Chapter 2. [Stranger in Town]

984K 14.2K 3.5K
                                    

2. Daniella

Hinalikan niya ako. Hinalikan niya ako. Hinalikan niya ako. Hinalikan niya AKO?

"Ba't mo ako hinalikan?" sigaw ko dun sa mamang stranger na guwapo. Halikan ba naman ako? Oo, sa cheeks lang, pero kahit na!

Tumawa yung mamang stranger, tapos nilapit niya yung mukha niya sa'kin.

Hahalikan na naman ba ako nitong mokong na 'to? Teka, teka, ano bang problema nito?!

Tinakpan ko yung bibig ko, pero tinanggal niya rin yung kamay ko. Manyak 'tong lalaking 'to, a! Heeeeeeeeeelp! Pero walang dumating na tulong, kaya pumikit na lang ako.

Bigla niyang pinitik yung ilong ko at saka tumawa nang tumawa.

Baliw? Napahiya ako, ha!

"Bakit ka ba tumatawa dyan? Manyak!"

"Ako? Manyak? Baka ikaw! May nalalaman ka pang papikit-pikit dyan, e. Hahahaha!"

Masasapak ko 'tong lalaking 'to.

"Bakit mo ba ako hinalikan, ha?" Pinagpapalo ko siya sa sobrang inis pero balewalang pumasok siya sa isang kuwarto, at aba, pinaglockan ako!

"Hoy, bakit mo nga kasi ako hinalikan?"

Pero di pa rin niya ako pinagbuksan ng pinto. Napaupo na lang ako dun sa may gilid, hawak yung lips ko. Di ko alam kung bakit sobra akong affected sa halik nung lalaking yun. Siguro kasi, naalala ko yung first kiss ko. With Erick.

First monthsary namin, nag-decide kami ni Erick na pumunta sa MOA para mag-celebrate. Sa may seaside kami nun, pahangin, foodtrip. Tapos out of the blue, niyakap niya ako.

"Baby ko, alam mo, di ko pa 'to nasasabi sa'yo, pero masaya ako kasi nandito ka sa tabi ko. Mahal na mahal kita. Mahal mo rin ba ako?"

Tiningnan niya ako. Yung tingin ng isang tao na mahal ka talaga.

Tiningnan ko siya tapos hinawakan yung pisngi niya, "Mahal na mahal rin kita, baby ko. 'Wag tayong maghihiwalay, ha?"

Hinawakan niya yung pisngi ko. Tapos, nilapit niya yung mukha niya sa'kin. Napapikit ako, tapos naramdaman ko na lang yung lips niya sa lips ko. Napadilat ako at nakita siyang nakangiting nakatitig sa akin.

"Ang cute mo talaga! I love you, Dani!"

Nakakainis. Sinira mo lang ang lahat, Erick.

Bigla kong narinig yung pinto na bumukas. Nagulat siya nang makita akong nakasalampak sa sahig.

"Uh, Miss? Umiiyak ka? Shit. Wag kang umiyak! Hinalikan lang kita kasi ang ingay mo."

Umiiyak na pala ako. Hindi ko napigilan, napayakap ako sa kanya.

"B-bakit ganun? Ang sakit-sakit. Ang sakit-sakit..." 

"Miss, are you okay?"

Nakayakap pa rin ako sa kanya nung maalala kong hindi ko pa pala kilala 'tong lalaking 'to. Naitulak ko tuloy.

"Sawa ka na agad sa yakap ko?" sabay ngiti nung stranger. Ang cute ng ngiti niya. Parang bata. Inabutan niya ako ng panyo . Napangiti ako kahit papaano.

"Thanks pala, ha? Kahit isa ka din sa may kasalanan kung bakit ako umiyak."

"Nyek. Ako pa sinisi mo? Ayos ka rin, no? Bakit ka ba kasi nandito sa bahay ko?"

Aba, naghahanap ba 'to ng away?

"E, kasi, may narinig ako sa bahay na 'to. Ang alam ko kasi abandoned house 'to, may nakatira na pala."

Pinagmasdan ko siya at na-realize kong kahawig niya si Harry Styles ng One Direction. May pagka-Lee Jong Suk rin siya. Ang gwa-- stop it, Daniella. Iniwas ko na lang yung tingin ko sa kanya.

"B-bakit ka ba kasi nandito?"

"I used to live in the US. My parents sent me here to study. Instead of buying a new house, ipina-renovate na lang nila 'tong bahay ni Lola."

"Ah, okay." 

"Siya nga--" 

"Ay, nga pala--"

Sabay pa kaming nagsalita.

"Ako na nga ang mauuna. I'm Bryan. Ikaw?" 

"Daniella."

"Nickname?"

"None. Just...just Daniella."

Meron. Dani. Pero ayokong magpatawag sa ganung name dahil si Erick ang tumatawag nun sa'kin. May kung ano na namang kumurot sa puso ko.

"Saan ka pala nakatira?"

"Sa may kanto lang. Sige, bye." 

"Teka hatid na kita--"

"Thanks, but no thanks. Bye." Tumayo na ako at lumabas ng bahay. Medyo naluluha na kasi ako, e. Bwiset na Erick yan.

Papasok na ako ng bahay namin nung na-realize ko na hindi ko pala naibalik yung panyo na ipinahiram ni Bryan. Bukas na lang.

"Mama, andito na po ako." Inilapag ko lang yung bag ko tapos kumuha ng food sa ref.

"Uy, anak, hinihintay ka pala ng kapatid mo. Nasa terrace siya, puntahan mo."

"Sige po, Ma."

Ano na naman kayang balita nitong Desiree na 'to?

Si Desi, younger sister ko. Fourth year high school ako, siya, third year. Pero mas mature siya sa 'kin.

"Hi, sis!"

Umupo ako sa tabi niya.

"Okay ka lang?" Halata sa mukha niya yung worry. Alam na yata niya, e. Bilis ng balita.

"Sus. Sa tingin mo? Teka, paano mo nalaman?" 

"E, di sa text. Nag-GM si Allison."

Kinuha ko cell ni Desi tapos binasa yung GM. That bitch. Ipagkalat ba namang nasulot niya boyfriend ko? Okay, ex na ngayon.

"Epal talaga yang babaeng yan. Kapal ng mukha!" 

"Hayaan mo na. Ang importante, e, kung ano ang mangyayari bukas. Siguradong talk-of-the-town ka na naman."

"Paki ko sa kanila." "Ikaw talaga, o."

"Adik ka ba, Desi? Anong magagawa ko, e, sila na? Magmo-move on na lang ako."

Nagulat ako nang bigla akong niyakap ni Desi. Niyakap ko rin siya. Kaya mahal ko 'tong kapatid ko na 'to, e.

"Kaya mo yan, Ate. Andito lang ako." 

"Salamat, sis."

"Ay, oo nga pala. Waaaaaaaaaa!" 

"O, napano ka?"

"Sa school na pala natin mag-aaral si Bryan Lim! Shit! Shit!"

Uhm, sino yun?

"Sino naman yun?"

"Haller! The hottest singer, dancer, actor, and model in US!"

"Bakit alam mo?"

"Ano ka ba, fan niya ako, no! Waaaaaaa! Sabi sa news, kaya mag-aaral yun dito dahil gusto ng parents niya na ma-experience niya kung paano mabuhay dito sa Pinas."

"A, okay."

Ay, wait. Bryan din yung lalaking na-meet ko kanina, di ba? Hindi kaya siya rin yung Bryan na tinutukoy ni Desi na sikat na celebrity sa US? Hala. Hindi naman siguro.

Ang Boyfriend Kong Artista. [Published book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon