Chapter 50 - FINALLY

6.4K 121 39
                                    

Chapter 50

[Bryan's POV]

"Nauna ba sabi nyo? Edi ako na. Partner kami." nagulat na lang ako nung bigla ding nakisali sa pag-aagawan namin si John.

Aish. Kaya naman ako nakipag-agawan dahil alam kong may laban ako kahit papano kay Raffy eh. Pero dito kay John? Tss, wala na, taob na.

Tumingin ako kay Marj at nakatulala lang sya kay John. Si Raffy naman eh hindi maipinta ang mukha habang nakatingin din kay John.

"Marj,  partner tayo?" tanong ni John pero si Marj, parang nasa stage of shock pa din.

"A-ah, p-partner?"

"Oo, ano, tara---" hindi naituloy ni John ang paghatak nya sana kay Marj nung may biglang kumapit sa braso nya at humila sa kanya.

"John! Andito ka lang pala. Kung saan-saan nagpupunta ang partner ko ah. Tara na!" bungad ni Lorraine na bigla na lang sumusulpot.

"Lorraine??"

 

"Yes John, the one and only. Tara na!" wala na syang nagawa dahil hinatak na sya ni Lorraine papalayo sa amin. Si Marj naman ay nakatingin lang sa papalayong si John.

Hindi ko na alam ang gagawin ko nang may bigla na lang humatak sakin kasabay ng paghatak din ni Raffy kay Marj.

"Partner tayo." seryosong sabi ni Megan.

"Eh?"

"Wag kang maarte. N-no choice lang ako." sabi nya ng hindi tumitingin sakin.

Nagsimula na ang game at hindi ako makaconcentrate dahil nakatingin lang ako kay Marj at Raffy na katabi lang namin. Si Marj din eh alam kong wala sa focus dahil kay John sya nakatitig.

"Hep! Out na kayo!" sabi ni Dan kanila Marj na naout dahil hindi nakita ni Marj na nakalampas sa papel ang paa nya.

"Oy! Kayo din! Out na!" sabi naman ni Luke sa amin.

"Eh? Bakit?" tanong ni Pa.

"Yung partner mo oh, nasa labas ng papel yung isang paa."

Bakit Hindi Ako Crush Ng Crush Ko? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon