Chapter 32. [Coincidence]

337K 6.5K 456
                                    

32. Daniella

Parang akong masusuka sa kaba. Pa'no naman, today na yung official press interview. Ngayon na kami aamin sa "relasyon" namin.

Nasa bahay kami ngayon ni Bryan para pag-usapan yung mga dapat at di dapat sabihin sa interview. Habang para akong ie-execute na mamaya, si Bryan naman relaxed na relaxed.

"So, ready ka na for the interview?"

"Sana. Pero kinakabahan pa rin talaga ako! Ikaw, bakit hindi ka kinakabahan?"

"Silly! We have nothing to worry about, my dear. Basta tandaan lang natin yung napag-usapan natin, we're good. Relax!"

Maka-relax naman 'to, akala mo ganun kadali. I'm close to hyperventilating, my God! Kung pwede lang mag-evaporate, ginawa ko na. Ilang araw pa lang simula nung maging "kami" tapos may interview agad? Three months pa ang effectivity ng contract so marami pang interviews na ganito. Scary!

"Ano ba naman yang suot mo!"

Napatingin ako sa suot ko. Maayos naman, a! "Anong problema mo sa suot ko?"

Naka-shirt ako na may print na Winnie the Pooh saka naka-skirt.

"Kahit kelan ang baduy mong pumorma!"

"Hoy, tingnan mo nga 'yang suot mo, naka-shirt ka lang din naman, a!"

"Of course magbibihis pa ako! Sure ka ganyan ang itsura mong haharap sa press?"

"E ganito lang naman talaga ako manamit. Hindi naman kasi ako celebrity."

"Please don't be offended. I just want you to look good before them, para wala silang masabi sa'yo. Maganda ka, Dee, sayang kung di nila makikita dahil di ka nag-ayos."

"So anong gagawin natin?" "Sige, ako nang bahala."

Pumasok siya sa room niya. Pagbalik, may hawak na siyang jacket at baseball cap.

"Here, wear these."

"We're going to the mall to buy a dress."

Di na ako nakipagtalo at sumunod na lang sa kanya sa kotse. Pagdating sa mall, diretso kami sa Topshop.

"Hindi ba masyadong mahal dito?"

"Kahit na fake girlfriend lang kita, ayoko namang magmukha kang basura sa harap ng ibang tao."

Fake talaga? Basura talaga? Sobra naman 'tong lalaking 'to. Medyo nakaka-hurt na siya, ha.

"Hanap ka na ng dress, we don't have much time. Don't think of the price, sagot ko na."

"Okay."

Nakahanap naman agad ako ng magandang dress, kulay powder blue na may cute floral prints. Paglabas ko ng fitting room, naghihintay na sa may cashier si Bryan. Binigay ko sa kanya yung dress. Pareho pang blue yung napili naming isuot. Mukha kaming may production number!

After bumili ng damit, dinala naman niya ako sa isang mamahaling salon at ipinakilala niya sa owner.

"Tita Jeanie, this is Daniella, my girlfriend. Dee, this is my Tita Jeanie, kapatid ng Mom ko."

"Nice meeting you po."

"Nice meeting you rin, hija. You're so pretty, bagay kayo ng pamangkin ko. Here, have a seat."

"Thank you po."

"Tita, I have to go muna. May naiwan po ako sa bahay, e. I'll pick Dee up after two hours, okay na ba yun?"

"Sige, hijo. Don't worry, she's in good hands."

"I'm sure about that, Tita Jeanie. Sige po. Bye." Bumeso si Bryan sa Tita niya then he turned to me.

"See you later, wifey." He kissed me sa cheek. Naamoy ko tuloy yung scent niya.

Napangiti ako, nagtaka tuloy si Bryan. "Anong nginingiti-ngiti mo dyan?"

"Wala. Sige na, I'll see you later. Bye, hubby. Ingat ka." 

"Nakakatuwa naman kayo. Naalala ko tuloy ang kabataan ko. Ikaw ang first girlfriend niya, di ba?" 

"Opo."

"I'm happy for the both of you. I'm sure Bart and Elise are looking forward to meet you. Sayang, wala na si Bettina, but I know masaya rin siya para sa inyo kung nasaan man siya ngayon."

"Sino po si Bettina, Tita?"

"Hindi pa ba nakuwento ni Bryan?" "A, e, hindi pa po."

"Sige, ikukuwento ko sa'yo while I'm fixing your hair. Half-sister ni Bryan si Bettina, anak ni Bart sa ibang babae. When Bettina's mom passed away, napunta siya sa poder ni Bart. Noong una, Elise was against it. Pero wala silang choice, walang mapupuntahan si Bettina. Dahil mabait na bata si Bettina, Elise eventually learned to love her as her own. Pero itinago nila ang totoo sa ibang tao."

"Paano pong itinago?"

"They made it appear na inampon si Bettina dahil gusto ni Elise ng anak na babae. Natakot sila sa eskandalo."

"Si Bryan po, tanggap ba niya si Bettina?"

"Ang alam ko, nung una, hindi. But Bettina is such a nice girl, hindi siya mahirap mahalin. "

"Di nagtagal, parang tunay na kapatid na ang turing nila sa isa't isa."

"Ah. Puwede po bang magtanong?" "Oo naman, Daniella. Ano yun?" "What happened to Bettina, Tita?"

"Hay, napaka-tragic ng kuwento na yan. September 24, birthday ni Bryan, he decided to throw a house party. While he and his friends were busy drinking and merrymaking, a fire broke out in the kitchen. Sobrang bilis daw ng mga pangyayari. Nakalabas yung mga bisita bago pa kumalat yung apoy. But not Bettina, who's already sleeping in her room. A firefighter tried rescuing her pero wala rin, namatay din. Sinisi ni Bart si Bryan sa nangyari. So Elise decided to send Bryan here, to ease things up a bit. Kawawa din kasi si Bryan, ni hindi kinakausap ng Dad niya."

Natahimik ako bigla. Hindi ko alam na ganun kabigat yung dahilan ng pag-uwi ni Bryan dito sa Pilipinas. Naawa naman tuloy ako sa kanya.

Pagkatapos niya akong ma-makeup-an, pinagbihis na ako ni Tita Jeanie. Mayamaya, dumating na rin si Bryan.

"Ready ka na?"

Pagharap ko sa kanya, tiningnan niya ako from head to toe saka nag-smile.

"Ganda mo, a."

Hindi ko siya sinagot. I walked towards him and hugged him instead.

"O, bakit?"

"Wala, gusto lang kitang yakapin."

Gusto kong sabihin sa kanyang I feel for him, I can understand his pain. Namatayan din kasi ako.

"Okay ka lang ba?" "Oo naman."

"I'm serious, Dee. You're so beautiful. Parang ayaw mo namang maniwala, e."

"Salamat. Dati pa naman."

Dinaan ko na lang sa biro yung unusual feeling na naramdaman ko when he complimented me. Ang guwapo niya rin kasi, pamatay yung smile kahit kelan.

"Tara na, baka ma-late pa tayo."

Nagpasalamat at nagpaalam na rin kami kay Tita Jeanie.


Bigla ko lang naisip. Si Papa September 24 namatay, same date kay Bettina. Grabeng coincidence.

Ang Boyfriend Kong Artista. [Published book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon