Epilogue
After 6 years...
"Thank you, miss!" sabi ko sa babaeng nagpapirma sa'kin. Kanina pa ako hindi mapakali. Napatingin ako sa watch ko.
3:00 p.m.
Bakit ganun? 3:00 p.m. na pero wala pa siya? He should be here by now, yun ang sabi niya kagabi. Kanina pa ako worried na may hindi magandang nangyari.
Stop it, Daniella! Wag nega, okay?
"Idol na idol ko po kayo when it comes to writing. Kayo po ang inspiration ko."
I smiled at her.
"Keep writing, keep going. Find inspiration in everything. And, you know, you'll never go wrong if you write from the heart."
"Thank you po sa tip. Sana po magsulat pa kayo ng marami pang books. Nice meeting you po uli."
She smiled and walked away. Tumaba naman ang puso ko dun. Nakakatuwa, marami rin palang nakaka-appreciate ng writing ko. Kaya kahit medyo pagod na, hindi ako nagsasawang
300 301
ngumiti, makipag-usap, at magbigay ng advice sa mga lumalapit.
"Hi, Daniella!"
I looked up to see kung sino yung bumati sa akin. Napatayo agad ako nung nakita ko sila.
"Andie! Allison!"
Nagyakap kami. Grabe, napasigaw ako dun, a!
"We won't interrupt you. We'll just wait for you sa likod."
"Okay. Be with you later. Teka, nasaan yung partners n'yo?"
"Here we are!"
Inabutan ako nina Erick at Kevin ng flowers. Tinukso ako as usual, sikat na raw ako. Tinaboy ko muna sila. Nakakahiya sa mga nag-papasign, e. Mamaya na kami magkukulitan. Na-miss ko yung mga yun. Suddenly, parang high school lang uli kami.
Bumalik ako sa upuan at nagpatuloy sa pagsa-sign. Ang bilis ng panahon. Anim na taon na ang nagdaan, marami na ring nagbago.
Kasal na sina Allison at Erick. Pareho silang nagtapos ng Business Ad. Nagtayo sila ng business na sobrang successful na ngayon. May anak na rin sila, twins. Sina Andie at Kevin naman going strong. Si Andie naging news reporter, si Kevin nagtayo ng dance studio at dance school for kids. Sina Tyler at Princess, nagkabalikan naman. Si Princess artista pa rin at madalas nang makuha for major roles. Si Tyler busy sa pagma-manage ng sarili niyang restobar.
Ako? I took Journalism in college. Ngayon, eto, freelance writer. Sabi nila noon wala akong mapapala sa pagsusulat pero hindi ako nakinig. And I'm glad I chose to follow my guts. I'm happy where I am now. Hindi financially rewarding ang writing but I'm more than happy I chose this path.
Asan ka na ba, Bryan? Don't make me worry, please.
Narinig kong may nagsigawan sa loob ng bookstore. Biglang tumalon ang puso ko.
Tumayo ako. "Brya--"
"Hi, Daniella! Sorry, na-late kami."
Akala ko si Bryan na. Lumapit sa'kin si Princess at bumeso. Sumunod si Tyler who handed me a bouquet.
"Okay ka lang?"
"Yeah, oo naman."
Ngumiti ako at umupo ulit. Nakalimutan kong di lang pala si Bryan ang artistang kilala ko. Tiningnan ko ulit yung watch ko.
Alam ko twenty minutes pa lang ang nakakalipas, pero ewan, di ko mapigilang malungkot.
Baka ayaw nga talagang magpakita sa'kin ni Bryan. After dinner with Andie and the gang, umuwi na ako. I don't feel well. Hindi lang dahil sa pagod. Mas lalo dahil hindi ako sinipot ni Bryan.