3. Daniella
"OMG! Si Bryan!"
"Totoo pala yung news!"
"Oo nga, e. Fourth year na nga raw." "Shucks, suwerte natin!"
"Magiging akin siya!" "Hindi, no. Akin siya!" "Letse, akin siya!"
Kakarating ko lang dito sa campus yan agad yung mga narinig kong bulong-bulungan. Sikat yata talaga yung Bryan. So? Haha. Feeling ko, hindi yung na-meet ko kahapon yung artista. Ampangit nun, e. Hahahaha.
Joke. OO NA, GUWAPO NA KUNG GUWAPO. Biglang may humawak sa braso ko.
"Huy!"
"Oy, bes! Ano ba, nagulat ako sa'yo!"
Nag-hug agad kami. Na-miss ko din 'tong si Andie, e. Naglakad kami papuntang bulletin board para i-check kung anong section namin. Kuwentuhan lang about our summer nang biglang naungkat yung topic na ayokong pag-usapan.
"Bakit puffy eyes mo, bes?" "Ha? Wala. Napuyat kasi ako."
"Aysuuus, pati sa bestfriend mo magsisinungaling ka pa. I know you, Daniella. What's bothering you?"
Umamin na rin ako kay Andie tungkol sa nangyaring break-up.
"What the fuck! Ginawa niya yun? For real? Why?" Alam kong nagtitimpi pa siya ng galit. Alam niya kasing first boyfriend ko si Erick, e. Siya pa nga yung
nagpakilala sa amin. Magpinsan kasi sila.
"Ewan ko sa pinsan mo. Ansakit." Napa-buntonghininga na lang ako.
Niyakap na lang ako ni Andie at tinapik sa likuran. "Kaya mo yan, bes. Maghanap ka na lang ng iba, okay?" Tapos ngumiti siya sa akin.
Abnormal din 'tong babaeng 'to. Para namang ang dali makahanap ng iba.
Dumating din kami sa tapat ng bulletin board. Andaming students na nagsisiksikan. May narinig na naman akong "OMG, si Bryan!" Hinanap ko yung sa fourth year. Three sections. Ayun! 4-A ako!
"Bes, 4-A ako. Ikaw?" pasigaw na tanong ni Andie. Napalayo na siya kasi andami ngang nagsisiksikan.
"Ako rin!"
Yes, classmates kami!
Tumingin ulit ako sa bulletin board, sa 4-A.
Roderick Yu. Allison Avelino.
Shit. Kaklase ko yung dalawa? Naiiyak na talaga ako. Kailangan ko munang mag-CR. Dali-dali akong umalis sa harap ng bulletin board nang---
"Araaaayyyy!"
Bumangga ako sa kung sino. Napaupo ako. Ang sakit! Tiningnan ko kung sino ang hudas na paharang-harang sa daan pero hindi ko rin nakilala dahil nanlabo na ang paningin ko sa luha.
"Hoy! Bakit ka ba paharang-harang sa daan? Di mo ba ako tutulungan? Ha?"
Mukha akong tanga, sinisigawan ko, hindi ko naman nakikita. Paano kaya kung yung principal pala 'to? Tinulungan naman niya akong tumayo. Bakit parang antahimik? Pinunasan ko yung mata ko para makita nang malinaw kung sino yung bumangga sa akin.
"Did you miss me?" "Ikaaaaaaaaaawwwww?"
Shit. Yung lalaking humalik sa'kin kahapon yung bumangga sa'kin!