Chapter 10
Okay pa sa okay ang pakiramdam ko simula pa nung araw na dinala ako ni John sa clinic. Haaay, kay sarap talaga balik-balikan yung pangyayaring yun, hihihi.
Kahit na palagi kaming nagpa-practice ng palihim ni Bryan eh okay lang, hindi ko na sinasagad ang katawan ko, nagpapahinga akong maiigi ^_^
At ngayon, sabado na naman at ang ibig sabihin eh may practice kami sa club. Yes! namiss ko na si John my loves, at makikita ko na ulit sya hahaha.
At ang maganda pa eh kahit papano natututunan ko na ang table tennis. Syempre hindi pa ako magaling masyado, pero kahit papano eh natatamaan ko na yung bola, hindi katulad nun na parang tumatagos sa paddle yung bola.
"Marj!" tawag sa akin ni Bryan at may kaway kaway effect pa.
"Uy!" sagot ko sa kanya nung makalapit ako at umupo sa tabi nya.
"Hehe, kamusta ang MVP ng TTC??"
"Eh? MVP? Nang-aasar ka ha??!"
"Haha, anong nakakaasar sa MVP?"
"Eh hindi nga ako marunong pa masyado tapos ganyan sinasabi mo, tss, yabang mo talaga noh?"
"Teka, ano bang MVP ang akala mo? Most Valuable Player ba?"
"Eh ano pa ba? Nako kumag ka wag mong sirain araw ko, lagi ka na lang nang-aasar, psh."
"Hahaha! Assuming ka naman, Most valuable player? Si Marjorie? Di nga?"
"Aish! Ewan ko sayo! Labo mo kausap eh. Ikaw kaya nagsabi dyan!"
"Haha, eh iba naman kasing meaning ng MVP ang sinasabi ko."
"Eh? Ano?"
"MVP. As in Most Veautiful Player. *wink*"

BINABASA MO ANG
Bakit Hindi Ako Crush Ng Crush Ko? [COMPLETED]
Novela JuvenilMay pag-asa bang magkagusto sayo ang taong matagal mo ng gusto? O isa lang ito sa mga pantasya ng mga kababaihang lubos na nagkagusto sa isang tao? "Bakit hindi ako crush ng crush ko?". Yan ang kaisa-isang tanong na gustong masagot ni Marjorie. Masa...