Chapter 22
[Jade's POV]
Habang naghi-hysterical si Megan dahil sa nabunot nya at tulala si Bryan dahil nalaman sya ang nabunot nito, at si Marj naman eh kanina pa tulala ay tulala pa din ngayon habang parang baliw na nangingiti, at tawa naman ng tawa si kuya Dan, eh hindi na ko nakidagdag pa sa noise pollution na ginagawa nila kaya umexit na ko at pupunta na lang ako sa jail booth. At parang walang tiwala sakin, talagang hinatid pa ako nitong si Luke.
Pesteng Bryan yan, kung nalaman ko pa lang sa simula na nagbayad sya para sa prize at punishment edi sana inayos ko yung laban namin ni Megan. =___=
Tuloy, jail booth ako ngayon. Arggghh nakakainis naman. Buti sana kung pwede magdala ng gadgets o ng libro sa loob eh, okay lang kahit dun na ko tumira. Eh kaso kukunin lahat ng gamit bago pumasok sa loob. At hindi din pwedeng ako ang magbayad para makalabas ako, dapat ibang tao. Aish, humanda sakin mamaya yang Bryan na yan. >:|
"Excuse me..." sabi ni Luke doon sa nagbabantay sa jail booth.
"Ah yes?" sagot ni ate habang nagb-beautiful eyes. Tss, pano kaya kung sa club namin tong girl na to? Baka magkamuscle na yang talukap nya kakabeautiful eyes sa mga gwapo sa TTC, lalo na sa poging fafa Brandon ko.
AY LANGYA... fafa Brandon KO???! Shet...
Anak ng teteng, kelan pa ba ko natuto ng ganyang mga words. Aish talagang hindi maiiwasang mahawa ka sa kabaliwan ng mga kaibigan mo =___=
"Ah miss, 30 minutes, punishment sa booth namin." sabi ni Luke at tinuro nya ko.
"Ah okay ^____^" sabi naman ni ate habang patuloy sa pagpapacute. Kaya pumasok na lang ako dun sa jail booth, isang room na madilim. Tanging yung liwanag lang sa bintana na hindi natakpan ang nagbibigay ng liwanag sa loob nung room. Ano to, jail booth at horror booth? =__=
"Eyy, bakit ang dilim naman?? May tao na ba dyan? O multo?" tanong ko dun kay kuya na nakabantay sa may pinto.
"Ganyan talaga ang buhay ate. Sige na pasok ka na, ikaw lang mag-isa dyan, kakalabas lang nung dalawang nahuli kanina, kaya walang ibang tao dyan. Ewan ko na lang kung may multo ^____^v" aish nang-asar pa? Tsk, hindi naman ako takot sa multo =___=
"Tss. Kdot -_-" hindi ko na lang sya pinansin at pumasok na ako sa loob. Wala ngang tao, at wala din namang multo.
Umupo na ako dun sa sulok at nagsimula akong magbilang ng alikabok.
Baka kasi makatulog ako pag nagbilang ako ng tupa, eh since puro alikabok naman dito, bibilangin ko na lang to. As if naman nabibilang yung alikabok =____=
1, 2, 3 asawa ni marie...
Pagkatapos ng ilang minuto ng paghihintay ko dito eh bigla na lang bumukas yung pinto at may pumasok na tao. Malamang tao yung papasok. Pero hindi ko nakita yung mukha nya dahil sinara na agad yung pinto.
BINABASA MO ANG
Bakit Hindi Ako Crush Ng Crush Ko? [COMPLETED]
Novela JuvenilMay pag-asa bang magkagusto sayo ang taong matagal mo ng gusto? O isa lang ito sa mga pantasya ng mga kababaihang lubos na nagkagusto sa isang tao? "Bakit hindi ako crush ng crush ko?". Yan ang kaisa-isang tanong na gustong masagot ni Marjorie. Masa...