Chapter 56
[Megan's POV]
Di ko alam kung saang lupalop na naman ako dadalhin nito ni bakulaw. Hatak dito, hatak doon, ganyan na lang lagi, psh.
"Dito na tayo." nakangiting sabi nya sakin. Napatingin ako sa paligid at nalaman kong nasa mall na naman kami.
"Eh? Ano bang gusto mo ha? Tsk, uuwi na lang ako bakulaw."
"Pa naman. Gusto ko lang mag-enjoy, at magcelebrate na din."
"Celebrate? Birthday mo?" tanong ko.
"Tsk, hindi! Celebrate lang natin ang araw na to."
"Ano ngang meron??"
"Ngayon kasi, pakiramdam ko, unti-unti na kong nakakalimot."
"Ha?? Ano bang sinasabi mo?"
"Feeling ko, nakakamove-on na ko."
"Haha. Move-on ha? Gusto mong i move on ko yang mukha mo?"
"Eh?? Bakit ba sobrang high blood ka kanina pa??" tanong nya at sumeryoso na sya.
"Tsk, ewan ko sayo!" tinalikuran ko sya at nagsimula akong maglakad.
Bakit ba ako nagkakaganito?? Dati yung pagsusungit ko eh para matakpan ang kilig ko. Pero ngayon, nagsusungit ako dahil nagagalit ako. Dahil nagseselos ako. Dahil nasasaktan ako.
"Pa!!" sigaw nya pero tuloy lang ako sa paglakad.
"Pa!" hindi ko pa din sya pinansin pero alam kong nakasunod na sya.
"Megan ano ba??" sabi nya, pero this time, ramdam kong nasa likod ko na sya.
"Megan!" sigaw nya at pinigilan na ko sa paglakad dahil hinawakan nya ang braso ko.
"Bakit ba? Anong problema?" seryosong tanong nya. Umiwas na lang ako ng tingin.
"Tss. Anong sabi mong gustong gawin ngayon? Magcelebrate dahil nakakamove on ka na? Haha, joker ka talaga." sabi ko at tinalikuran ko na ulit sya.

BINABASA MO ANG
Bakit Hindi Ako Crush Ng Crush Ko? [COMPLETED]
Ficção AdolescenteMay pag-asa bang magkagusto sayo ang taong matagal mo ng gusto? O isa lang ito sa mga pantasya ng mga kababaihang lubos na nagkagusto sa isang tao? "Bakit hindi ako crush ng crush ko?". Yan ang kaisa-isang tanong na gustong masagot ni Marjorie. Masa...