Chapter 53. [Cheesy]

282K 5K 292
                                    

53. Daniella

After the basketball game, lumipad palabas ng bansa si Bryan for a movie project. Two days pa lang since I last saw him pero miss na miss ko na siya. Chineck ko yung phone ko. Wala pa ring tawag o ano since yesterday. Kahit tweet wala. Nase-senti tuloy ako lalo. Sobrang busy niya siguro.

I sighed. Binasa ko na lang yung mga tweet namin sa isa't-isa before.

@BryanLimOfficial Hi baby @ daniella_alvarez I miss you.

@daniella_alvarez: @ BryanLimOfficial Miss you more!

@BryanLimOfficial: Wish you were here @daniella_alvarez

@daniella_alvarez: Cheesy mo, @BryanLimOfficial Labyu!

232 233

@daniella_alvarez: I almost burned myself while cooking. #clumsy

@BryanLimOfficial: @daniella_alvarez

Be careful, doll. I love you. :)

Nung kay Erick hindi naman ako ganito. Ang lakas talaga ng tama ko sa hinayupak na 'to!

Romantic movie daw yung isu-shoot nila sa Korea. Wala pa yatang leading lady. Sabi nga niya sana raw ako na lang. Kung sino man maging partner niya, di naman ako nagwo-worry. Alam kong mahal niya ako and I trust him.

"Ate, come down! Si Kuya Bryan nasa TV!" "Anong meron?"

"Ininterview siya para sa movie. Magsisimula na raw sila sa shoot. Tapos ire-reveal na kung sino yung leading lady niya."

Princess Gomez ang pangalan nung leading lady ni Bryan. Pagkakita ko, nanliit ako bigla. Maganda, makinis, matangkad. Every man's dream.

Pero hindi, trabaho lang yun. Yun ang dapat kong isipin.

"Mukhang maarte. Di sila bagay," sabi ni Desi. Nabalik yung atensyon ko sa pinapanood namin. "Bryan, we all know that you have a girlfriend. Is

she okay with you being paired with Princess? There will

be a kissing scene in the movie, right?"

May kissing scene? Teka, hindi ko alam yun, a!

"She understands that it is part of my work. She's secure because she knows how much I love her."

My heart leaped pagkarinig sa sinabi ni Bryan. "Ang cheesy ng boyfriend mo, Ate."

Inirapan ko lang si Desi. Kinilig kaya ako sa sinabi ni Bryan

Ang Boyfriend Kong Artista. [Published book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon