25. Daniella
Kung puwede lang na mag-disappear na lang muna ginawa ko na.
Pinagpiyestahan ka sa internet buong weekend. Sinasabihang malandi, walang breeding, manggagamit, nakiki-ride sa kasikatan, at kung anu-ano pang hurtful na salita. Sigurado pagdating sa school, pag-uusapan ka pa rin. Sino namang gaganahang pumasok sa lagay na yan?
Pero yung isang bagay na ipinagwo-worry ko talaga, galit pa rin sa akin ang bestfriend ko. Sabi ko na, e. Tama yung pakiramdam ko na gusto niya si Bryan. Pero sana naman pinagpaliwanag niya muna ako. We're not the best of friends for nothing. Kaso hindi, e, inuna niya yung galit niya.
Tapos etong sina Erick at Allison, umeepal pa. Nakakainis. Kung sakaling may something kami ni Bryan, it's none of their business anyway. Hay, mga taong ito.
Pero ang pinakakinakatakot ko talaga—ang Bryanbelievers.
"Ate, papasok ka na? Sabay na tayo."
Buti pa 'tong si Desi, dinadamayan ako. Pero gaya ng iba, hindi siya naniniwala na hindi kami ni Bryan.
"Sige, mauna ka na sa labas. Susunod na ako." Dalawa lang kami ngayon dito sa bahay.
Lumipad pa-Europe kahapon si Mama. May aasikasuhin lang doon. Buti nga wala muna siya rito. At dahil hindi naman siya active sa social network, malamang hindi pa nakakarating sa kanya ang balita. Sana nga hindi.
Pagdating namin sa school, nakaabang na yung pagkarami-raming people sa north gate.
Oh no! Parang alam ko na kung bakit sila nandito! Think fast, Daniella. Think of a way out!
Pero huli na, may nakapansin agad sa akin. "Look! It's Miss Alvarez. Miss Daniella!"
Nakita nila ako! Iniwan ko si Desi at tumakbo ako nang mabilis papunta sa south gate.
"Miss Daniella, wait po, konting statement lang po!" narinig ko galing sa likuran ko.
At hinabol talaga nila ako hanggang sa south gate! Malapit na ako sa mismong gate nung biglang may nag-grab ng braso ko.
"Dee?! Why are you running?" Si Bryan.
Ito namang taong ito ang pinaka-wrong timing sa lahat ng wrong timing! Inabutan tuloy kami ng mga reporter at pinalibutan.
"Kainis ka naman, Bryan, e!"
Nakita ko yung gulat sa mukha ni Bryan. Noon lang yata niya naintindihan ang nangyayari. Wala na, nung nakalapit na sila, puro flash na ng camera at inulan na kami ng tanong. I felt so harassed. Hindi ako sanay sa ganito.
Nagulat ako nung bigla akong akbayan ni Bryan.
Why did he suddenly...?
"Please let us enter the school in peace. My girlfriend is not really feeling well right now."
Hay, buti naman nakaisip ng palusot si Bryan. Wait, what? Girlfriend?
"B-bryan!" protesta ko.
"We'll have an interview soon. You may leave now. Thank you. Let's go, babe."
Anong tawag niya sa'kin? Babe?
Biglang kinuha ni Bryan yung kamay ko at sinenyasan akong tumakbo papasok ng school grounds.