Chapter 17.1 [Assignment]

364K 6.9K 245
                                    

17.1. Daniella

Habang nag-aassign si Madam Cheng ng isusulat na article ng bawat member, gustung-gusto ko nang lumabas na lang ng classroom at maghanap ng ibang club na sasalihan. Yung wala si Bryan.

"Bakit hindi maipinta ang mukha mo dyan?" tanong sa'kin ni Yoma.

"Hay naku, ano pa, e, di yung katabi ko."

"Anong problema mo kay Bryan? Suwerte mo nga, e."

 "Ako, suwerte? Paano?"

"Suwerte mo guwapo katabi mo," singit ni Bryan.

At nakikinig pa sa usapan ng may usapan!

Tiningnan ko siya at binigyan ng isang nakakamatay na irap.

"Whatever. Photographer ka o pa-cool lang?" He just smiled at me.

"Patingin nga ng proof! I bet puro amateurish ang shots mo, e!" pang-aasar ko sa kanya na sinundan ko pa ng tawa.

Nilapag niya yung portfolio niya sa harap ko. "Amateur ka naman tala—wow!"

Di ko na naituloy yung sasabihin ko dahil pagbukas ko ng portfolio niya, napanganga na lang ako sa ganda ng mga kuha. Yung image quality, framing, lalo na yung composition, panalong-panalo, parang kuha ng professional.

Nakitingin na rin pala yung ibang members sa portfolio ni Bryan. At gaya ko, na-amaze din sila sa mga kuha.

"Daniella, what's that? Can I have a look?" Napansin ni Madam Cheng yung tinitingnan namin. Tumingin ako kay Bryan and he gave me the go signal. Iniabot ko kay Madam Cheng yung portfolio ni Bryan. She smiled at tumango-tango pagka-open pa lang ng portfolio.

"Bravo, Mr. Lim! I can see you have an eye for photography. Hmmm. This gave me an idea."

Madam Cheng looked at me and smiled.

"Why don't we publish an article about Bryan? I'm sure maraming magbabasa ng newspaper natin if we do that."

Nag-agree naman yung iba. Nag-smile lang si Bryan.

Hindi man lang tumanggi, o! Kapal din talaga ng mukha!

"Sino pong gagawa ng article?" tanong ng isang second year na member.

"Since we all know na close na kay Mr. Lim si Ms. Alvarez, sa kanya ko na ia-assign ang article na ito. Ms. Alvarez, you already know what to do, right? Deadline for all of you will be next Friday."

"But Madam—"

"No buts, Daniella. My decision is final."

"So that's it, we're done. See you next week!" Mabilis na naubos ang mga tao sa classroom.

Nagpaalam na rin sina Lars at Yoma. Kami na lang ni Bryan ang naiwan. Pagtingin ko sa kanya, ayun na naman, nang-aasar na naman yung smile.

Haynako.

"Paano ba yan, Dee? You need to spend time with me pala. Hindi mo ako maiiwasan."

"Yes, para lang sa article. Wag kang feelingero, okay?"

Hinawakan niya yung dalawang kamay ko at nag-puppy dog eyes pa.

"Alam ko naman na gusto mo rin akong makasama, e. Kaya bukas, 2 pm, meet me at the Lover's Lane. Don't be late." Kinindatan pa ako bago umalis.

Nasa isip ko pa rin ang interview habang pauwi sa bahay. On one hand, interesado rin akong malaman yung mga detalye ng buhay ng isang Bryan Lim. Bahala na, basta kelangan kong magawa yung article. Titiisin ko na lang na kasama siya buong araw.

Ang Boyfriend Kong Artista. [Published book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon