Chapter 12. [Introduction]

440K 8K 949
                                    

12. Daniella

"Bes, andyan ka lang pala!"

Tumingin lang si Andie sa akin, di man lang ngumiti. "Hmp. Bes ka dyan."

"Ang sungit naman ng bestfriend ko. Sayang, in the mood pa naman akong manlibre ngayon," parinig ko kay Andie sabay pasok sa classroom. Umupo ako sa 3rd row.

Mayamaya, may biglang yumakap galing sa likod ko. "Sorry na, bes. Ikaw naman kasi, e." Umupo sa tabi ko

si Andie.

"Anong ako?"

"Di mo man lang sinabi na close kayo ni Bryan. Mukha tuloy akong tanga kahapon. Ang daming nagtanong sa akin kung kayo na ba o ano. Nakakairita! Sabi ko na lang sa kanila, 'Pakialam n'yo ba sa kanila?'"

"Hahaha. Kaya kita love, e. Pero, bes, di nga kami close, isa ka pang makulit, e."

"Sus, di raw close. Pero nakita ko buhat-buhat ka ni Bryan. Pinag-uusapan nga kayo kahapon, e."

"Ano ka ba, bes. Si Allison kasi, e. Buti na nga lang andun si Bryan."

"Anong ginawa ni Allison?"

"Kita mo na, hindi mo pa alam. Bestfriend pa naman kita." Ako naman ang nagtampo kunwari. Tinalikuran ko siya, pero hinila niya ako.

"Huy, bes. Sorry na. Ang alam ko lang, suspended si Allison for two weeks, e."

"Well, she deserves that." "Ano ba kasing nangyari?"

Kinuwento ko sa kanya ang nangyari kahapon. Nagulat siya kasi hindi naman ganun ka-war freak si Allison dati.

"Kawawa ka naman pala. Sorry, wala ako nung nangyari yun. Kung nandun ako baka kung anong nagawa ko kay Allison. Baliw na talaga siya."

"Yeah. Hayaan na lang natin siya."

"Oo nga pala. Magkayakap kayo kanina ni Bryan sa grounds, ha. Nakita ko yun!" tukso ni Andie, sabay hampas sa balikat ko.

"Baliw! Umiiyak nga kasi ako. Kinomfort lang ako nung tao."

"Comfort mo mukha mo! Bakit ka naman niya kailangang i-comfort, aber?"

Ikinuwento ko kay Andie yung nangyari.

"Grabe! Ano bang nakain ni Erick at pumatol siya kay Allison? Pinagkatiwalaan ko siya na hindi ka niya sasaktan. Tapos gaganyanin ka bigla?" Giyera mode na si Andie.

"Bes, kalma lang."

"No, bes. Hindi ko 'to mapapalampas. Kahit pa pinsan ko si Erick."

Si Andie yung lifesaver ko eversince. Naging mag-bestfriend kami nung Grade three. May kumuha ng lollipop ko saka tinulak ako. Iyak ako siyempre. Tapos ayun, to the rescue si Andie.

"Wag na si Erick please? Si Allison na lang."

After all he's done to me, concerned pa rin ako sa kanya. Hay.

Naputol yung pag-iisip ko dahil sa pagdating ng teacher namin.

"Good morning, class. I'm Mr. Anton Marquez. I will be your Math teacher and your class adviser.

Tahimik lang ang lahat, halatang takot kay Mr. Marquez.

"Okay, class, please introduce yourselves. Let's start from the back."

Pinigilan ko ang sarili kong tumingin sa likuran kasi alam kong nandun si Erick.

"Good morning. I'm Roderick Yu. You can call me Erick. I'm seventeen years old." Madaming nagpalakpakan pagkatapos.

"Sikat rin pala ex mo." Si Bryan na nasa likod ko, ayaw talaga akong tantanan. Di ko na lang pinansin.

Nung si Bryan na ang mag-iintroduce ng sarili, lahat ng classmates ko, kasama na si Andie, e, sumigaw ng "Bryan! Bryan! Bryan!"

Tiningnan ko si Bryan, naka-smile lang siya. Grabe, feel na feel!

"Hi, I'm Bryan Lim, 17. I grew up in the US. I know that you know I'm a celebrity but please, no special treatments, okay?" Tapos nag-bow siya. Nagtilian naman yung mga classmate ko.

Jusmio, para silang nasasapian!

"Well, Mr. Lim, this school believes in equality. Kaya walang magti-treat sa'yo na iba ka. I'm glad you're fine with that," sabi ni Mr. Marquez.

Tumango lang si Bryan at umupo na. Mayamaya pa, turn ko naman.

"I'm Daniella Alvarez. You can call me Dani. I'm 16 years old."

Natapos din ang introduction at sa wakas, recess na. At ayun nga, nagpalibre sa'kin si Andie. Pambawi ko raw. Pagdating ko sa favorite spot namin sa canteen, may asungot nang nakiki-share.

"At bakit may ibang tao sa table natin?" tanong ko kay Andie.

"Uh, bes, occupied na yung ibang seats. Since may vacant pa naman dito sa atin, pinaupo ko na siya rito."

I looked around at totoo nga, puno na nga. Umupo ako sa tabi ni Andie. Si Bryan nasa tapat ko, naka-smile na naman.

"Thank you pala sa pagtulong mo sa bestfriend ko, ha? Naku, boto na ako sa'yo," sabi ni Andie kay Bryan.

Tiningnan ko si Andie nang masama. Tinawanan lang niya ako.

"Sus, kunwari pa kayong dalawa. Uhm, Bryan, simula ngayon, puwede ka nang sumabay sa'min pag recess. Friends naman na tayo, e."

"Thanks, ha? Buti ka pa mabait at welcoming." Tumahimik lang ako. Kaya ayun, sila lang ni Andie ang nag-usap nang nag-usap. Naku, feeling ko, made-develop 'tong si Andie kay Bryan, e.

Teka, bakit parang na-bad vibes ako bigla?

So ayun, nagkaroon sila ng sariling mundo. I suddenly felt out of place. Nawalan na rin ako ng ganang kumain.

Sadly, wala agad nakapansin kahit kanino sa kanila. Napatigil lang sila nung napansin nilang ang tagal ko nang tahimik.

"Bakit ang tahimik mo, bes? May problema ka?" 

"Wala naman."

"Sigurado ka?" 

"Oo nga, ang kulit."

"Geez, stop acting like a baby! Teka, alis muna ako, ha? May ibibigay lang ako sa kapatid ko. Magpalamig ka ng ulo, bes. See you later!"

Naiwan kami ni Bryan sa table. Di ko pa rin siya pinapansin.

"Ang nice naman ng bestfriend mo." Di ko siya sinagot.

"Uy, anong nangyari sa'yo?"

Bahala kang magmukhang tanga, di kita kakausapin kahit anong gawin mo.

"Teka, wag mong sabihing nagseselos ka?" sabi niya saka tumawa nang malakas.

Hinampas ko siya nang hinampas ng folder pero lalo lang lumakas ang tawa niya.

"Aray! Tama na, Dee! Sobra na yan, ha!"

"Kapal ng mukha mo, di ka naman guwapo. Ako magseselos sa inyo? Honestly, I don't give a damn, my dear." "Bakit naman hindi? Maganda yung bestfriend mo, guwapo ako. Mukhang bagay nga kami, e. Ikaw, akala mo maganda ka?"

"Sorry naman, Your Highness! Pasensya na po, ordinaryong tao lang!"

Di na ako nagdalawang-isip na walkout-an siya. Kung pintasan ako parang ang close na namin, a!

"Saan ka pupunta?"

"Wala ka na dun!" Tapos tinuloy ko na yung paglalakad ko.

And then suddenly my knees felt weak and everything became a blur. The last I heard was Bryan shouting my name.

"Deeeeeee!"

Ang Boyfriend Kong Artista. [Published book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon