Chapter 25 - TOURNAMENT

8.8K 138 19
                                    

Chapter 25

[Marjorie's POV]

Natapos ang foundation week pero sa mga hindi kanais-nais sa mga dahilan eh hindi na ako nag-enjoy kaya hindi na ako umattend sa iba pang event. Hindi ko pa din nasasabi kanila Jade at Megan yung mga sinabi sa akin ni Bryan.

Kung nagtataka kayo kung bakit ako hindi nag-enjoy? Dahil pagtapos nung araw na yun eh hindi na normal ang friendship namin ni Bryan. Kapag lalapit sya eh nagiging AWKWARD ang atmosphere. Tapos si John naman, hindi ko alam, bigla na lang hindi nya na ako pinapansin, balik sa pagiging ilag sakin, tapos parati pa silang magkasama ni Lorraine =__=

Hindi ko nga alam ang dapat kong maramdaman sa tuwing naaalala ko yung first day ng foundation week namin. Masaya dahil sa nangyari samin ni John, pero malungkot dahil pagtapos nun eh parang wala lang nangyari at iniiwasan nya na naman ako. At tsaka yun din ang araw na umamin si Bryan.

Hindi na din kami parating nagppractice sa TTC dahil tinutukan na ang mga nanalo at napili para lumaban sa tournament.

Si kuya Dan, si John, si Bryan, si Lorraine at si Sam (fourth year at isa din sa mga magagaling maglaro sa TTC) si Lorraine at Bryan lang ang nakapasok na third year.

Kaya hindi na kami araw-araw nagmee-meeting at hindi ko na din araw-araw nakikita si John pero sa tuwing makikita ko sya eh kasama nya si Lorraine.

Natapos ang klase namin ngayong araw na to at napakaboring talaga, nawalan bigla ng excitement, ewan ko ba nakakainis lang >:|

Pauwi na sana ako at nagkataong may kailangang asikasuhin si Jade at may kailangan namang puntahan si Megan kaya mag-isa ako ngayon. Malapit na ako sa gate at may nakita akong babae dun sa di kalayuan. Alam kong si Lorraine yun dahil alam ko kung ano ang itsura ng bag nya. Classmate ko sya eh, malamang.

Hindi ko na sana papansinin dahil alam kong si John ang makikita ko after nyan at masasaktan lang ako dahil hindi nya naman ako papansinin. Pero napalingon ulit ako nung nakita ko kung sinong kasama ni Lorraine.

Si Tristan? Hmmm, bukod ba sa pagiging magkaibigan eh magkaano-ano sila? Para kasing super close sila eh.

Bago pa nila ako makita eh nagpatuloy na ako sa paglalakad ko at dumiretsong uwi na sa bahay.

Ang haba ng buhok ni Lorraine, mga sikat ang mga friends... Sya lang yata hindi, ^____^v

* * * * *

*** FEW WEEKS LATER... ***

Maaga akong gumising kahit na sabado ngayon. Hindi dahil may practice kami kundi dahil tournament na. At binigyan kaming lahat ni coach ng ticket kaya pupunta kami para naman hindi masayang.

"Nasan na daw ba si Jade?? Himala at sya ang nahuli ngayon ah." tanong ko kay Megan habang hinihintay namin si Jade dito sa labas.

Bakit Hindi Ako Crush Ng Crush Ko? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon