56. Daniella
"Wag kang malikot."
"Dahan-dahan lang."
"Okay, sorry. Ganyan lang talaga. Pag nag-numb na dahil sa lamig, okay na yan."
"Okay na. Sige na."
"Now you answer my question, how did you know my name?"
"I'm Tyler Lim. Bryan's brother."
Bryan has a brother? Bakit never niyang na-mention sa akin? Kaya pala may hawig sila ni Bryan!
"Daniella?"
"I didn't know na may kapatid pa pala siya bukod kay—"
"Kapatid ko rin si Bettina. Half-brother namin si Bryan."
"Kilala mo na ako even before we met?"
"I've heard a lot about you. Sa news, sa social networks. Nung nagkita tayo sa hallway, alam kong ikaw yung girlfriend ni Bryan. And I asked for your name publicly para asarin si Bryan. Alam ko kasing magseselos siya."
240 241
"And I've found out, what he said is true."
"What did he say?"
"That you're beautiful."
Binigyan ko siya ng tipid na ngiti.
"Know what, it's better if we look for a place to eat saka tayo magkuwentuhan. You okay with that?"
"Sure."
"My treat since binigyan mo ako ng first aid."
"No. Ako nga dapat kasi--"
"I insist. Tara na!"
Kuwentuhan kami habang kumakain. Komportable agad kami sa isa't isa, parang matagal na kaming magkakilala. Mayamaya, napunta sa lovelife ang usapan. Umamin siyang hindi lang iisa ang girlfriend niya ngayon.
"What?"
"Guwapo, e. Sila naman may gusto." "Ewan ko sa'yo. You're wasting your time."
"Wasting my time? I'm living the life! I'm making the most out of it!" Tapos tumawa siya nang tumawa.
"Siguro nasaktan ka na dati kaya ka ganyan." "What are you saying?"
"Sabi nila, hurting people hurt people. So ano nga? May nanakit sa'yo, no?"
"I'll tell you but I would have to kill you."
"Of course you won't do that. Kaya sige na, spill it."
"You seriously wanna know?"
"Oo nga. I can be trusted naman. Kung ayaw mo okay lang din. Na-curious lang kasi ako. At babae ako, I feel for the girls na pinagsasabay-sabay mo."
"Sige. Let's have coffee."
Humanap kami ng isang corner sa coffee shop para mas private.
"So, anong nangyari?"
"Someone played with me. Minahal ko siya pero pinaasa niya lang ako. She's beautiful, smart, fun to be with, lahat ng puwedeng magustuhan ng isang lalaki sa isang babae. I courted her for almost a year. Ganun katagal. Pero walang pinuntahan. Apparently, she likes someone else."
"O tapos?"
"Nung sumuko na ako sa kanya, siya naman ang lumalapit. Nate-tempt akong balikan siya pero natatakot din akong saktan niya ulit."
"Puwede mo siguro siyang bigyan ng chance. Baka naman nagbago na at na-realize niya na ayaw ka niyang mawala. Malalaman mo naman siguro kung sincere siya."
"Ewan ko. Mahirap mag-take ng risk." "Pag-isipan mo na lang mabuti."
Mayamaya lang, nagyaya na akong umuwi. Bago kami maghiwalay, inextend ni Tyler yung kamay niya.
"Friends?"
242 243
Tinanggap ko naman. "Friends."
"Hingin ko pala number mo, Daniella." "Sure."
I showed him my phone. Kinuha ko na rin number
niya.
"Got it! Thanks!"
"No prob. I'm gonna have to go ahead, ha? Baka hinahanap na ako sa bahay."
"Alright. Nice bumping into you." "Same here. Bye!"
Nakarating na ako't lahat sa bahay wala pa ring Bryan na nagpaparamdam. So I decided na kung hindi siya ang magpaparamdam, ako na lang. I will visit him sa shoot. Baka kung anong kalokohan na ang ginagawa ng lalaking yun. I called up Tyler para samahan ako.
"Hello?"
"Hi, Tyler! This is Daniella." "Hey, what's up?"
"May gagawin ka tomorrow?" "Wala naman. Bakit?"
"I was thinking of giving Bryan a surprise visit sa shoot. Puwede mo akong samahan?"
"Sure. What time?"
"I'll be ready at 8:00 a.m."
"Okay, I'll pick you up at 8, okay?"
"Okay. Thanks much!" "No prob, basta ikaw." "See you. Bye!"
"Bye!"
Magluto kaya ako ng lunch for Bryan bukas? Wait, ba't ba ako concerned masyado sa kanya? Samantalang siya hindi man lang ako maalala. Wag na lang pala!