Chapter 46. [Retreat letters]

303K 5.5K 391
                                    

46. Daniella

Hindi ako makapag-concentrate sa activity. High na high pa rin kasi ako sa nangyari kagabi. Last day na ng retreat. Medyo malungkot. Gusto ko pa kasing makasama nang matagal si Bryan.

"Class, you may now distribute your retreat letters. Soon as you receive your letters, read them silently and reflect on them. You may start now."

Tumayo ako at binigay yung retreat letters ko para kina Andie, Erick, Allison, Kevin, Lars, Yoma, at siyempre kay Bryan. Hawak ko na rin yung letters nina Mama, Desi, Kuya Prince, at Papa. Matagal ko nang hinihingi yung letter na yun ni Papa kay Mama. Sabi ni Mama makukuha ko raw yun sa right time. At dumating na nga ang right time na yun. Tumabi sa akin si Bryan at iniabot yung letter niya for me.

Tahimik kaming nagbasa. Nung letters na galing sa barkada ang binabasa ko, di ko na napigilan, naiyak na ako. Lalo pa akong naiyak dun sa letter ni Bryan. Hinawakan ni Bryan nang mahigpit yung kamay ko. Pati siya naiyak din pala.

"Bryan. . ."

"Si Mom and D-dad..."

Niyakap ko siya at hinayaang umiyak. I know he's in a lot of pain. Hindi biro ang pinagdaanan niya and I know time has not healed his wounds yet.

I took a deep breath and started reading the letters from my family. Una kay Desi then kay Kuya Prince. Next ay kay Mama. Naiyak ako sa letters nilang tatlo.

Hindi ko alam kung paano ide-describe yung naramdaman ko while I was opening Papa's letter.

"Bryan, hindi ko yata kayang basahin 'to." I started sobbing again.

"Your Papa wrote that for you. Why won't you read it? Go on. I'm here."

After much prodding, sinimulan kong basahin yung sulat.

Dear Baby Girl,

Dalaga ka na pag nabasa mo ito. (I instructed Mama to give it to you at the right time). But you will always be my little girl. Sorry kung lagi kayong iniiwan ni Papa, ha? Nalulungkot ako pag naiisip kong I work hard to safe people's lives pero kayong mga anak ko hindi ko nababantayan. Pero I know na alam mo namang ginagawa ko ito para inyong

210 211

magkakapatid. Tandaan mo, wala man ako sa tabi mo, lagi akong nandyan sa puso mo. At lagi ko kayong naaalala nina Mama.

I love you, baby girl. I look forward to the day na makakasama ko kayo at hindi na kailangang iwan pa. Mahal ko kayo nina Mama. Be a good girl, Daniella. I'm counting on you.

Love,

Papa

Niyakap ako ni Bryan. I buried my face on his chest. Feeling ko sasabog yung dibdib ko sa sakit. I miss Papa. Hanggang ngayon, ang sakit-sakit pa rin sa akin nung biglaang pagkawala niya.

"Sige lang, Dee, iiyak mo kung yun ang makakagaan ng loob mo. But bear in mind na kahit anong mangyayari, nandito lang ako."

Malapit na pala death anniversary ni Papa, September 24. Na death anniversary din ni Bettina at birthday ni Bryan.

I miss you, Papa. Sana may puwede akong gawin para makasama ka kahit saglit lang.

Hindi ko tuloy maiwasang maisip na kung sana hindi nagpunta si Papa sa US o kung hindi sana nagkasunog nang araw na yun, sana kasama pa namin siya.

Ang Boyfriend Kong Artista. [Published book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon