Chapter 35
[Marjorie's POV]
Pagkatapos kong mabusog sa kinain kong ampalaya eh bumalik na kami ni Megan sa room. Wala pa yung next teacher namin, maaga pa naman kasi.
"Guys excuse me! May announcement daw." sigaw nung isang classmate namin at pagtingin namin sa harap eh nandun pala yung mga familiar faces dahil sila ang representative ng SC namin. Mukha nila lagi ang nakikita namin pag may announcements eklat.
"Good afternoon sa inyong lahat. Gusto lang naming ipahatid sa inyong lahat na magkakaroon ng meeting ang JUNIORS at SENIORS sa auditorium sa ganap na 1 ng hapon. Yun lamang po, inaasahan namin ang inyong pagdalo." at nung matapos sila eh nagteleport na. Aish, ano ba itong school na ito, sagana sa meeting?
Tinignan ko ang wristwatch ko at 12:45 na pala. Siguro kailangan na naming pumunta dun.
Inaya ko na si Megan at sumunod naman sya agad kahit na busy na naman sa paglalaro. Tss, ano bang meron sa nilalaro nya at sobrang adik na yata?
"Uy ano ba yan? Pa-try nga." sabi ko habang naglalakad na kami palabas ng room at papunta sa auditorium.
"Oh dali itry mo! Maaadik ka din!" binigay nya agad yung phone nya sakin at ngayon eh dalawa na kaming naglalaro.
Wooo, maganda ito ah, pampalipas oras. Magandang pangtanggal stress.
Nalibang na ako agad dun sa paglalaro naming dalawa ni Megan kaya kung sino-sino na ang nababangga namin. Tss, tabi kayo dadaan ang mga VIP.
"Ay ang galing mo ah!" sabi ni Megan habang manghang-mangha na sakin.
"Haha, syempre ako pa." sagot ko naman at pinagpatuloy yung paglalaro.
"Marjorie Garcia!!!" nagulat na lang ako nung may biglang sumigaw ng pangalan ko. Pero hindi ko pa din inaalis yung tingin ko sa phone. Nakakatuwa eh, kaya pala ganun na lang kaadik dito si Megan.
"Oh bakit? Alam kong ikaw yan Jade." sabi ko dahil nakilala ko na agad yung boses nya pagsigaw nya pa lang kanina.
"Wag ka munang magulo dyan ah, ayan na baka madead ako!!!" sigaw ko at ramdam ko namang nasa tabi ko na si Jade at sinasabayan kaming maglakad.
"Marjorie makinig ka muna nga sakin!!!"
"Aish, ayan naaaaa!!!!"
"Hoy Marjorie!!!"
![](https://img.wattpad.com/cover/4827555-288-k901190.jpg)
BINABASA MO ANG
Bakit Hindi Ako Crush Ng Crush Ko? [COMPLETED]
Novela JuvenilMay pag-asa bang magkagusto sayo ang taong matagal mo ng gusto? O isa lang ito sa mga pantasya ng mga kababaihang lubos na nagkagusto sa isang tao? "Bakit hindi ako crush ng crush ko?". Yan ang kaisa-isang tanong na gustong masagot ni Marjorie. Masa...