaas niya lang nang konti yung kamay niya di ko na abot.

"He loves reading books...He's also fond of animals—"

"Tama na, please! Basahin mo na lang pag published na. In the meantime, akin na muna yan!"

"Ibibigay ko kung maaabot mo."

So wala akong choice kundi gamitin ang last weapon ko: charm.

"Bryan? Bigay mo na sa'kin yan please?" Nag-puppy dog eyes pa ako sa kanya.

Nakakakilabot 'tong pinaggagagawa ko pero wala, e, kelangan!

"Pretty pretty please?"

Ayan, ibibigay na niya. Unti-unti nang ibinaba yung kamay. Nung nakita niyang nakangiti na ako, bigla ba namang itinaas uli yung kamay!

"Ewan ko sa'yo." Tinalikuran ko na siya para umalis. Baka hindi na talaga ako makapagtimpi at kung anong magawa ko sa inis ko.

"Uy, sorry. Eto na."

"Wag na, sige na, suit yourself."

"Eto na nga, o." Tiningnan ko siya, mukha namang sincere. Kaso, nung kukunin ko na yung article ko, bigla na naman niyang itinaas yung kamay niya. Pero hindi masyadong mataas, sa tantiya ko kaya kong abutin. So sa sobrang desperation, tumalon ako to reach his hand. Pagbagsak ng paa ko sa sahig, na-off balance ako. Si Bryan sa sobrang gulat at taranta, natumba rin.

So, ayun, nadaganan ko siya. Yes, Bryan and me, in that awkward position.

Pareho kaming nagulat at di nakagalaw agad. "Sorry." Dali-dali akong tumayo at nag-ayos ng sarili.

"Ang kulit mo kasi, e."

Sasagot pa sana ako na siya naman ang may kasalanan pero narinig naming may sumarang pinto. Nagkatinginan kami ni Bryan.

Ang Boyfriend Kong Artista. [Published book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon