Chapter 44. [A Note]

304K 5.5K 228
                                    

44. Daniella

Natapos ang free time kaya pinatawag uli kami for teambuilding activity. Si Kevin hiwalay sa amin kasi ibang section siya.

"Nakaka-miss siya," sabi ni Andie.

"Magkikita naman kayo mamaya. Sagutin mo na kasi." Pinanlakihan niya ako ng mata.

"Ayoko pa! One day pa nga lang siyang nanliligaw. Maghirap naman siya, no. Bakit ikaw, sasagutin mo na ba si Bryan?"

"Kami na naman, di ba?" 

"Baliw! I mean for real?"

Naisip ko kanina, mahal ko siya, mahal niya rin ako. Bakit kelangan pang patagalin, di ba?

Sure naman na kami sa isa't isa. "Siguro bukas?

"Ang bilis, a! Pero in full support ako sa'yo, bes! Kilala mo naman na si Bryan, e. Ako, ewan ko pa."

After ng activity, nag-dinner kami tapos pumunta na sa kanya-kanyang rooms. Awkward moment na naman with Nikki around. Paglabas ko ng bathroom, may iniabot si Nikki sa akin na letter. Nagtaka ako kung para saan.

"Wag ka nang magtanong. Open it." She smiled at me. Napangiti ako pagkabasa ko ng letter. Eto talagang si Bryan.

"Paano pag—"

"Ako na bahalang magdahilan for you pag nag-bed check."

I smiled. Mabait naman pala 'tong si Nikki, e. "Thanks, Nikki."

"No prob. Go! Ingat ka na lang."

Kinuha ko yung flashlight ko from my bag. Buti na lang, lagi ko 'tong dala tuwing may overnight trip. Dahan-dahan akong lumabas ng room. Pagtapat ko sa isang lamp post, di ko napigilang basahin uli yung letter.

Dear Wifey,

Meet me at the tree house. Keep calm and sneak out. I love you, Daniella Noelle Alvarez.

Bryan

Ano kaya 'tong pakana ni Bryan na 'to? I feel so giddy, halos madapa ako sa kakamadali.

Kinabahan ako na ewan. I don't know what to expect. Bahala na. One thing is for sure.

Tonight will be special.

Ang Boyfriend Kong Artista. [Published book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon