Chapter 16 - GETTING CLOSER

9.3K 162 11
                                    

Chapter 16

[Jade's POV]

Hindi ko alam kung ano dapat kong gawin dahil base sa itsura nya eh magsisimula na naman sya sa pagsusungit nya. Umupo sya mula sa pagkakahiga at tinignan nya lang ako.

"A-ah... Ta-ta-tatanggalin ko lang sana yung s-salamin mo, baka nahihirapan k-ka..." sabi ko at medyo lumayo ako sa kanya.

Hindi sya nagsasalita kaya tinitigan ko lang sya. I guess ito ang way nya para makipag-usap, gamit ang mata.

"Gwapo ka sana, masungit ka lang, alam mo ba yun?"

yan ang tumatakbo sa isip ko habang nakikipagtitigan ako sa kanya. Grabe, ang ganda ng mata nya. *__*

Pero hindi ko mabasa kung anong sinasabi ng mata nya, parang feeling ko lang eh anytime may lalaking magsusungit at magwa-walk out dito.

"Oh? Himala at hindi ka pa nagsusungit? Hala, walk out ka na. Ganyan ka naman eh."

"Tsk ~_~" sabi nya at tumayo na, pinagpag yung damit nya at naglakad na palayo.

Naku, parang narinig nya yung iniisip ko. Pero bahala na, daanin na sa paspasan, kung kailangang kulitin ko sya para magsalita sya at kausapin ako eh gagawin ko. Gaya nga ng sinabi ko, gusto ko syang makilala.

"O-oy! Sandali!" sinundan ko sya at parang wala syang naririnig.

"Brandon diba? Brandon Jay?" sabi ko pero no reaction pa din, at parang hangin lang ang kausap ko. Ewan ko ba, nawala yung takot ko sa kanya, basta ang nasa isip ko lang eh magiging close kami.

"Jade nga pala..." aba consistent, no reaction forever, autistic ba to?

"Hmm, may problema ka ba?" huminto sya sa paglalakad kaya napahinto din ako at tinignan na naman nya ko ng masama.

"Tss ~_~" at naglakad na sya ulit at sumunod naman ako. Tsk, di kita tatantanan. 

Grabe, di ko akalaing mangungulit ako ng lalaking sinusungitan lang naman ako.

"Alam mo, wag mong sarilinin yan, baka mabaliw ka, ikaw din..."

"Ah parang alam ko na, autistic ka ba?" lalong kumunot yung noo nya at parang feeling ko eh may lalaking mananapak dito. Eh bakit kasi hindi nya sagutin yung mga tanong ko, hindi naman ako stranger. Schoolmate / batchmate / co-member nya naman ako. At willing naman akong maging friend nya.

"Hmm, silent means yes diba?"

"No!" sigaw nya.

"H-hey, hindi mo naman kailangan sumigaw. Teka, sabi mo 'no'? Whoa, nagsalita ka din sa wakas. Pero in fairness, maganda naman boses mo, pero bakit hindi ka nagsasalita?"

Bakit Hindi Ako Crush Ng Crush Ko? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon