Chapter 3
Ilang oras na ang nakalipas pero nakatitig pa din ako sa pader ng kwarto ko. Hihi, kinikilig pa din kasi ako eh, hoho, ang lande XD
Pero kung kayo ba? Alam ko ganito din kayo kiligin. Yung paulit-ulit mong naaalala yung mga kilig moments :">
Pero wait, enough with that kilig kilig thingy na yan. Male-late ako neto eh. Maaga nga akong nagising, ang tagal ko namang nakatulala dito -_-
Kaya kumilos kilos na ako at nagready para sa school.
Same routine. Ligo, bihis, kain, alis na. Pero bago ako makaalis kanina eh napansin ni Mama na energetic daw ako. Eh kelan ba hindi? :P
Nang makapasok ako eh kamuntik muntikan na naman ako malate. Buti na lang at hindi pa nagstart nung dumating ako. Inuna ko pa kasi ang pagde-day dream eh -__-"
Pero wala namang bago, madalas naman akong late. Tsaka ganun pa din naman, hindi ako nakinig dahil excited ako sa break. Ang bait ko no? Kakapasok ko pa lang pero break agad ang gusto XD
Mga bata, wag nyo akong tularan ^_^v
At dahil na din sa pagtulaley ko eh natawag tuloy ako nung teacher namin sa Science.
Tss, buti recap lang kaya nakasagot ako. Psh, likas na ang pagiging matalino ko hahahaha :)
Hindi din nagtagal eh nag-ring na yung bell kaya break time na.
At dahil nga excited ako, pinilit ko silang unahin namin yung form at ipasa na namin. Kaya pumunta kami doon ulit sa table ng registration nitong sports club. Second and last day na kasi ngayon ng registration, kaya panigurado akong nagkakaubusan na ng slots nyan. Buti at maaga kami.
"Ay miss, yung mga form nyo, sa room na ng table tennis club yan isa-submit."
"Ah ganun, sige po salamat."
Pagkasabi namin nun eh pumunta na kami dun sa room ng table tennis club. Hindi naman kami naligaw dahil magkakatabi lang yung room ng sports club pati na din yung iba pang club. Tsaka may nakalagay naman na signage dun sa pinto ng bawat room.
Ang ganda lang nitong room. May maliit na lounge, tapos table para yata sa president ng club or kung sinong in charge, tapos may table tennis equipments sa may bandang dulo nung room, may maliit na CR at may space para siguro sa mga members kung sakaling may meeting.
BINABASA MO ANG
Bakit Hindi Ako Crush Ng Crush Ko? [COMPLETED]
Novela JuvenilMay pag-asa bang magkagusto sayo ang taong matagal mo ng gusto? O isa lang ito sa mga pantasya ng mga kababaihang lubos na nagkagusto sa isang tao? "Bakit hindi ako crush ng crush ko?". Yan ang kaisa-isang tanong na gustong masagot ni Marjorie. Masa...